Chapter 14: Deny

62 2 1
                                    

"Napapanis kong lihim, hanggang kailan ko pipigilan, masama ba na iyong malaman?"

-Paano (Kamikazee)

So, pagkatapos ng mahabang biyahe mula sa Laguna, nakauwi na rin ako sa bahay. Grabe pag-aalala ni Mama sa akin kaya ipinaliwanag ko ang mga nangyari.

"Ma, ok lang ako. Nagawa ko lang naman yun kasi gusto ko lang tumulong. Alam kong mapanganib sa gubat kaya ako tumulong. Alam mo namang adventurous ako eh. Sana naman maintindihan mo" paliwanag ko na may puntong nanglalambing.

"Oo nga kung gayon. Pero sana nak minsan kung di mo na kaya, wala ka nang magagawa. Hayy nakuuu anak! Mag-ingat ka lagi! Pero tatandaan mo, kahit muntik ka na mapahamak, proud si mama sa'yo." sagot niya.

__________________________

MONDAY

Pasok nanaman! Iba yung feeling ng pasok ko kasi alam kong pinagtitinginan ako. Pero iba eh. Yung tingin nilang proud sila sa akin. Ewan ko ba. Ang gulo!

Agad naman akong inakbayan ni Jomal at may sinabi sa akin.

"Pre! Idol na talaga kita! Superhero ka ba talaga? Tagapagligtas! Hahaha. Nakuuu si Marie pala haa."

"Ay grabe ka. Kahit sino naman malagay sa ganun, tutulungan ko. Kahit ikaw eh." sagot ko.

"Sus! Baka concerned ka lang talaga kay Lim? Haha sige na." pang-asar niya at tuluyan na siyang umalis.

Pagdating ng last period, biglang tumunog yung pager ng school...

*tundundundun* Paging Marie Lim and Jamir Mendoza. Please come to the office now!

"Wiw. Ano to? Hala paktay na!" isip isip ko.

Habang papunta ako sa office, nakasabay ko na si Marie papunta.

"Nakuu. Ano kayang meron? Patay tayo! Hahaha" biro ko.

"Kinakabahan ako. Real talk" sagot niya habang halata sa mukha na may kaba siyang dinadala.

Pumasok na kami sa Office at sinalubong kami ng Principal.

"Umupo kayong dalawa. Para malinawan ang nangyari sa tour, kailangan niyong papuntahin ang parents niyo bukas. Yun lang. Pwede na kayong umalis" paliwanag ni Mrs. Principal na medyo poker face ang mukha.

"Mukhang galit ni Ma'am" sabi ni Marie.

"Di yan. Tiwala lang!" sagot ko at nagpaalam na ako sa kanya.

Umuwi na ako sa bahay at sinabi kay mama yung tungkol doon kanina.

"Ma, pinapapunta ka sa school. 1 PM. Sa principal's office."

"Ano?! Bakit? Nasangkot ka ba sa gulo? Siguro nakipagsuntukan ang bata ka! *Pisting yawa! Ikaw bataa ka!*" sabi niya at sa sobrang gulat ay napabisaya na siya.

"Ma, chill! Di ganun. Yung sa nangyari sa tour. Yun lang. Walang problema." paliwanag ko.

"Ayy pinakaba mo ako nak. Sige! Pupunta ako."

________________________

TUESDAY, 1 PM @ Principal's Office

Dumating na si Mama at yung nanay ni Marie. Binati ko naman siya at ningitian. Ganun din ginawa ni Marie kay mama.

"So, good afternoon Mrs. Lim and Mrs. Mendoza. Pinatawag ko kayo ngayon para linawin yung nangyari sa tour. Una sa lahat, pinapahatid ng management ang paumanhin sa nangyari dahil kasalanan di namin kung bakit nawala sa mata namin ang mga bata. Sana maintindihan niyo."

"Marie ano ba ang nangyari sa'yo kung bakit ka napunta sa gubat?" pahabol na tanong ni Mrs. Principal.

Yun. Pinaliwanag ni Marie na nawala siya sa kanyang sarili. At kinuwento na rin yung nga karanasan namin.

The Adventures of an AbangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon