epilogue

73 12 1
                                    

Someone POV

Di ko mapigilan ang emotion na gustong kumawala.

Marami ang nangyari, maraming kaming pinagdaanan.

Hindi ko sinisi ang laro sa aking kapalaran.

Aminin man o hindi kami talaga ang may kasalanan.

We desired love and our desired brought us to our demise.

Natagpuan namin ang laro dahil sa pagmamahal.

At ang kasakiman namin ang nagdulot sa amin ng hindi magandang kapalaran.

Maswerte at nabuhay si Angelo but the down side is.

Naging Isa syang lumpo.

Pero hindi iyon naging hadlang para sa kanya, naging matapang ito at ngayon masaya na sa sarili nyang pamilya.

Hindi naging madali sa aming lahat ang nangyari.

Kong naging ganon ang kapalaran ni Aj naging ka lunos lunos naman ang Kay joy.

Napiit si joy sa mental hospital.
Nabaliw at naging marahas ito nong Isang taon lang ay namatay ito at di ko na alam pa ang Ibang detalye sa buhay nito.

Sandro become a renown writer.

Pagkatapos na ng nangyari ginawang stress reliever nya ang pag Dilat at ang pag post ng kong ano.

Naging trending sa social media kaya pinagpatuloy nalang nya ang pag susulat ng kong ano ano.

Pinagsisihan ko ang ginawa ko sa kanya.

Alam ko naman na hindi nya ako sadyang iwan pero sinisi ko parin sa kanya lahat ng hindi magandang kapalaran.

Aaminin ko Isa akong malaking baliw!
Gusto ko syang makita uli o mayakap man lang sya.

Naalala ko pa nong huling araw kong makita sya.

Mahina na ang kanyang paghinga at nakapikit narin ang kanyang mga mata.

Pagod na pagod sya habang sinasabi ang sorry na salita.

Nawala ako sa aking sarili, ako'y natulala.

Akala ko kaya ko syang patayin gamit ang sarili kong kamay pero di ko nagawa.

Di ko nga kayang makita syang nag aagaw buhay.

Si amaya lang ang kakampi ko.
Sya ang kapated ko at ang unang babaing minahal ng aking puso.

Parang dinudurog ang puso ko sa kapalarang sinapit ni amaya.

Kapalarang hindi nya deserve dahil kahit kailan hindi sya naging masama.

Nakatulala ako sa ding ding nagsisisi sa kasalana.

"Klang!" Napatalon ako sa gulat ng marinig ang pagpukpuk ng warden sa rehas.

"Castillo may dalaw ka!" Hindi ako nakinig nanatili ang tingin sa dingding.

"Ivan!" Makatayo ako ng marinig ang tawag ni sandro lumapit ako sa kanya na may pananabik sa aking mata.

"Kumusta na sya!" Tanong ko
Natigilan si sandro at tumingin sa paligid n prisinto.

"Gising na sya!" Napapikit ako at di na napigilan ang luha sa aking mata.

Ang malaman lang na gising na sya ay sapat na sa akin, ako'y masaya na.

"2 taon!" Bulong ko.

2taon na walang response ang katawan ni amaya.

Pagkatapos kasi ng operation ay hindi na ito nagising pa.

Di ko mapigilang Maging masaya, may luha ang mata pero may nguti sa labi na naka pinta.

Sapat na saakin na malaman na buhay sya.

Kahit ako ay nakapiit, tinangalan man ng kalayaan.

Pero ang malaman na ang babaing minsan kong minahal na nasa mabuti ng kalagayan.

Ay sapat ng kaligayahan

Sa kabila ng masakit na katotohan.

Spirit of the paper (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon