Chapter 2: Pasukan nanaman!

153 12 7
                                    

"Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo, hindi kita dapat ginugusto pero natutukso"

-Chito

Pasukan nanaman! Tapos na ang halos dalawang buwan na bakasyon. Sabi nga nila Goodbye Facebook, Hello Textbook. Goodbye Twitter, Hello Teacher. Hahahahaha. School nanaman! Nakakapagod nanaman araw-araw pero kailangan at kakayanin para sa magandang future.

Dumating na ako sa school. As usual maraming nagbago, 4th year na ako. Nagsitangkaran na yung mga kaklase kong akala ko dati wala nang pag-asa tumangkad *ang sama ko purkit matangkad ako. Hahaha! 6'3 kasi height ko. Higante. Hahaha* Yung mga ibang schoolmates nag-matute na sila. Marami rin akong nakitang mga bagong teachers.

Agad ko namang nakita ang mga ka-tropa ko. Ganun pa din sila. Mga makukulit pa rin kahit 4th year na. Yung mga iba kong batchmates CAT Officer na. Ang titikas nila. Ang astig! Balak ko din sumali dati kaso di ako pinayagan ng parents ko.

Nakita ko naman si Jomal Patron. Tinatawag ko rin siyang Joms. Kaibigan ko simula pa noong 1st year. Isa siyang CAT Officer kaya siya nag-inspect ng bag ko at una ko siyang nakita.

"Jam! Kamusta na? Ang daming nagbago sa iyo ah. Mas lalo kang tumangkad at lalong lumaki katawan mo ah." sambit ni Jomal.

"Sus. Di naman! Haha. Ok lang. Ganun pa rin. Wala naman pagbabago sa buhay ko." sagot ko sa kanya habang palingon-lingon sa paligid.

"Hahahaha. Pre madaming lower levels na chicks oh. Pumili ka na. Tagal-tagal mo nang walang pakialam sa love ngayon sulitin mo na! 4th year ka na oh." pagyaya ni Jomal.

"Baliw ka talaga! Di ako ganun at alam mo naman sa dami kong ginagawa wala na akong time para diyan." Sagot ko sa kanya.

"Sus kunyari ka pa. Hula ko may nagugustuhan ka na pero ayaw mo lang sabihin sa amin."

Natapos ang pag-uusap namin ni Jomal sa isang kalyok ko sakanya kasi nagsisimula na niya akong pagtripan. *Hahahahahaha*

*Flag Ceremony*

Tapos na ang morning prayer, pagkanta ng Lupang Hinirang at Panunumpa. Isang pagbati naman ang aming narinig mula sa aming principal. Mahaba yun. Di ko na kailangan isalaysay. Basta winewelcome niya lang kami sa bagong school year.

Pinapila na kami by section. Tinawag kami isa-isa sa mga sections. As usual, dalawa lang talaga section namin at uso saamin ang heterogenous sectioning. Halo-halo lahat para walang napag-iiwanan. Ok lang naman saakin ang ganun kasi kasama ko yung mga tropa ko.

Dalawang section ang nabangit. Ang IV-Rizal at IV-Bonifacio. Napunta ako sa IV-Bonifacio, swerte ko at kasama ko ang ilan sa mga tropa, mukhang di magiging boring ang school year ko at kaklase ko pa rin si Jomal na hindi na ako nilayuan simula 1st year. Hahaha magkaklase kasi kami since 1st year kaya ganun kami.

Pumasok na kami sa room. Nagsimula nang magsalita ang aming adviser dahil orientation pa lang naman. Sinabi niya mga rules at iba pa. Naghalal naman ng Homeroom Officers at ako ay naging Mayor ng aming section na di na bago para sa akin kasi lagi naman akong Mayor. Hahaha. Di na sila nagsawa sa akin.

*Riiiiiiiiing!* tumunog na ang bell! Hudyat ito ng 1st break. Tatlo kasi ang break namin, isa sa umaga, isang lunch break at afternoon break.

Pumunta na ako sa canteen. Siyempre mga buraot pa rin mga kaibigan ko. Hahahaha. Kwentuhan lang kami sa mga nangyari noong bakasyon. Isa-isa nag-share ng kwento. May mga nag-vacation, kain-tulog lang sa bahay, nag summer review para sa UPCAT, Iba naman dota lang araw-araw at meron ding mga nag summer training katulad ko.

Mas lalo kong nakita ang mga pagbabago. May mga gumanda *hahahahaha. Di ako chickboy pero real talk* Pero wala lang sakin yun. Pag nakakita ako ng maganda, nagagandahan lang ako pero di talaga ako nagkakacrush.

Habang kumakain ako ng Ham Roll at umiinom ng softdrinks bigla akong nilapitan ni Mr. Lopez. Siya yung Sports Coordinator ng School namin.

"Jamir! Ayusin mo na yung mga magtatryout. Kahit wala pang election ng Mapeh Club. Alam kong ikaw naman mananalo." pasigaw niyang tawag sa akin.

"Sir grabe ka. Hindi pa nga tapos eh! Pero gagawin ko yun sir. Ako ang bahala." sagot ko na may kasamang pag-aalinlangan

"Salamat! Alam ko namang kaya mo yan. Oy dami nang mga gumanda oh. Pumili ka na! " sabi niya habang nagbibiro.

Umalis na si Mr. Lopez dahil may gagawin pa siya sa office.

"Hayy. Ayan nanaman ako eh. Lahat ginagawa ko. Hahaha pero ok lang para matikas!" sa isip-isip ni Jamir.

*Boooom!* *wooosh* Spark! May dumaang isang babae. Parang nag-slow motion yung buong paligid. Nagulat talaga ako sa aking nakita. Grabe ang ganda niya.

Awww! Ngumiti siya sa akin. Siyempre ngumiti din ako. Peroooo. Pahiya ako! Yung nasa likod ko pala yung ningingitian niya *facepalm* Bigla na lang ako bumalik sa katinuan nung hinampas ako ni Edward.

"Hoy! Bakit ka nakatulala at nangiti diyan. Siguro may nakita kang chicks no." paggulat ni Edward.

"Pre diwata ! Ay yung diwata kasi parang may nag spark " sambit ko na parang wala ako sa sarili."

"Wushuuu! Nababaliw ka na ata. Kakabasa mo kasi ng mga Fantasy at Sci-Fi yan tuloy." pang-aasar ni Edward.

Nag-bell na at pumasok na ulit kami sa room. Normal pa din. Orientation ulit.

*After 5 hours of classes*

Uwian na sa wakas! Makakagala na ako. Yahoooo! Pero may nangyaring isang pangyayari na di ko aasahan. May nadapa sa harapan ko. *hahahahaha sumimple akong tumawa pero di ko pinahalata*

Babae siya. Siyempre ako naman tong gentleman, tinulungan ko siya. At nagulat ako! Siya yung babaeng nakita ko kanina na nagpatigil ng oras ko *wow! Slow motion talaga* Agad kong dinampot yung mga dala niya. At ang weird kasi, first day of school ang dami na niya agad dala. Siguro subsob talaga tong babaeng to sa pag-aaral.

"Miss ok lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Ayos lang. Siguro tinawanan mo ko no?" sagot niya na pataray.

"Uy hindi ah......Konti lang! Hahahahaha"

"Baliw! Ang bigat kasi ng mga dala ko." paliwanag niya

"Kasi first day na first day ang dami mong dalang gamit." pang-asar ko.

"Wala kang paki! Sige salamat ulit."

Di na ako nakapagsalita nung tumalikod siya pero nilakasan ko ang loob ko!

"Miss! Saglit! Anong pangalan mo?"

"Marie! Marie Lim" sigaw niya habang naglakad na palayo.

"Haaa? Siya na ba si Marie? Di pwede to. Baka kapangalan lang niya pero kamukha niya yung dating Marie na nag-aral dito. Siya yung dead kid lang dati ah. Wow! Nagbago na talaga siya. Isang taon lang siya nawala at pagbalik niya ang dami nang nagbago sa kanya" -isip-isip ni Jamir.

Pagkatapos nung insendenteng yun, hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Umuwi na ako. Dating Gawi, Maglalakad lang ako hanggang sa sakayan namin. Siguro mga 1KM din yun. Tagtipid eh. Hahahaha. Kasabay ko yung mga tropa kong kolokoy.

Natapos ang first day of school ng may pasabog. Grabe di talaga ako makapaniwala.

The Adventures of an AbangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon