Chapter 8: Panakip Butas!

83 6 4
                                    

"Conceal, don't feel, don't let them know."

-Elsa (Frozen)

*Fast Forward!*

Tuesday

Natapos na yung intrams at luckily, nag-champion yung team at sa wakas! Pinangaralan na akong MVP. Wala naman masyadong nangyari sa weekends.

Maaga akong pumasok kasi sa school na ako gumagawa ng mga home works. Hahaha naging school works na yung home works ko kasi nakakatamad talaga sa bahay. Hahaha!

Habang seryosong-seryoso ako sa pagsusulat may narinig akong sumusutsot saakin. Hinanap ko at si Bernard pala yun. Nanggugulo lang. Normal na naggugulo yun pag umaga. Pinuntahan niya ako sa room at kinausap ako.

"Hi Mr. Lover boy ni Ms. Lim!" sambit niya.

"Kung mang-aasar ka lang, umalis ka na dito. Tingin mong may ginagawa ako eh. Wag kang magulo kupal" sagot ko na medyo pabalang pero pabiro.

Umalis na si Bernard pero bumalik ulit at sinabing "Gusto mo bang papuntahin ko si Marie dito?, nakatambay lang siya sa room namin eh! Hahahaha"

"Ayos mukha! Wag nga! Baka maistorbo lang yun" sagot ko at tuluyan na nga siyang umalis.

"Ano ba tong pinasok ko? Kailangan kong magbawas ng mga motibo. Nahahalata na ako! Pano na yan? Di pwedeng maging issue to baka maniwala na si Marie. Dapat may gawin ako! Ano? Ano? Ano? Ano?" isip isip ko sa sarili.

"Itago mo. Kasalanan pero kailangan mong magsinungaling. Ito ang....."panakip butas" bulong ng isang misteryosong lalaki na hindi ko naman napagmasdan. Mag-isa lang kasi ako sa room baka minumulto na ako. Hahahaha

"Huh? Panakip butas? Paano yun? Sige na nga. Minsan lang naman ako magkasala para malutas ko na to'. So anog gagawin ko?" tanong ko sa sarili.

"Isip! Isip! Isip! Isip! Isip! Ay alam ko na! Sasabihin ko na lang na iba ang crush ko pero dapat taga ibang school!......Si Rosaline na lang. Medyo crush ko naman yun nung grade 6 eh." isip-isip ko.

Si Rosaline nga pala yung nakilala ko dahil sa sports. Dahil nga varsity ako simula elementary, marami na akong nakikilala. Taga Peace Christian School siya, hindi kalayuan sa school namin. Medyo close naman kami kasi may communication naman papano. Chicks to! Famous kung susukatin.

Nagsimula nang magsipasukan yung mga kaklase ko sa room at saktong natapos ko na rin ang mga assignments ko. Nagpasama ako kay Jomal para ipasa yung mga assignments ko at accidentally, nakasalubong namin si Marie.

"Pre, yan diba yung nalilink sa'yo?" paintrigang tanong saakin ni Jomal.

Pagkasalubong namin umiwas ako ng tingin at sinagot ko si Jomal ng "Pre di ah. Meron na ako ngayon. Taga ibang school! Makikilala niyo rin siya. Papapuntahin ko dito."

"Aweeeeew! Kaya naman pala ganyan ang mukha! In love ka nga! Hahahaha! Pakilala mo saamin ah. Chicks ba yan?"

"Oo naman!" sagot ko.

"Yes! 1 down! Kakalat na to'. Gumagawa ang plano ko" isip isip ko sa sarili.

Boring ng araw na to. Sobraaaaaang boring! Walang ginawa mga teachers kundi magdiscuss ng mga mahahabang lectures at buti na lang nag-uwian na.

Hindi ako sumabay sa mga kaibigan ko kasi gusto kong mag-isip isip. Nagulat na lang ako ng may kumalabit sa likod ko. Si Rosaline! Wala pa ring nagbago sa kanya. As usual, makulit pa rin!

"Oy Jamir! Long time no see! Tangkad mo na ah! Di na kita mareach literal. Hahaha" sigaw niya.

"Hahahaha. Tumatanda na eh. Ikaw kamusta? Tara! Kain tayo libre ko. Tagal na nating di nakakapag-usap eh" pag-aya ko.

"Sige! Ikaw taya ngayon! Huling kain natin nilibre kita eh hahahaha" sagot niya.

Mcdo pinakamalapit na kainan kaya dun na lang kami kumain. Kamustahan at kwentuhan. Di siya nawawalan ng kwento! Ang daldal!

Habang walang nagsasalita, nagsimula umispot na ako para i-offer yung plano ko.

"Ros, pwede favor? Sobrang weird nito pero sana maintindihan mo ako" sabi ko.

"Ano yun? Ipaliwanag mo" sagot niya.

"Kasi ganito yun. Hmmm... may crush na ko. Kaso ayoko muna umamin sa ngayon pero maraming nakakapansin kaya gagawa ako ng paraan para mapatay yung issue. So naisip ko na magkaroon ng kunwaring crush na iba. Pwede bang ikaw yun? Hmm okay lang kung ayaw mo. Nagbabakasakali lang naman" paliwanag ko.

"Hmmmmmm... Mahirap yata yang gagawin natin. Pero wala namang mawawala sa akin eh. Parang kuya na turing ko sa'yo eh. At may crush ka naman talaga! Isang kondisyon... Wag kang mafall sa akin sa ganda kong to ah! Hahahahahahahaha joke! Sige na!" sagot niya.

"Thank you Ros! Salamat talaga. So, pwede ko nang simulan ang plan mamayang gabi?." tanong ko.

"Sige! Ikaw bahala. Basta dahan-dahan lang ah. Keep in touch na lang sa facebook and twitter." sabi niya.

"Uy alis na ako. Salamat sa treat! Next time ulit ah. Di pwedeng di maulit to! Bye! Aalis na scripted crush mo hahaha" pahabol niya at umalis na rin siya

Pagkauwi ko sa bahay agad akong nagbihis at lumapit sa computer ko at nag-facebook at twitter. Nag-isip ako ng paraan para mapakalat ko na yung scripted crush ko. Hahaha

Nag tweet ako ng love qoute tas naglagay ako ng initials ni Rosaline. Maraming nag-react, yung iba siguro nagtataka kung bakit ganun yung initial hindi "M.L" Akala siguro nila si Marie yun. Pero para kay Marie talaga yun. Nilagay ko lang yung initials para mawala na yung issue.

"Hayyy Marie... Mahal na kita pero kailangan ko tong gawin para walang mangyaring masama. Sorry kung di ko muna masasabi sa'yo ang katotohanan. Malalaman mo rin naman to' sa tamang panahon." isip isip ko sa sarili na parang may kinakausap sa hangin.

The Adventures of an AbangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon