Chapter 9: Evil

187 2 0
                                    


Nathannelle's POV

Nandito ako ngayon sa school ground , sitting on one of the benches . Pasipol-sipol at napapabungisngis ng wala sa oras dahil sa nangyari kanina .
Hahahahahahahaha Laftrip talaga !

"Hoy pare, saya natin ah anong Meron?" Untag sa akin ni Steven na nakiupo din dito sa bench , Lunch time na kasi .

"Nababaliw na siya" sabi naman ni Kurt na walang kaexpre-expresiyon ang mukha . Kahit kailan talaga, napaka seryoso ng isang to.

"Oo masaya ako , pero hindi ako nababaliw okay? May maganda lang talagang nangyari sa araw ko ngayon."

"Siguro babae yan no? Maganda ba pare o di kayay sexy?" Haisssstt kahit kelan talaga puro babae lang ang laman ng kokote ni Steven.

"Hindi" sagot ko sa tanong niya.

"Bumagsak ka sa quiz niyo kanina" sabi naman ni Kurt.

"Ano naman ang masaya dun?" Akala ko ba matalino siya, asan nang utak niya ??

"Eh sa masaya yun para sakin eh"- Steven

"Ewan ko sa inyo, just shut up okay ? Huwag niyo sirain ang kasiyahan ko"
Hayyy, mga walang magsawa.
Napapangiti talaga ako, kapag naaalala ko yun.

Eh kasi naman ...

Flashback👈👈👈

Di ko alam kung saan ako pupunta. Kanina pa ako palakad lakad dito sa labas ng building namin.
Hayyy, napalingon ako sa babaeng kakalabas lang ng building na tinukoy ko at si Pokwang ang nakita ko.
Saan kaya siya pupunta?

Teka? Ano bang pakialam ko kung saan siya magpunta di kami close no!
*Malay mo, eto na yung right time para makaganti ka sa kanya*
Anang other self ko.

Oo nga no? Mabuti pa tong other self ko , matalino.. palit nalang tayo no?

Ayun nga at sinusundan ko ngayon si Pokwang sa paglalakad , di man lang niya napansin ang presensiya ko sa di kalayuang distansya namin. Hahahahahahahaha

At katulad ko, kanina parin siya naglalakad at mukhang hindi niya alam kung saan siya papunta.

Matapos ng ilang taong paglalakad (note the sarcasm) dito siya napadpad sa school garden.
Nagtago lang muna ako dito sa malaking puno habang pinagmamasdan si Pokwang sa ginagawa niya.

She sat on one of the benches at nagsalampak ng headset sa tenga niya . Naghuhumm din siya , siguro sinasabayan niya yung kanta.

Pumikit siya at nagbuntong hininga na parang pasan niya ang mundo.

"This is perfect" sabi niya at ngumiti.

Na mesmerized ako sa ngiti niya , ngayon ko lang kasi siya nakitang nakangiti and it was beautiful, she's so beautiful .

I feel my heart thump a bit at di ko alam kung bakit at ano ang dahilan.
Aisht! Iwinaksi ko ang naiisip dahil para na akong nababakla. Ew, sayang ang kagwapuhan ko no.

*Tandaan mo nandito tayo para maghiganti*

Oo nga no, muntik ko ng magkalimutan.

Pagkalipas ng ilang minutong pagnanasa este pagmamanman ko kay Pokwang masasabi kong nakatulog siya dahil huminto na siya sa paghumm pero yung ngiti niya di parin nawawala, napapaisip akong nananaginip siya and I'm so curious kung ano kaya yun. Hahahahahahahaha

Ano kayang nababagay at nararapat na kaparusahan ang ipapataw ko sa kanya.
Hmmm, class hours ngayon at hindi siya pumasok so meaning nag cutting class siya .
*Ikaw rin naman ah*
Tumahimik ka nga, kala ko kakampi kita?
*Oo na, Ikaw na*

Tinext ko ang teacher namin na may klase sa section namin ngayon and fortunately si Ma'am De La Cruz ang terror na teacher namin.

To: ma'am terror

  Is your class starting ? I thought you have one student here at the school garden sleeping. Isn't it unfair with you and her classmates ??

  👉👉Sent👍👍

Hahahahahahahaha *evil laugh*

In just a minute nakita ko na si Ma'am terror paparating dito sa school garden at hindi lang Siya mag isa, kasama niya pa mga classmates namin.
At ako naman, nakatanaw lang mula dito sa likod ng puno.

"Miss Fuentes wake up" sigaw ni ma'am terror habang niyuyugyog si Pokwang pero di man lang ito nagising. Tulog mantika.

Yung classmate namin nagtatawanan na, at yung iba vinivideohan siya.
Mukhang may magiging artista nito Mamaya ah, makapa autograph nga. Hihihih

"Miss Fuentes, kung di ka gigising diyan ipapaexpell talaga kita ngayon din." Pagbabanta ni ma'am.

Biglang napamulat ng mga mata si Pokwang and shock is not enough to describe her face right now. Hahahaha Epic !
Nag blush siya bigla ng napagtanto niyang di lang pala si ma'am ang nandun .

"Miss Fuentes, come see me at my office, NOW" ma'am said calmly but shouted on the last word to emphasize it.

Tumayo naman si Yza at sumunod Kay ma'am .

The revenge was so perfect.

End of flashback!

"Tara Kurt, Lunch nalang muna tayo kasi ayokong mahawa sa baliw nating kasama" sabi ni Steven.

"Oo nga, ganyan pala pag nababaliw ang isang tao no? And I don't like it!" Sagot naman ni Steven.

Lumingon ako sa kanila "sinong baliw?" Tanong ko.

"Yung katabi mo pare" - Steven

Nilingon ko naman katabi ko pero wala naman akong katabi ah.

"Aray " binatokan ko kasi siya, yan bagay sa kanya.

"Kumain na nga lang muna tayo, nagugutom nako" Aya ko sa dalawa.

Author's Note:

Sorry po sa mga typos, errors at grammars . Keep reading and voting po. Comment din down👇 po para malaman ko kung may nagbabasa pa. Thank you .
Love yah all.

(Follow me din po)


When Ms.Manhater meets Mr.WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon