Chapter 18: The Revelation

52 3 1
                                    

"Mas mabuti nang mamatay sa katotohanan kaysa mabuhay sa kasinungalingan"

-Ka Pepe

Nagising na lang ako na parang walang nangyari at iniisip ko na lang ang mga magagandang bagay na nangyari sa akin noong nakaraang taon. Oo nga pala, January 1 na ngayon at di ko talaga namamalayan ang oras dahil simula nung nangyari ang mga pangyayaring iyon, parang wala na akong gana gawin ang mga gawain na kailangan kong gawin at di na ako nakakausap ng matino.

Inaamin ko na di ko maiwasang hindi umiyak dahil sino ba namang malulungkot kung may nangyayari sayong kakaiba na di mo alam ang dahilan? Para bang pinaglalaruan ako ng tadhana sa mga nagyayari sa akin ngayon.

Habang nakatitig lang ako sa Newsfeed ko sa Facebook biglang may nag-message sa akin. Akala ko siya, si Joepher lang pala. Sino si Joepher? Si Joepher nga pala yung classmate ni Marie na medyo tropa ko. Pero wala akong tiwala dito kasi di naman kami ganun ka-close

*Chat Conversation*

Joepher: Tol, mukhang may problema si Marie ah. 

Jamir: Ha? Ano yun? Tungkol san? Di nga nagrereply sa akin simula pa nung Christmas eh.

Joepher: Kasi kung ano-ano pinagsasabi sakin. Bigla-bigla na lang naglalabas ng sama ng loob sa akin.

Jamir: Ano ba kasi yun? Sabihin mo na sa akin kung anong nangayari dahil naguguluhan na rin ako.

Joepher: Gusto mo ba talagang malaman?

Jamir: Oo naman! Pakisabi naman sa kanya, Magreply naman siya sa akin dahil di niya alam na naghihintay ako sa kanya at nasasaktan din ako

Joepher: Okay, Makakarating...

*Chat Conversation Ended*


Hindi ko alam kung totoo tong sinasabi ni Joepher pero sana totoo nga para malaman ko na rin kung anong dahilan kung bakit ganito na lang ang nangyayari sa akin.

Ilang oras na ang lumipas at nawawalan na ako ng pag-asa na mag-memessage sa akin si Marie.

Pero sa di inaasahang pagkatataon, biglang nagkaroon ng 1 message. Message from Marie

Message (Marie):

Gusto ko na tong sabihin sa iyo dati pa pero siguro ito na yung tamang pagkakataon para sabihin ko ang lahat sa'yo. Jamir, sa tingin ko di na friend ang tingin mo sakin eh. Iba ang turing mo sakin. Di lang talaga ako nagsasalita noon kasi ayaw ko masira ang friendship natin. Jam, di ako manhid at alam mo naman siguro yun. Ang ayaw ko lang kasi yung makulit. Wag mo kong tatadtarin dahil alam ko naman. At ang pinaka-ayaw ko sayo ay yung sobrang drama mo. Ganun na lang ba ako kahalaga sa'yo? Wala ka bang ibang priorities.

Yung mga kilos mo kasi eh. Nagpapaktia na iba talaga ang tingin mo sa akin. Yun lang, sana maintindihan mo ako. Di ako galit sa'yo Jam, naiirita lang ako kasi di ako sanay sa mga kilos mo. Sana magbago ka at sana maging ok na tayo. Pwede bang dumistansya ka muna? Salamat Jam


*Booom!* Bigla na lang ako napatigil ng mga ilang minuto at iba na ang aking nararamdaman.

Napaisip ako sa aking sarili na "Ganun pala ang aking mga nagawa. Di ko pala nalaman ang aking mga limitasyon"

Agad-agad naman akong nagreply sa kanya.

Message (Jamir):

Salamat dahil nagbigay ka ng time sa akin para makausap ako. Sorry sa mga nagawa kong kasalanan. Inaamin ko na naging tanga ako dahil sa iyo. Ito na, aaminin ko na sa'yo. Marie Lim, nagawa ko tong lahat sa'yo dahil mahal na mahal na mahala kita pero mukhang di ko inisip ang aking mga limitasyon at nauwi lang ito sa masamang epekto.

Hindi ako umaasa na mapatawad mo pero sana mapatawad mo pa rin ako at bumalik tayo sa dati na masaya tayo sa isa't-isa.  Sorry sa mga naga kong mga bagay na di maganda para sa'yo. Tao lang ako at nagkakamali.

Sige para sa ikakaganda ng lahat, didistansiya muna ako. Maraming Salamat


Message (Marie):

Salamat din Jamir. Sana maging ok ulit tayo sa tamang panahon. Sana baguhin mo na yung mga bagay na nagawa mong mali para sa'yo at siyempre para sa akin.


Ayan na siguro yung chat conversation na tumagos sa puso ko. Para sa akin mas maganda na ganito kami na nag-uusap kami sa aming mga kamalian. Siguro nga di talaga ako para sa kanya kaya ganito.

Ano na nga ba anggagawin ko? Titigil na ba ako o itutuloy ko parin?

Hayyyyy di ko alam......

The Adventures of an AbangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon