Chapter 20: Awkward Moment

35 1 1
                                    

"Wag kang maging diksyonaryo na magbibigay ng meaning sa mga bagay na di naman talaga ganun ang kahulugan"

-Tapulang Alagad

We have 1 day left to train sa nalalapit na naming contest at honestly, galit na si Ms. Sto. Tomas dahil di ako uma-attend ng after school training namin.

Ayoko kasi na mapalapit nanaman ako kay Marie at masira ko ang pangako ko sa kanya.

"Mr. Mendoza! Bakit ngayon ka lang pumunta?! Laging si Marie lang ang pumupunta dito! Pair kayo at ang point system dun ay by pair hindi individual!" pasigaw na sabi ni Ms. Sto Tomas at napansin kong napatingin sa akin si Marie gamit pa rin ang kanyang poker face.

"Sorry po ma'am" sabi ko at di na ako nagpaliwanag.

Agad kong kinuha ang oslo paper at papel sa tabi ni Marie na walang sinasabi. Agad akong gumuhit at tumalikod na lang ako sa kanya dahil di ko mapigilang tumingin sa kanya.

"Pahiram naman eraser" sabi ng isang taong di ko pa makilala dahil nakatalikod ako.

Inabot ko na lang yun patalikod dahil busy ako sa pagdadrawing.

Agad napaisip ako! Si Marie ba yun? At agad akong tumalikod para tumingin.

Ay si Joepher lang pala yun.

"Eto na pambura mo Jamir!" sambit ni Joepher at sabay bato sa akin.

Nag-break na at umalis na kami isa-isa. Kailangan kong tapusin ang gawain ko at si Marie din ay di pa tapos kaya kami na lang naiwan. Kailangan ko ng sharpener pero nasa tabi ni Marie yun.

Naglakas na lang ako ng loob na kuhanin yun at ganun pa rin. Wala pa rin kaming reaksiyon sa isa't-isa. Parang walang nangyari.

Natapos na siya at nilagay niya sa tabi ko yung drawing niya at may naka-note dun.

"Paki-visualize na lang ah. Magaling ka naman. Di mo na kailangan ng tulong ko" sulat na nakalagay sa note.

Wala na lang akong masabi nung nakita ko yun. Inayos ko na lang yun at ok na naman ang nangyari.

Bumalik na silang lahat kasama na si Marie at ako naman ang naglagay ng inayos kong plate niya. Wala na akong nilagay na note. Inayos ko na lang.

Back to work! Ganun pa rin. Di ko talagang maiwasang tignan siya pero pinipilit kong wag tumalikod.

Pagkatalikod ko, tumalikod din siya. Sabay talaga! Dapat ngingiti na ako pero umiwas na lang ako, baka kung ano pa mangyari.

Grabe na tong pakiramdam na ito. Di ako sanay sa mga nangyayari. Parang nung mga nakaraang araw, okay naman kami. Tas ngayon ganito na? Ganito ba talaga?

Pinatawag na kami ni Ms. Sto Tomas para i-present yung works namin.

Nauna na sina Joepher and James.

Kami nang dalawa. Tinabihan ko naman siya pero siguro mga half meter away.

"Mauna ka na." sabi ko.

Nagpresent na si Marie at di ko talagang maikakahiya ang galing niya sa communication skills. Taob na taon talaga ako.

Ako naman ang nagpresent at okay naman.

"WHAT THE HELLLLLLLL?!! Ilang ulit ko bang kailangan ulitin sabihin sa inyong dalawa na pair event ito? Isang plate lang ang gagawin!!!! Magtutulungan kayo" galit na galit na sambit ni Ms. Sto Tomas.

"Sorry Ma'am" sabay naming sambit ni Marie.

"Yan na lang ba lagi sasabihin niyo? Magagaling kayong artist pero di kayo sumusunod sa rules! Bakit di ba kayo magkasundo. Ni isang beses di ko kayo nakitang nag-usap o nagkatani man lang! Ano bang meron? Kung anong meron man, iwan niyo muna yan kasi eto, trabaho lang. Walang personalan." ang mala-armalite na sermon ni Ms. Sto Tomas

"Wala po" ako na ang sumagot.

"Ganun pala eh! Dapat bukas maayos na kayo! Sige alis! Pinaiinit niyo ulo ko" sabi ni Ms. Sto Tomas

Umalis na agad ako. Inunahan ko na siya dahil alam kong iiwan niya rin naman ako eh. Wala pa rin ako sa sarili kaya ganito ako.

Di ko alam gagawin ko bukas sa contest. Iisipin ko na lang na para sa school ito......

The Adventures of an AbangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon