Neyth's POV
Pagkatapos ng nangyari kay Yzabelle pinauwi na muna ni tita ang aming mga kaklase pati na rin sina Kurt at Steve pinauwi ko na rin.
Nagpaiwan ako dito para mabantayan ko si Yza.
Ayaw pa ngang pumayag ni tita but I insisted na dito muna matulog sa kanilang couch at aalis nalang ako bukas ng maaga dahil may pasok pa. huling tanong pa nga niya: "Bakit mo ito ginagawa Nathannelle?"Nagkibit balikat lamang ako dahil hindi ko rin alam ang sagot sa tanong ni tita dahil kahit ako ay naguguluhan sa mga kinikilos ko kapag nandiyan si Yza. I know nabanggit ko na gusto ko siya simula pa nung mga bata kami. Simula nung lumapit siya at nakipag-usap siya sa akin pero posible bang umusbong ang aking nararamdaman sa higit pa sa pagkagusto sa kanya gayong matagal kaming hindi nagkita?
Nandito na ako at nakahiga sa couch nina Yza at nakatanaw sa kisame na para bang nandoon lahat ng kasagutan sa mga tanong ko. Mga tanong na mahirap sagutin na hindi nauungkat ang ating mga nakaraan pero kung iyon lamang ang paraan para masagot lahat ng katanungan ko ay gagawin ko. Gagawin ko iyon sa paraang hindi masasaktan si Yza, at itong nararamdaman ko ay mabigyan ko nang linaw.
Naalimpungatan ako dahil sa ingay galing sa kusina. May nakapasok kaya? Alas tres palang ng madaling araw baka naakyat bahay sina Tita! Mahina akong naglakad papunta ng kusina and trying not to be too loud with my steps baka maalarma ko ang magnanakaw. Maayos akong nakapasok ng kusina na hindi maingay at hinanap ko ang switch ng ilaw para maging maliwanag. When the lights are on I immediately search for any living creature and guess what? There is really a living creature in the kitchen floor eating an ice cream. I breathed a sigh of relief when I saw that it was just Yza.
She looked up and I cant take the emotions that swirling in her eyes. Sadness, grief, misery and pity. It's like gusto ko na ring umiyak kasama niya, gusto ko na ring malunod sa lungkot na kasama siya pero hindi pwede dahil kapag ganun ang mangyayari maaring pareho kaming hindi makaahon. There should be someone that lifts her up and make her happy and I want to be that person.
"I am sorry, nagising ba kita? nagu--"
Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita dahil agad akong umupo sa harap niya at niyakap ko siya. Alam kong hindi talaga siya gutom dahil gusto niya lang talagang magpakalunod sa ice cream para makalimot. Kung yun ang gusto niya, hahayaan ko siya pero sa maikling panahon lamang dahil hindi ko siya hahayaang malunod habang buhay.
"Uh..... A-anong ginaga--"
Hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya at bahagyang hinahaplos ang buhok niya.
"Sssshhh, just shut up okay? Kung anuman yang bumabagabag sa'yo tandaan mo nandito lang ako. Kahit ilang ice cream pa yang gusto mong kainin, kumain ka lang at kahit tumaba ka pa sa pagkain niyan tandaan mo nandito lang ako palagi Yza." Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tinitigan siya sa kanyang mga mata. "Naiintindihan mo ba?" tanong ko sa kanya.
Yumuko naman siya at suminghot dahil na rin sa pag iyak niya. "S-sinasabi mo lang yan dahil naaawa ka lang sa akin, well, hindi ko kailangan ng awa mo o ng kahit na sino" tumingala siya at nakita ko ang pagpatak ng luha niya at sinasabi ng mga mata niyang kaya niya ang lahat because I am strong enough than what you think.
Napangisi ako ng bahagya dahil kahit ganito siya nilalakasan pa rin niya ang loob niya para magmukha siya malakas sa mata ng ibang tao. "Hindi ako naaawa sa'yo Yza, ang gusto ko lang ay maging masaya ka."
"Masaya ako Nathannelle" pagsisinungaling niya. "Masaya ako" pangungumbinsi pa niya. Imbes na magalit ako dahil tinawag niya ako sa buong pangalan ko ay kabaligtaran pa ang nangyari. Ang sarap sa pakiramdam na nagmula sa mga labi niya ang pangalan ko at gusto ko ulit-ulitin niya iyon.
"Ganyan ba ang mga mata ng masaya Yzabelle?" tawag ko din sa buo niyang pangalan para malaman niyang seryoso ako sa mga sinasabi ko. "Kahit gaano ka pa kalakas, kailangan mo pa rin nang kasama dahil hindi sa lahat ng oras ay malakas ka. Dahil minsan pinanghihinaan ka rin ng loob, nawawalan ng pag-asa at nalulungkot and I want to be the person that will stay by your side." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinaharap ko ang mukha niya sa akin. "Okay"? tanong ko.
Tinitigan niya pa ako sandali at tumango. Hinalikan ko siya sa noo at niyakap ulit siya. Hindi naman siya umalma. Ilang minuto kaming ganun ang posisyon at naramdaman kong hindi na gumagalaw si Yza at mahina na rin ang kanyang paghinga kung kaya't kinabahan ako bigla baka inatake na naman siya kaya yuyugyugin ko na sana ang balikat niya nang marinig kong humilik siya ay natawa na lang ako.
"Nakatulog na pala." Maingat akong tumayo at kinarga si Yza pa-bridal style at nagsimulang humakbang papunta sa kwarto niya. "Goodnight Yza" bulong ko ng malagay ko na siya sa kanyang kama at kinumotan siya. Aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko ngunit nakapikit parin siya. "Stay" she said with a pleading voice and being an obedient ang polite gentlemen, I obliged. Inusog ko siya sa kabilang side at tumabi ako sa kanya. Nakatagilid siya ng higa paharap sa akin at ako naman ay nakatihaya. I don't want to take advantage of the situation. I am not like that but I tensed when Yza laid her head on my chest and hugs me. Hinayaan ko na lamang siya at niyakap din siya hanggang sa kinain na ako ng antok at nakatulog sa tabi ng babaeng mahalaga sa akin.
BINABASA MO ANG
When Ms.Manhater meets Mr.Womanizer
Novela JuvenilA girl that never believes on the existence of love and man in the world cause of the failed love she gave to a man in the past that only hurt her in the end. And there's this man that a total opposite of the manhater, he always have fun with women...