Chapter 21: Vague Knight

62 0 0
                                    

Yzabelle's POV


Nagising ako na parang may nakadagan sa aking mabigat. I squinted my eyes and adjusted to the ray of sunlight that is peeking through my blinds. Tiningnan ko rin ang mabigat na bagay na nakapatong sa akin at nalaman kong hindi pala bagay yun kundi tao. Este, hindi naman sa nakapatong lahat ng katawan niya sa akin, yung kanang binti lang niya at ang isang kamay niya ay nakayakap sa akin ng mahigpit. Sinubukan kong tanggalin iyon ngunit mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin. Ang mga nangyari kagabi ay hindi malinaw sa akin, ang natatandaan ko lang ay nagkaroon ako ng panic attack tas' nakatulog. Nagising ako madaling araw dahil napanaginipan ko na naman ang mga masasaklap na nangyayari sa buhay ko noon kung kaya't pumunta ako sa kusina para magpakalunod sa pagkain ng ice cream.

Hanggang dumating si Nathannelle and saying words of encouragements tapos nakatulog ulit ako. Yung ibang nangyari at mga sinabi niya ay hindi ko na matandaan basta ang naaalala ko ay sinabi niyang "I want to be that person that will stay by your side," namula ako ng maalala ko ang mga sinabi niya. What he said is so sweet and comforting. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito but one thing's for sure, I am grateful. Kung noon, walang araw o sandaling hindi kami nagbabangayan at kulang nalang itulak o patayin namin ang isa't isa pero ngayon nandito siya para damayan ako kahit hindi niya naman alam ang pinaghuhugutan ko.

Pero...

Hindi pa rin nagbabago ang desisyon kong hindi sabihin sa kanya. Sa kanila. Dahil masiyadong maitim, malungkot at masalimoot ang nangyari sa akin noon at ayokong mawala sila sa akin. Ayokong magalit sila sa akin dahil sa pagsisinungaling ko. Ayokong layuan nila ako, ngayon pang nagiging malapit na ako sa kanila kahit baguhan lang ako dito at sa school namin.

OH CRAP! O_O

SCHOOL ! May klase pala kami ngayon!

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa taranta, nakalimutan kong nakayakap pala si Nathannelle sa akin kung kaya't nahulog siya sa kama sa biglaang pagbangon ko.

"Urgh!" daing niya.

"Oops, sorry!" nag peace sign ako. "Okay ka lang ba?" tanong ko nang dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakahulog sa kama ko at mahinang natawa dahil para siyang Lolo na sumakit ang likod. Akala ko hindi niya nakita pero sinamaan niya ako ng tingin. Sus! ang aga-aga eh, busangot na agad.

"Ano bang problema mo at inihulog mo ako sa kama?" tanong niya habang iniistrech niya ang likod niyang tumama sa sahig. Pinipigilan ko lang matawa. Sana na picturan o navideohan ko yun epic sanang pang blackmail yun. Hahahahhaha.. "Huwag mong pigilan baka mautot ka" at natawa na nga ako ng malakas dahil sa sinabi niya. Ilang minuto din akong tawang tawa sa kanya dahil hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin nang nahimasmasan na ako.

Magulo pa ang buhok niya mula sa pagkakahiga pero hindi iyon nabawasan ng kaunti ang angkin niyang kagwapuhan. Sa katunayan nga eh parang mas dumoble pa iyon kagaya ng pintig ng puso ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin ngayon. Naaamoy ko rin ang hininga niyang hindi panis na lamay kundi mixture ng mint at cinammon. "Nag toothbrush ka na ba?" biglang bulalas ko ng hindi nag iisip. Bakit ko ba sinabi yun? Baka akalin niyang gusto kong halikan niya ako. Napataas ang kilay niya and his signature smirk is plastered on his handsome face "Ah eh.. I mean.. amoy toothpaste ka kasi" pagpapalusot ko sa kanya.

"Kanina pa ako gising. Nakauwi na nga ako sa bahay at naligo tsaka nagbihis. Pumunta ako dito para sabay na tayong pumunta ng school kung gusto mong pumasok ngayon. Alam mo na..." he trailed off. Alam ko kung anong tinutukoy niya at yun ay yung nangyari kagabi.

"Oo, papasok ako." pag iiba ko ng usapan. Ayoko talagang pumasok dahil alam kong tatadtarin ako ng mga katanungan ng mga kaibigan ko eh wala naman akong maisasagot at baka puro kasinungalingan lang ang masabi ko sa kanila. Masiyado na akong maraming nililihim sa kanila that's why noong una pa lang ay dinidistansiya ko na ang sarili ko sa mga tao dahil ayokong mapalapit sila sa akin at magsimulang magtanong ng magtanong tungkol sa buhay ko. You know, typical getting to know you because were friends. Kahit nga sa pisikal na anyo ko ay hindi nila pwedeng malaman dahil pag nangyari yun doon din magmumula ang walang hanggang mga katanungan nila.

"Yza, are you okay?" sabay yugyog ni Neyth sa balikat ko. I forgot, he is still here pa pala. Palagi nalang akong nag a-out of space. "Kung gusto mo, pwede naman kitang ipa excuse sa mga subjects natin ngayon" he offered.

"I'm okay. Magbibihis lang ako sandali." Mabilis na sabi ko at nagmadaling pumunta sa shower at pagkatapos ay nagbihis. Gustuhin ko mang dito lang sa bahay, at tumunganga na lang ay ayoko. Baka maalala ko na naman ang mga bagay na nagpapasakit sa kalooban ko.

When I'm done with my morning routine, I immediately walk downstairs and quite surprised of the kitchen smell. Hmmm, pancake! Kaya, dumeretso ako sa kusina at nakitang nandoon si mom at si Neyth na nag-uusap ng mahina. Ano kayang pinag-uusapan nila? Bakit kailangan ibulong talaga? Pinagkibit-balikat ko na lamang ang mga tanong sa utak ko at umupo sa bakanteng upuan na opposite kay Neyth. "Goodmorning" I said and kissed mom on the cheeks.

"Morning sweetie" Bati pabalik ni mommy. Alam kong gusto niyang pag-usapan ang nangyari kagabi but she knew better that I don't want to. Not now. Kung kaya't hinawakan niya lang ang kamay ko na nakapatong sa lamesa at mahinang pinisil iyon na para bang sinasabi niyang I am here for you anak. I just smiled and start eating my food. Yum!

"Nak, si Nathannelle muna ang maghahatid sa iyo sa school okay? May hinahabol kasi akong appointment ngayon eh. Sorry" pagpapaalam ni mom sa akin. Oo, ganito kami ni mom parang magkapatid lang ang turingan. Nagpapaalamanan kami sa isa't isa kapag may aalis.

"It's okay mom. I can manage" i assured her.

"Okay, so I'll leave you two now cause I'm running late na. Take care baby, ikaw din ijo." and then mom left.

"Let's go?" tanong ko kay Neyth nang matapos ako sa pagkain. Kanina pa siya natapos at hinihintay lamang ako. Nakakailang nga eh dahil panay ang tingin niya sa bawat kilos ko. Spell AWKWARD. Hanggang sa makasakay ako sa sasakyan niya hindi niya parin ako tinantanan sa paminsan-minsan niyang pagsulyap. Noong una naiilang ako, ngayon naiirita ako. Ano bang problema niya.

"May gusto ka bang sabihin?" tanong ko sa kanya. Siya naman ay hindi inaalis ang tingin sa daan pero sumesegwey sa pagtingin sa akin. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.

"I know, you don't trust me enough. Heck, neither one of us except your mom. But, I just wanted to tell you that you can confide on me. Hindi man ngayon but I hope sooner or later masabi mo rin sa akin." He stated.

I felt warm inside of what he said, parang gusto ko na namang umiyak. Bakit niya ba to ginagawa sa akin. Noong una halos lumuwa na ang mata niya sa kakatingin ng masama sa akin na parang gusto akong balatan nang buhay tapos ngayon bigla siyang magiging sweet? What happened? I hate the first Neyth I knew, yung palagi kong kaaway but I am not used to the sweet version of him. It's just too much that I feel I dont deserve this kind of treatment because of all the lies I am telling them.

"Dont pity me. Just Dont" I stated coldly. Ayokong kinakaawaan ako. May pride pa akong natitira sa sarili ko.

"I said, I dont pity you. I just wanted to help you." he said firmly. Knuckles turning white on the steering wheel.

"But why?" I asked him. Yes, ayokong inaaway niya ako pero ayoko rin namang e-treat niya lang akong prinsesa bigla-bigla.

"Because, I want you to be happy, in that way, I'll be happy too." he said sincerely while looking straight in my eyes. Dahil sa pag-uusap namin ni Neyth ay hindi ko na namalayang naipark na niya pala ang sasakyan niya sa parking lot ng school namin.

Hindi ko alam ang sasabihin sa isinagot niya sa tanong ko. Bakit? Eh, diba masaya siya kapag kinukulit at naiinis ako tapos ngayon masaya siya kapag masaya ako? Ang gulo naman ng lalaking to. I tensed when I felt Neyth leaning closer to me but it's not make me stiffened in my seat but because of what I saw behind him, outside his car. I know he felt my nervousness because he knitted his eyebrows together and confusion is evident on his face.

Napamura nalang ako ng mahina ng maklaro ko ang mukha ng kinamumuhian ko.

"Oh. Freaking. Shit!"

When Ms.Manhater meets Mr.WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon