Chapter 23: Dramatic Flashbacks

68 0 0
                                    


Yzabelle's POV


School of Fashion and Fine Arts. Yan ang pangalan ng eskwelahang papasukan ko ngayon. Excited na nga ako eh dahil ito na ang simula ng katuparan ng mga pangarap ko at iyon ay ang maging isang sikat na designer. Wala man sa itsura ko ang pagiging designer ay designer naman by passion and by heart. Simple lang ako. Blouse at maong pants na kinokompleto ko sa pagsuot ng converse shoes. Hindi rin ako mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha. Kontento na ako sa pulbo at lip tint. Palagi ko ring tinatali ang mahahaba at maaalon kong buhok na kulay abo. Sabi pa nga ng mga kaklase ko ay ito raw ang buhok ko ang asset ko pati na rin ang kulay asul kong mga mata. Oo, naniwala ako sa kanila. Naniwala akong espesyal nga ako ngunit natapos ang paniniwalang iyon pagtungtong ko sa kolehiyong pinapasukan ko ngayon.

"Oh My God!" tili ng babaeng alipores ni Alexandria.

"Look who's here?" sabi pa ng isa pa niyang alipores.

"Ang Amerikanang hilaw" panunuya ni Alexandria at sabay-sabay silang nagtawanan. Tatalikuran ko na sana sila at huwag nalang silang pansinin ng hilahin ni Alexandria ang braso ko. "How dare you talikod on me. I'm still talking to you." sabi niya sa conyong pananalita. Mas hinigpitan niya pa ang paghawak sa braso ko at hindi pa siya nakontento, ibinaon niya pa ang mahahaba at kulay rosas niyang mga kuko. I winced, hindi dahil sa sakit kundi dahil sa dugong umaagos ngayon mula sa sugat ko. Nakita iyon ni Alexandria at agad tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Mukha naman siyang nataranta. "Next time, don't get into my nerves." madiin na sabi niya. She did not say sorry. She's not sorry for what she did. Instead, she walked away with her unwavering poise and confidence. And the loser like me, just fainted because I can't stand seeing blood. HOW PATHETIC!

Sa paglipas ng mga araw, linggo at hindi ko akalaing makakatagal ako ng tatlong buwan ay ganun lagi ang eksena. Nasasanay na nga rin ako. Nasanay na akong mabato ng itlog, kamatis, crumpled papers at kung anu-ano pang maisip nilang prank at pambubully ay naranasan ko na. Minsan nga totoong bato pa ang binabato nila sa akin kung kaya't naging suki na ako ng infirmary sa school na'to. Lahat ng pambubully nila hinayaan at tinanggap ko. Kahit wala akong kasalanan at wala akong ginagawang masama ay nabubully pa rin ako. Kung manlalaban ako ay mas lalo lang magiging malala ang lahat. Naiisip ko, kasalanan ko bang iba ako sa kanila? Pagkakamali ba ang piliing maging simple lang at makapag-aral ng matiwasay?

But for once, nabuhayan ako ng pag-asa nung nakilala ko si Clyde San Jose. Naging kaibigan at tagapagtanggol ko siya kaya mula noon naging tahimik ang paligid ko. Hindi na kami mapaghiwalay hanggang sa niligawan niya ako at sinagot ko naman siya. Ang akala ko, GOING STRONG kami yun pala WEAK. Ang akala kong totoo ay FAKE pala at ang akala kong panghabambuhay na ay may katapusan pala. Pinagpustahan lang pala nila ako ng mga barkada niya and guess what? Including Alexandria and her alipores. Ginamit niya lang pala ako para sa pansarili nilang interes at kasiyahan.

"Ayan kasi, masiyadong feelingera na papatulan talaga siya ni Clyde. Noong una palang, walang sa'yo dahil akin lang si Clyde. Lahat ng pinakita niya ay parte ng pustahan namin at hindi totoong mahal ka niya. Wake up weirdo." panunuya ni Alexandria.

Hindi ko sinunod ang sinabi ni Alexandria. Hindi ako nakinig sa lahat ng sinabi niya. Naniniwala akong babalikan ako ni Clyde. Naniniwala akong mahal niya ako.

Umuulan noon at napagpasiyahan kong kausapin si Clyde at kumbinsihing bumalik sa akin pero nabigo ako. Ang mga salita niya ay paulit-ulit kong naririnig sa utak ko at nagdudulot ng matinding sakit sa puso ko.

"Come on Yza, look at you! You were so plain, simple and nothing else. Do you really think a popular man like me will just end up with a nobody like you? And..... and I don't love you. I didn't love you. Ever."

Kahit malakas ang buhos ng ulan ay sumulong parin ako. Wala akong dalang payong kaya't basang-basa ako but I didn't really care. Wala na rin naman ang taong mahal ko. Wala na ang lahat sa akin. Patuloy lang ako sa pag-iyak dahil mukhang yun lang ang alam kong gawin. Hindi ko namalayang kanina pa pala may sumusunod sa akin. Gabi na at medyo madilim ang nilalakaran kong kalye. Wala rin masiyadong tao sa labas ngayon dahil umuulan. Tatakbo na sana ako ng may nakaamba ng kutsilyo sa tagiliran ko. Spell MALAS. Pinaglalaruan ba ako ng kapalaran at siguradong pinagtatawanan na niya ako ngayon. Bakit ako nalang palagi?

"Huwag kang maingay kung ayaw mong masaktan. Akin na lahat ng gamit at pera mo. Dalian mo."

Hindi na ako nanlaban pa at ibinigay ko na sa holdaper lahat ng gamit at pera ko pero nagulat siya sa sinabi ko.

"Bakit hindi niyo na lang po ako tuluyan para matapos na 'tong paghihirap ko? Total, wala na naman akong silbi dito sa mundo eh." Walang buhay kong sabi sa kanya. Tiningnan niya lang ako na para bang nababaliw na ako, saka siya tumakbo paalis. This time sumalampak ako sa basa at maruming kalye at walang hintong umiyak. Wala na akong pakialam kong may makarinig at makakita sa akin dahil ang gusto ko lang sa mga oras na yun ay ang mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon at siguro mangyayari lang yun kung mawawala ako sa mundo.

Hindi ko alam kung paanong nandito na ako sa pamilyar na puting kwarto ng hospital. Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ko din alam kung sinong naghatid sa akin. Ang tanging alam ko lang ay ang huling nasa isip ko noong bago ako mawalan ng malay. Bakit hindi pa ako matuluyan? Tinanggal ko ang dextrose na nakakabit sa kamay ko at naglakad patungo sa bintana ng kwartong ito. Gabi pa rin kung kaya't walang makakakita sa akin sa gagawin ko. Umiiyak akong binuksan ang bintana at dahan-dahang tumuntong dito. Nasa mataas na floor pala ako ng building. Tamang-tama lang para sa plano ko. Walang buhay akong tumayo sa bintanang iyon at paulit-ulit na humihingi ng tawad sa Diyos sa gagawin kong ito. Akmang magpapakahulog na sana ako ng dumating si mommy.

"Yzabelle"! sigaw ni mommy sa gulat at dali-daling tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako. "Anak, ano bang ginagawa mo"? tanong ni mommy na umiiyak. Dumating ang mga nurse at ibinalik ako sa higaan ko. Hindi ako makatingin kay mommy cause I'm such a failure to her, pagpapakamatay na nga lang hindi pa magawa ng tama. Kinabukasan ay ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyari at hindi ko akalaing hindi siya nagalit but disappointment is written all over her face but she only said, "Hindi sagot ang pagkikitil ng sariling buhay sa mga problema anak. Kung pakiramdam mong nag-iisa ka, tumingala ka. Nandiyan lang siya o nasa tabi mo lang. Laging nakaagapay sa'yo. Nandito pa ako anak. Ako na ina mo, hindi kita iiwan at hahayaang masaktan. Gagawin ko lahat para sa'yo dahil mahal na mahal kita."

Doon ko napagtanto lahat ng katangahang ginawa ko. Masiyado akong kinain ng lungkot at galit. Nakalimutan kong may mama pa palang nagmamahal sa akin. May ina pa pala akong handang gawin ang lahat huwag lang akong mawala sa kanya. Ang mga salitang ito lang ay ang kaya kong banggitin sa ngayon, "I'm sorry. Patawarin niyo po ako."




When Ms.Manhater meets Mr.WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon