Chapter 17: Greetings

29 1 2
                                    

"Matuto kang alamin ang iyong mga limitasyon dahil ito ay napakahalaga"

-James Odalager

"Pasko na sintaaa ko...." Ayan ang mga naririnig ko dahil bispera na ng pasko at nandito ako ngayon sa simbahan para sa huling simbang gabi.

Kay lamig ng simoy ng hangin at napakasayang tignan ng mga tao na nag-aabang sa pagsilang ng ating pinakamamahal na panginoon.

Umuwi na kami sa aming tahanan at naghanda na ng aming Noche Buena. Habang nag-aayos ako ng lamesa, biglang naisip ko na kung nasa maganda siyang sitwasyon ngayon o kaya masaya ba siya?

Pagpatak ng araw ng December 25, agad ko siyang tinext ng "Merry Christmas" ngunit sa kasamaang palad, di naman siya sumasagot at sa tingin ko ay may nangyayari nang kakaiba.

Agad kong tinext yung kaibigan niya at tinanong ko kung nagrereply ba sa kanya si Marie. Sinabi ng kanyang kaibigan na ka-text pa daw niya si Marie sa mga oras na ito.

Bang! Boom! Pang!... Ayan ang aking nararamdam ngayon. Ano bang meron? May nagawa ba akong masama? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ano nga ba? Hindi ko alam.

Dahil ako'y desperado na gusto ko siyang makausap, nag-PM naman ako sa kanya sa Facebook at sinabi ko na "Merry Christmas! Bakit di ka nagrereply? :("

Pagkalipas ng mga dalawang minuto, isang salita ang aking nakita na nagpasakit sa aking puso't damdamin at ito ay salitang walang iba kundi........"SEEN"

*Swooooosh* Ano nga ba ang SEEN? Ito yung features ng facebook chat na nagpapakita na nakita ng isang taong minessage mo ang iyong mensahe ngunit wala siyang reaksyon dito at di siya sumagot kahit isang letra lamang. Ito ay kadalasang nagbibigay ng kalungkutan sa mga Abanger na katulad ko.

Balik tayo sa katotohanan, hindi ko alam kung bakit ganto na lang ang nangyayari? parang nung last week ok na ok kami eh tas ngayon ganto na lang? Di ko alam kung may nagawa ba akong masama o hindi.

Nang dahil sa aking nadarama sa pagkakataon ito, hindi ko napigilang buksan ang isang bote ng Red Horse at nilaklak ko ito para lang makalimutan ang masaklap na pangyayaring ito.


*Fast Forward!!!!!* 

DECEMBER 27, 2013 11:58 PM

Heto ako ngayon nag-aabang na sumapit ang araw ng December 28 dfahil ito ang kanyang kaarawan at sisikapin kong bumati na sakto sa date.

3...2....1.... December 22, 2013

"Happy Birthday Marie! God Bless!" ayan ang nilalaman ng text ko sa kanya. At di ako umaasa na magrereply siya dahil alam kong tulog na siya.



Nakaisip naman akong gumawa ng poster para sa greetings ko sa kanya. Nilagay ko yung mga pictures niya simula pagkabata at siyempre nilagyan ko ng sweet words.

Agad kong sinend to sakanya.....

Pagkalipas ng ilang oras...nakita kong naka-online siya pero sa kasamaang palad, pagka-online ko, nag-offline naman siya.

Hindi man lang niya binuksan yung message ko..

Ano na bang nangyayari? MAY NAGAWA NGA BA AKONG MASAMA?

HINDIIIIII KOOOOOOOO ALLLLLLLLLLAAAAAAAAAMMMMMMMMMMMMMM!

Natulog na lang ako para mawala na ang sakit na aking nadarama......

A/N: Hahahaha guys sorry kasi ngayon lang ako nakapag-update kasi sobrang busy sa school! HAHAHAHA. Siguro this month active ako. God Bless!

The Adventures of an AbangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon