Chapter 22: Painful Past

63 0 0
                                    


Yzabelle's POV


Past. Four letter word na nangangahulugang nakaraan na. Ibig sabihin ay alaala na lamang at hindi na maaaring balikan pa. A past that should either be treasured or buried deep down into the nothingness of the earth. Wala na dapat sakit, wala na dapat kirot at lalong-lalong hindi na sana ganito ang nararamdaman ko ngayong nakikita ko ang mukha niya. The face that I used to love before. The face that I have always fantasize every night and day. But, the same face who I hate the most. For hurting me. For torturing me with all those nightmares.

Sure, hindi pa ako naka move-on sa nangyari a long time ago but I'm doing my very best. But, it's not very helpful if the person that will make me remember about the past is here right in front me. Clyde San Jose is here staring at me. Not the Clyde who hurt me and caused me nightmares every night but the Clyde that I used to know. My friend, my knight with his shining armor and the Clyde I once loved. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, hindi ko alam kung gaano katagal na kaming nakatayo at nagtititigan. Shock and confusion is written all over his face and I bet that I look exactly the same. 

Bakit siya nandito? Ako ba ang ipinunta niya? Hinahanap niya ba ako? Bakit? Para ano? Para saktan ulit? Gustuhin ko mang magpaka prinsesa dahil dumating na ang prince charming niya ay hindi ko magawa. Gustuhin ko mang tumakbo papunta sa kanya at makulong na lang sa mga bisig niya at kalimutan nalang ang lahat ay pinigilan ko. Ayaw ko. This is ain't a fairytale. Hindi ito yung eksena na parang wala lang ang lahat at bumalik nalang sa normal para maging masaya nalang ulit. No. This is reality! And this is not a simple matter and I cant be happy. Not just yet. Because reality hurts. Reality is far from being simple. It is so damn COMPLICATED.

"Yza" saad niya nang sa wakas ay mahanap ang sariling boses. Yung boses niyang masarap pakinggan. Yung boses niyang madalas kong inuulit sa isip ko noon para hindi ko makalimutan. Yung boses niya ngayong punong-puno ng pagkadismaya, pagsisisi ngunit naglalambing. Pero hindi! I wont make the same mistake twice. Hindi na ulit ako magpapaloko sa kanya. Natuto na ako.

"Clyde" saad ko nalamang at tumalikod ng hinawakan niya ang kamay ko. Napatalon ako sa pagkabigla at agad na binawi ang kamay ko na parang nakakapaso siya. Hindi nakaligtas sa akin na nasaktan siya dahil sa ginawa ko o baka guniguni ko lamang iyon. Bakit naman siya masasaktan gayong siya itong nanloko at nanakit sa kalooban ko? Kapal ng mukha.

"Yza can we talk? Please?" pagsusumamo niya. Nang hindi ako sumagot ay nagsalita ulit siya. "Look, I'm sor--" but I cut him off. I know better than that and I dont want to hear him asking for apology. I can't just stand it.

"Dont! Just save it Clyde"seryosong sabi ko sa kanya at tuluyang tinalikuran siya. Ayokong marinig ang mga kasinungalingan niya. And I dont want to hear him saying sorry. For what? If he's sorry for meeting me then I don't want to hear it. If he's sorry for hurting me, I don't care anymore dahil hindi lang nagkataon yun, it is purely intentional. Ginusto niyang saktan ako. Ginusto niyang lokohin ako. Because for me, I am not sorry. I am not sorry na nakilala ko siya. I am not sorry na naging parte siya ng buhay at nakaraan ko. Ang tanging pagkakamali ko lang ay umasa ako. Umasa ako ng sobra sa kanya. Umasa akong pwedeng maging kami. Inasa ko sa kanya ang kasiyahan at ang mundo ko. If he's sorry for meeting me then I don't want to hear it.  Ayoko pang magpatawad, hindi pa ako handa sa ngayon. Masiyadong mabigat at masakit ang mga nangyari noon. Kung patatawarin ko siya ngayon at tanggapin ulit sa buhay ko ay baka masaktan lang ulit ako. I can't take anymore aches than I already have. 

Nakita ko na lamang ang sarili ko sa school garden kung saan una akong napadpad at na-guidance office. Umupo ako sa bench doon na nasa ilalim ng isang malaking puno. Ayoko na munang pumasok ngayon, nawalan na akong ng gana. Ang daming nangyayaring hindi ko maintindihan. Parang nabubuksan ang mga sugat na unti-unti na sanang naghihilom. Hindi ko naman sinisisi lahat kay Clyde pero sobra lang talaga akong nasaktan. 

Huminga ako ng malalim at pumikit para matamasa ang sandaling katahimikan sa paligid ko. Masiyado na akong nai-stress. 

"Ay! Palakang ipinanganak ng kabayo!" napatili ako sa sobrang gulat dahil bigla na lamang nanggugulat ang hinayupak na tsunggo. Nakalimutan kong kasama ko pala siya kanina. Nakita niya kaya lahat ng nangyari? Sana hindi siya magtanong.Sinamaan ko siya ng tingin dahil tawang-tawa ang unggoy. "What's funny?" tanong ko nang nakataas ang kilay.

"Y-your f-face is f-funny" nahihirapan pa siyang magsalita dahil tawang-tawa pa rin siya. "May palaka bang ipinanganak ng kabayo?" Inirapan ko na lamang siya at hindi pinansin. Nang mahimasmasan siya ay saka pa lamang siya tumabi sa akin.

"Anong ginagawa mo dito bukod sa gulatin at pagtawanan ako?" tanong ko sabay halukipkip at irap sa kanya.

"Hey! Relax, pinapatawa lang naman kita" he said and poke my side.

"Patawanin? eh ikaw nga yung tawang-tawa eh. Thank you ha!" I said full of sarcasm. "Di'ba may klase pa bakit ka nandito?" tanong ko ulit.

"Tayo. May klase tayo!" sabi niya at biglang sumeryoso ang ekspresyon  ng mukha niya. "Sinundan kita dito pagkatapos ng nangyari kanina sa labas ng school...." he trailed off "Kilala mo ba yung lalaki kanina?" tanong niya. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko. Yung magtanong siya at kasinungalingan lang naman ang isasagot ko. Ayoko ng magsinungaling. Mabigat sa damdamin. Pwede ko namang sabihin sa kanya di'ba? Hindi niya naman ako mahuhusgahan dahil hindi pa naman niya ako gaano kakilala di'ba? Mapagkakatiwalaan ko kaya siya? Hindi ba sabi niyang mananatili siya sa tabi ko kahit ano pa man yun? Hindi ba sabi niya pwede ko siyang maging karamay sa lahat? Tama kaya tong gagawin ko?

"Gusto mo ba talagang malaman ang totoo? Gusto mo ba talagang malaman kung sino talaga ako?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Siguro ay saka ko lamang malalaman kung totoo ang mga sinabi niya matapos niyang malaman ang tunay kong pagkatao. Ang tunay na ako sa likod ng itim na wig at kulay brown na contact lenses.

"Kahit ano pa yan, dito lang ako sa tabi mo makikinig sa'yo" he said full of conviction.

Nagdadalawang isip pa ako kung tama ba ito? Tama bang ipaalam ko sa kanya lahat ng to? Paano kung lumayo siya? Ewan! Bahala na! Humugot ako ng malalim na hininga at "Si Clyde ay"

When Ms.Manhater meets Mr.WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon