bunos chap

56 11 1
                                    


Void of darkness.

Minsan sa buhay natin maraming tayong pagdaraanang daan.

Nagkataon na Napunta si amaya sa daan na walang kasiguraduhan.

Yung tipong nagising nalang sya na nabulot na ang mundo nya ng walang hangang kadiliman.

At kahit saan dumako ang kanyang mata,

Walang makikita,

Walang kahit ano man.

Walang kapalaran na naghihintay sa kanya, puro kadiliman lang ang naabot ng kanyang mata.

Nangangapa sa dilim, naghahangad ng kaunting liwanag ngunit walang napansin.

Dumaan ang araw.

Dumaan ang buwan.

Lumipas ang taon pero patuloy parin si amaya sa paghahanap ng kaunting liwanag.

Tanging alaala lang ang kanyang kausap.

Kasama namang ang sarili sa mundong walang kahit anong liwanag.

Patuloy ang pag lalakbay, hinahanap ang kong ano...

Pero walang makita kaya meron syang napagtanto.

Dumaan pa ang maraming taon.

Araw, buwan kasabay na lumipas ng panahon.

Tinanaw ni amaya ang mundong kinain na ng kadiliman.

Malayo na ang narating ng kanyang paa, pero kahit saan mang sulok sya mapunta, wala parin syang narating...

Walang makitang pag-asa ang kanyang mata.

Ang alaala na nagpapatibay sa kanya ay dahan dahan naring nabubura.

At kahit ang sarili nyang bait ay tinatakasan na rin sya.

Kinakain na ng dilim ang pagkatao ni amaya.

Pero patuloy syang lumalaban sa kapalarang walang kasiguraduhan.

Lumipas ang panahon at hindi na mabilang ni amaya ang nasayang na pagkakataon.

"Ito ba ang kamatayan?"
Di nya maiwasang bulong
Pero bakit pakiramdam ni amaya sya ay nakakulong.

Kinuha ng mundong ito ang masasakit na ala-ala nya pero ganyon din naman, dahil nawala din sa kanya ang magaganda.

Kinuha ng mundong ito ang lahat sa kanya.

Hindi rin sya sigurado kong meron pa itong itinira.

Patuloy sa paglalakbay, Nawalan ng Malay sa paglipas ng panahon.

Napahinto si amaya may liwanag na napagmasdan.

Isang magandang bagay na kanyang hinahanap noon pa man.

Maraming taon na nasayang pero ang pag-asang hinahangad ay nasa kanya ng harapan.

Pero....

Imbis na ito ay kanyang lapitan bagkos ay ito'y kanyang tinalikuran.

Kasi sa mga panahong sya ay kinakain na ng kadiliman meron syang natutunan.

At ang kapayapaan ay natagpuan nya sa mundong walang kasiguraduhan.

Spirit of the paper (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon