Chapter 12: Lakbay Aral?

65 3 1
                                    

"If you ever find yourself stuck in the middle of the sea, I'll sail the world to find you"

-Count On Me (Bruno Mars)

Pasok nanaman! So, November na. Wala naman special sa buwan na to' Di rin uso sa school yung mga Halloween Party kasi may mga mukhang halimaw naman kahit di mag-costume! Haha joke only. Siguro di na yun ginagawa kasi dagdag gastos lang. Hmm. Wala akong ginawa nung sembreak kaya di ko na ikekwento yun. Wala Abangers pa rin ako nun.

Sakto pagpasok ko sa classroom dumating si Mrs. Principal! Mabuti na lang di ako late kundi sesermonan ako nun.

"Good Morning students! Nandito ako ngayon para sabihin sa inyo na mapapaaga ang ating Educational Tour ngayong School Year kasi may culminating activity tayong gagawin sa February. So, next week. Monday ang ating tour. Fees and things to bring will be posted in front of Principal's Office later." good mood na pagbati at speech ni Ma'am! Mukhang Good mood siya!

Pagkalabas ni Mrs. Principal yung mga kaklase ko nagsisigawan na! Mga tuwang-tuwa! Para sa akin, di naman ako masyado excited sa mga tour na ganyan. Dagdag pagod lang pero ok na rin. Nakakapunta sa ibang lugar na kasama mga kaklase ko.

Siguro ako lang yung tahimik nun at napansin ako ni Geika.

Ngayon ko pa lang pala ipapakilala si Geika. Siya yung babaeng matikas! Gitarista, Dancer at siyempre cute. Hahaha! Classmate ko na siya since 1st year kaya medyo close na kami. Na-issue pa nga kami dati eh pero lumipas na yun.

"Huy Mr. Mendoza! Bakit parang lumulutang ka? Naka-weeds ka ba?" pagulat niyang sambit sa akin habang nakatulala ako sa langit.

"Ha? Ano? Asa! Di ako gumagamit ng ganun. Good boy ako! Wala. May naisip lang ako. At huwag mo na tanungin kung ano yun kasi di ko ishashare sayo." pabirong galit na paliwanag ko sa kanya.

"Ang sungit! Hmmm! Bahala ka diyan! Sumbong kita kay Lim Lim eh!" asar niya sa akin at may halo pang kutos.

Bago pa ako makapag-deny, inalisan na niya ako.

"Anubayan? Di mamatay ang issue ah. Kahit kalat na sa school si Rosaline, meron pa ring iba na naniniwala na si Marie talaga. Mawawala rin siguro yan. Tiwala lang" isip-isip ko.

__________________________

*Fast Forward* SUNDAY NIGHT

Abalang-abala ako sa mga gamit ko. Di ako magka-ugaga sa pag-aayos kasi nakalimutan ko na bukas na pala yun. Ganito ako eh. Laging last minute gumawa ng mga gawain. Wala eh!

Naayos ko na yung bag ko. Konti lang naman naging laman sa matagal kong pag-aayos. Merong extra shirts, foods and drinks, ang mahiwaga kong camera, ballpen na may secret balisong para in case for emergency, phone at charger.

Chineck ko yung phone ko yung full battery na at biglang may nag-text. Si Rosaline pala yun at nangamusta lang. Halos isang buwan na rin kasi kaming hindi nagkakausap. Busy kasi eh.

__________________________

MONDAY MORNING

"Riiiiiing! Riiiiiiiing! Riiiiiiing!"tunog ng nagwawala kong alarm clock!

"Shit! 6:00 na pala! 6:15 call time!" isip-isip ko sa sarili at agad ako pumunta sa banyo para maligo.

Mabilisang ligo lang tas umalis na ako. Mabuti na lang may tricycle na kaagad! Nag-isang biyahe na ako para lang makaabot.

Sakto! Pagkadating ko paalis na yung bus! Agad kong pinahinto yung BUS #3 at pumasok na ako. Nagulat ako kasi nandun si Marie at siyempre ako na nga lang ang hinihintay, efi isang upuan na lang natira sa akin at kamalas-malasan o swerte ba ay yung upuan na yung ay katabi ni Marie. Ewan ko ba kung set-up to ng mga estudyante o hindi bahala na. Uupo na lang ako.

Umupo na ako. Halata yung mga tingin nilang pang-asar pero di ko na pinansin. At gagawin ko ang mga PATAY MALISYA moves!

Patay Malisya Move #1: Magsusuot ako ng headphones para di kami mag-usap.

Patay Malisya Move #2: Matutulog na lang ako. Best way yun pero mag-iingat ako, baka aksidenteng sumandal ulo ko sa kanya.

Patay Malisya Move #3: Kakausapin ko na lang yung nasa kabilang part ng bus.

Pata Malisya Move #4: Kung kausapin man niya ako, di ako masyado magsasalita. Parang in a way na lagi lang ako ngingiti at sasang-ayon sa kanya.

Patay Malisya Move #5 (Itinuro ni James sakin): Maglaro ng games sa phone. Sure na sure na di ako iistorbohin kasi alam naman niyang addict gamer ako.

Ginawa ko na yung mga moves na yun! Ok naman sa ngayon kasi nagkukunwari akong natutulog at sa kasamaang palad ay na unplug yung headphones ko! Na naging daan para kausapin ako ni Marie.

"Anubayan Jam! Ang ingay mo! Hahahahaha" pang-asar niya.

"Ayy sorry! Aksidente lang" sabi ko sa kanya at umiwas agad ako ng tingin sa kanya.

After 1 hour siguro di na siya nakatiis sa katahimikan ko. "Dinaldal na ako ni Marie. Anong gagawin ko?" tanong ko sa aking sarili.

"Jam Jam Jam, Jamlandan! Hahaha nakakatawa ba?" pangungulit niya.

"Hmm ok lang" sagot ko.

"Anubayan! Bat ang tahimik mo ba ngayon? Anong nangyayari sa'yo? May masakit ba? Nagbreak ba kayo ng Girlfriend mo?" machine gun na tanong ni Marie sa akin.

"Una sa lahat, F.Y.I wala akong GF ah. Hahahaha! Wala inaantok lang siguro ako." pabirong paliwanag ko sa kanya.

Natigil yung usapan namin kasi nakarating ba kami sa destination. Di ko na sasabihin yung place basta nasa Laguna kami.

Sa wakas at naghiwalay na kami! Wala ng ilangan. Agad akong pumunta sa mga kaklase ko. Ang ganda nung lugar. Kaya agad kong nilabas yung camera ko para kumuha ng mga litrato.

Nandun yung mga iba't-ibang klase ng plants and animals. Ang presko sa pakiramdam. Iba talaga simoy ng hangin sa probinsiya.

Ayun, ikot-ikot lang kami sa lugar. May mga parts na creepy na di pwede puntahan ng mga guests at habang naglalakad kami nagkagulo yung mga teachers kasi may nawawala daw base sa head count. Inisa-isa nila yung mga names at nalaman na si Marie pala yun.

Sinabi nung isang crew dun sa park na pumunta daw si Marie sa restricted area ng park.

Nung marinig ko yun, di na ako nag-isip pa at kumaripas na ako ng takbo papunta dun sa lagusan. Di na ako nagpahalata kasi mas lalo silang mag-aalala kapag nadagdag pa ako sa nawawala.

Makikita sa lagusan ang sign na "NO ENTRY, DANGEROUS AREA"

Ang creepy nga. Parang rain forest siya ba madilim. Di ko alam kung nasaan siya dito pero kailangan ko siyang mahanap.

Habang naglalakad ako, bigla kong narinig yung isang sigaw ng babae! Agad akong tumakbo at aksidenteng natapilok ako sa isang malaking bato.

"Ahhhhhhh! Ang sakit!" inda ko pero tuloy pa rin akong tumakbo. Ang layo na ng narating ko pero di ko pa rin siya mahanap. Sa sobrang pagkapagod at pagkahilo ko sa paghahanap sa kanya ay nawalan ako ng malay.....

-----------------------------------

TO BE CONTINUED

The Adventures of an AbangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon