Chapter 9: My Scripted Crush

87 4 3
                                    

"Napapanis kong lihim, hanggang kailan ko pipigilan, masama ba na iyong malaman?"

-Paano (Kamikazee)

Pumayag nga si Rosaline sa plano ko na maging scripted crush ko siya. Buti na lang napapayag ko siya kung hindi lagot na ako. Hahahaha!

Katulad ng mga normal na lalaki na nagkakacrush, ganon din naman ang ginagawa ko sa pagpapanggap ko. Mga tweets ay tungkol sa love, yung mga wallpaper ko. Muntik na nga ako mahuli ng nanay ko kasi wallpaper ko picture ni Marie pero iniiba ko yun pag pupunta akong school, gagawin kong picture ni Rosaline. Mahirap man pero gagawin ko yun para rin naman sa akin.

Maraming mga bagay na mahirap talaga pero kailangan ko talagang gawin. Minsan nga natatawa na lang kami ni Rosaline sa mga ginagawa namin.

*Fast Forward*

So, ayun nga. Wala naman nangyaring mahalaga noong mga nagdaang linggo. Habang tumatagal, napapalayo na rin ako kay Marie kasi busy na rin kami parehas pero di pa rin nagbabago pagmamahal ko sa kanya! Awtssuu! Hahaha. Boom Panes!

September na kaya magkakaroon na ng Campus Fair. Kada taon kasi nagkakaroon talaga ng ganitong event sa school namin. Kami mag-aayos nito ng seniors kasi kami na yung mga aalis. Hahaha.

Katulad ng mga karaniwang fair sa iba't-ibang school, may mga rides, booths, foods, performances and etc. Mukhang masaya nga ang Fair namin kasi may mga naimbitahan kaming band. "Kamikazee" nga. Nung nalaman ko yun napapaluha ako kasi talagang sobrang idol ko yung bandang yun.

Habang nag-aayos kami ng mga booths nilapitan ako ni Mowie at kinausap ako tungkol dun sa tutugtugin namin.

Nga pala, si Mowie yung guitarista ng band namin. Ibang members pala ng band namin ay sina Jomal as Bassist, Vickie as Rhythm Guitarist, Ron as Drummer at ako, trying hard na vocalist. Hahaha

"Yow Jam! Tutugtog tayo sa Fair diba? Ano mga kanta para maaral ko." tanong niya.

"Ayyy oo nga pala! Sa sobrang busy natin di ko na naisip yan. Tatlong araw na lang para makapagpractice! Hmmm... Wait lang ah" sagot ko.

"Love songs! Patok yun! Para naman di tayo magpahuli sa Kamikazee! Hahahaha" sambit ni Mowie.

"Alam ko na! Mag-cover tayo ng mga kanta nila tas kausapin na lang natin sila para di maulit yung songs. Ok ba? Pero magdagdag na lang tayo." sabi ko.

"Sige lang!" sagot niya at umalis na rin.

Nagbreak muna kami sa pag-aayos at naisipan ko munang buksan yung phone ko para may i-check. Nakasanayan ko na kasing ganun, malay mo may mag-text na important. Habang pagka-unlock ko ng screen lumabas yung mukha ni Marie at nakita to ni Edward pero pasulyap lang kaya medyo malabo.

"Hoooy sino yan!" sigaw niya

Agad kong tinago yung phone ko at iniba ang wallpaper, naging picture na ni Rosaline. "Nakaw! Wala yan." sagot ko sabay pinakita sa kanya yung wallpaper.

"Wow pare! Ganda naman niyan. San mo nakilala? Diyosa ah." sambit niya.

"Matagal ko na siyang kakilala, eh parang pinagtagpo kami eh. Nagkita kami ulit tas ayun na. Alam mo na! Hahaha" sagot ko na medyo nakokonsensya dahil sa mga pagsisinungaling ko.

"Paano na si Ms. Sungit?" tanong niya.

"Sinong Ms. Sungit?" pabalik kong tanong sa kanya.

"Hmmmm... Ms. Marie Lim? Your dream girl! Hahaha" pang-asar niya.

"Ahh. Di ko naman talaga gusto yun eh. Kayo lang naman nagbibigay malisya eh." sagot kong marahan

"Ay nga pala! Try kong papuntahin si Ros dito sa fair para makilala niyo" pahabol kong salita.

Natapos na ang break kaya back to work na kami. Habang nagdidikit ako ng kung ano-ano man yun, ang lali ng nasa isip ko.

"Kailangan ko ba talagang gawin yun para di malaman ni Marie? Katangahan ba yun o tama lang ang ginagawa ko? Eh paano ba? Kung aamin ako kay Marie may mangyayari ba? Asa naman akong magugustuhan nun kasi di naman ako gwapo. Isang simpleng nilalang lang ako. Siguro nga ito muna gagawin ko hangga't wala pa ang tamang oras. Hayyy" isip-isip ko.

Nag-uwian na rin. Hayy sobrang nakakapagod. Ang daming ginawa. Kaya pagka-uwi ko, natulog muna ako at nagising ako ng midnight. Di na ako makatulog kaya naisipan ko munang magbukas ng facebook.

Siyempre, medyo di na kami nagkakasalubong ni Marie, titignan ko na lang profile niya. *Stalker Mode* Hahahaha! Wiw! Nagbago na siya ng Profile Picture. Di na animes. Mukha na niya. Wow sumeselfie rin pala tong babaeng to. Mas lalo siyang gumanda. Habang nababaliw ako sa kakatingin sa mga picture ni Marie naalala ko na kailangan ko palang i-PM si Ros tungkol dun sa Fair.

Eh sakto na naka-online pa tong babaeng to. Hahaha! Vampire Mode talaga to lagi.

*Chat Conversation*

Jamir: Oy Babae! :D

Rosaline: Ano?! Problema mo tol? Dat sinapok mo! Hahaha joke. Why o why? :)))

Jamir: Pwede ka ba sa Saturday? Punta ka fair namin :) Pleassse!!!

Rosaline: Sige. Basta pakilala mo ako sa mga pogi ah.

Jamir: Kilala mo na eh. Pasensya niya! Hahahahaha

Rosaline: Mukha mo! Sige na! Tulog na ako :) Punta ako. Text text na lang

Jamir: Salamat Crush! Hihihihihi

*conversation ended*

-----------------------------------------

Lumipas ang tatlong araw at maayos naman practice namin. Fair na. Maayos na rin yungmga booths! Perfect! Nagsimula na magpasukan yung mga tao. Ang dami! Siguro dahil alam nila na nandito Kamikazee mamaya.

Habang nakatambay ako sa isang booth may tumawag sa akin! Si Rosaline pala nandiyan na. In fairness, maganda talaga siya. Hahaha pero nga diba scripted lang talaga kaya kailangan kong umacting ng mahusay. Hahaha.

"Hoooy! Nandito ka na pala! Tara ikutin na natin yung mga booths. Mamaya pa darating kamikazee eh." pag-aya ko.

Umikot kami sa mga booths. Grabe pinagtitinginan kami. Iba kasi talaga ganda ni Ros eh. Matinik! Hahaha. Siguro iba-iba na iniisip ng mga to. Iniisip na GF ko to. Tindi ko naman! Gamuya na yun! Hahaha. Siguro yung iba iniisip na pinopormahan ko. Basta ako alam ko ginagawa ko.

Habang papunta na kami sa photo booth nakasalubong namin si Marie. AWKWARD!!! Siya unang pumansin sakin kaya kinausap ko na rin. *pachicks pa ako eh gustong-gusto ko naman pag nagkakausap kami. Para akong nasa langit*

"Hi Jam! Di mo sinasabi sakin na may Girlfriend ka na pala" pang-asar niya.

"Ayy! Di ko siya GF. Friend ko lang. Marie meet Rosaline, Rosaline this is Marie" sabi ko.

Nagbatian naman silang dalawa. Ang awkward nun! Grabe. Muntikan na. Umalis na si Marie at kinausap ako ni Rosaline.

"Oy Jam. Okay ka lang? Parang nalugi ka diyan" tanong niya.

"Ay ok lang. Nabigla lang ako. Nakakakonsensiya lang. Pero ok lang talaga! Tara photo booth tayo para may souvenir" palusot ko na lang para di ako mahalaga ni Rosaline.

Ano ba tong pinasok ko? Tama kaya to? Bahala na. Hayy buhay

The Adventures of an AbangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon