Chapter 13: Abanger sa Kagubatan

71 2 1
                                    

"May mga bagay lang talaga na hindi mo aasahang mangyayari pero magugulat ka na lang sa isang iglap ay nangyari na ito."

-Kuya Kleggy

Pumipikit-pikit pa ang mga mata ko... Naririnig ko lang ang mga huni ng ibon. Teka, nasaan na nga ba ako? Ang huli kong naalala ay nahilo ako at ano na kaya ang sumunod na nangyari?...

Madilim na ang kapaligiran. Tanging mga huni ng ibon at kaluskos ng mga hayop lang ang maririnig mo sa kagubatan.

Ayy oo nga pala! Napunta ako dito dahil kay Marie. Nasaan na kaya siya?

Di na ako nagsayang ng panahon at kinuha ko yung phone ko. Buti na lang full battery pa! Nag-flashlight ako pero bago ko pa mahakbang ang isang paa ko, may humila ng damit ko sa likod.

"Waaaaahhh! Malignoooo! Bitawan mo ko" sigaw ko.

Pagtalikod ko, nagulat ako kasi si Marie pala yung humatak ng damit ko.

"Mukha ba akong maligno sa ganda kong to? Diwata pwede pa?" biro niya.

"Sus! Pinag-alala mo ako, ay kami pala. Hinahanap kita kaso bigla na lang ako nawalan ng malay." paliwanag ko.

"Nakita kitang nakahandusay habang naghahanap ako ng daanan palabas kaso madilim na rin kaya napagoasyahan kong palipasin na muna ang gabi" sabi niya.

"Bakit ka nga ba napunta dito? Bigla-bigla ka na lang daw kasing nawala at pumasok sa lagusan" tanong ko.

"Di ko nga rin alam eh. Parang namaligno ako, parang may humatak sa akin na ewan. Bumalik na lang ulit ako sa sarili nung nakita kita." paliwanag niya.

Napansin ko naman na walang kailaw-ilaw maliban sa flashlight na nagmumula sa phone.

"Wait lang ah! Baka nag-aalala na sila. Text ko lang sila....badtrip! Walang signal" sigaw ko.

Naghanap ako ng mga kahoy na pwedeng igatong. Nalaman ko tong mga survival skills na to dahil sa kakanood ko ng Discovery Channel. Sa wakas! Nagamit ko na din mga natututunan ko sa telebisyon.

Kinaskas ko yung dalawang kahoy at pagkataan ng ilang minuto nagkaroon na rin kami ng apoy. May liwanag na rin na bumabalot sa aming mga katawan.

"Anong plano natin? Kailangan nating makalabas dito." tanong ko.

"Oo nga eh. Kaso madilim na, mahirap! Bukas na lang ulit tayo maghanap ng labasan. Sa ngayon, magpalipas muna tayo ng gabi."

"Ok ka lang ba? Alam ko di ka sanay sa buhay na ganto. Rick kid ka kasi eh! Pero lahat naman ng tao maeexperience yung mga gantong pangyayari." paliwanag ko.

"Ayos lang ako. Salamat nga pala kasi ikaw pa yung naghanap sa akin. Yung mga ibang lalaking akala ko nagmamalasakit sa akin, mga napulpol naman!" pasalamat niya.

Para naman mapagaan ang loob niya, kumuha ako ng dahon ng saging para maging higaan namin. Mabuti na lang, maraming mga punongkahoy dito. May source din ng makakain.

"Tara tulog na tayo! Dapat maaga tayo bukas magsimula! Malayo tatahakin natin." sabi ko.

"Sige. Good Night Savior" sabi niya.

"Whhhuuut? Savior? Wow! Nakakataba naman ng puso. Sige na. Good night din diwata!" isip-isip ko.

__________________________

Ang ganda ng araw! At iba talaga ang simoy ng hangin. Ang lamig! Nauna akong gumising.

Di ko pinalampas na pagmasdan ang mukha ni Marie habang natutulog. Ang cute niya! Para siyang isang kawai character. Hahaha mukhang emoticon.

The Adventures of an AbangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon