Chapter 15: Mr. Perfect?

60 3 3
                                    

"Prinsesa ka, ako'y dukha. Sa TV lang naman kasi may nangyayari"

-Pangarap Lang Kita (PnE)

Just a day normal again. Ito papasok nanaman ako sa aming paaralan. Oo nga pala. December 1 na at malapit na ang pasko. Sana naman di malamig pasko ko. Hahaha joke! Sabi nga ni Willie Revillame "Kung malamig ang pasko niyo! BIGYAN NG JACKET!"

Pagpasok ko. Ganun pa rin, paulit-ulit lang araw-araw. Mga kaklase kong maiingay, magugulo pero mababait ang tumatambad sakin kapag nasa school ako.

Lunch na. Kumain na rin kaming magkakaklase. Nagtaka ako kung nasaan si Marie. Di ko pa siya nakikita ngayong araw. Absent kaya siya o tinataguan lang ako?

Nagulat ako kasi biglang nagkagulo. Nagsitayuab yung mga tao at agad-agad pumunta sa gate ng school. Parang may artista yatang pumunta. Pshh! Sino kaya yun?

Eh ako naman tong usisero ay sumama na rin at laking gulat ko kung ano ang nakita ko.

Nakita ko ang isang lalaki. Kaharap ni Marie. May hawak na bulaklak.

Isang lalaki na Matangkad, Maputi, Gwapo. Chinito, Ala Lee Min Ho ang mukha, sigurado akong mayaman kasi nakasakay sa isang magarang sports car.

"Marie. Naaalala mo pa ba ako? Ako ito, si Jeric." pakilala nung lalaki.

"Ahhh oo naaalala pa kita. Bakit ka nandito at may dala ka pang flowers?" tanong ni Marie na may kasamang hiya"

"Dinadalaw ka. Miss na kasi kita Crush!" sabi ni Jeric sabay binigay kay Marie at bulaklak at nagsimula na rin umingay ang mga tao dahil sa kilig.

Makikita ko naman sa mukha ni Mare ang kilig at kasiyahan. Siguro nga may gusto rin siya dun. Hayyy... Pagsubok nanaman ba? Bahala na.

Umalis na yung lalaki at nagsimula na rin ang class namin. Umiikot ang aking isip. Siguro masasabi kong lutang ako. Habang nagmumuni-muni ako kinulit naman ako ni Geika.

"Ilang kilong shabu tinira mo?" tanong niya habang kinukulit ako.

"Anubayan! Ilang ulit ko na bang sinasabi sa'yo na di ako gumagamit ng droga at wala akong pambili!" sagot ko na pagalit pero pabiro.

"Hahaha siyempre joke lang. Ano nanamang nangyayari sa'yo? Selos ka? Akala ko ba di mo gusto si Lim? Eh mukhang nagseselos ka eh? Kung tatanungin mo ko, lamang na lamang sa'yo yung lalaki! Ang pogi niya kasiiiiii!!"

"Baka? Di ah. Sakanya na yun. Wala akong pakialam. Iniisip ko lang yung grades ko ngayong 2nd Grading." palusot ko.

"Sus! Mukha mo. Bahala ka na nga diyan" tinigilan na rin ako ni Geika at nanahimik.

Tapos na ang klase at naisipan kong makipagkita kay Rosaline at tinext ko siya. Agad naman siyang sumagot at sinabi ko kung saan kami magkikita.

Nag-abang ako sa Starbucks. Ayun nga dumating na rin siya.

"Hi! Gumaganda ka ah!" bati ko.

"Ganun ba? Thank you!"

"Siyempre Joke lang! Hahaha" biro ko.

"Hmmmm! Ikaw talaga! Oh siya, bakit ka nagpatawag ng General Meeting?" tanong ni Ros.

"Ah kasi may gusto lang ako itanong sa'yo. Ano nang gagawin ko? May karibal na ako kay Marie na matibay. Perfect Man ko siyang matatawag." tanong ko?

"Una sa lahat at sa kahuli-hulihan, kailan ka ba aamin? Baka maunahan ka niya. Yan lang ang itatanong at sasabihin ko sa'yo ngayon." paliwanag niya.

"Ahh.. Yun nga eh. Di ko pa kaya. Baka maraming magbago. Mas okay na siguro na huwag muna. Siguro naman di sasagutin ni Marie yun."

"Bahala ka. Desisyon mo yan. O siya, aalis na ako. May pictorial pa ako mamaya." nagpaalam na si Rosaline at umuwi na rin ako sa aming tahanan.

"Nak, anong nangyari sa'yo? Bakit balisa ka?" tanong ni Mama.

"Wala ma, gutom lang ako" sagot ko at tuluyan na akong pumasok sa aking kwarto.

"Ano bang kailangan kong gawin? Aamin na ba ako? Hayyyy di ko na talaga alam!" isip-isip at biglang nag ring ang aking cellphone.

*Marie Lim...Calling...* Accept or Deny?

Call Accepted

*Conversation*

J: Hello. O, bat napatawag ka?

M: Ah. Gusto ko lang ng kausap. Ang gulo kasi ng isip ko eh.

J: Ahh ganun ba? Ano bang problema mo? Baka matulungan kita.

M: Kasi. Di ko maintindihan. Di ko maturuan sarili kong magmahal. Pero sa tingin ko meron talagang deserving para sa akin.

J: Nakakatawa ka naman. Di ko iisiping senti ka rin pala minsan no? Sino ba yan? Si Chinito?

M: Oo. Shhh wag kang maingay ah. Pagkakatiwalaan naman kita diba?

J: Oo naman. Ito sagot ko, kung mahal mo talaga ang isang tao. Alam mo na siguro ang sagot diyan. Ikaw ang babae. Ikaw ang may karapatan para pumili ng desisyon. Basta payo ko lang, kung gagawa ka ng desisyon, mag-ingat ka kasi baka sa huli mapahamak ka lang at masaktan.

M: Salamat Jamir. Baka mahuli pa ako ni Mommy na may kausap sa phone.

*Phone Conversation Ended*

Boom Saket! Boom Panes! Moom Manes! Broom Walis! Ewan ko kung anong nararamdaman ko ngayon! Ito na ba yung sakit? Wow! Nararamadaman ko na nga siya. Ito pala yung sinasabi nila na. "May mahal na yung mahal mo pero hindi ikaw".

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, nakatulog na lang ako bigla. At biglang may pumasok sa akong panaginip.........

*Panaginip*

"Kamusta na, aking alagad?" tanong ng isang lalaking weirdo ang suot.

"Oh ikaw pala! Kapitan! Eto, nakakaramdam na ng sakit pero patuloy pa ring nag-aabang gaya ng sabi mo" sagot ko.

"Alam mo, pagsubok lang iyan. Eh kung maging sila man, tingin mo tatagal sila? Hmmm... Ewan ko na lang! Kapag naging sila, tandaan mo ang ABANGER CODE #27 "Keep Calm at Abangan mo sila Mag-break" o ayan ang mapapayo ko sa'yo" paliwanag niya.

Agad naman akong nagising dahil sa alarm clock kong walang tigil ang pag-iingay. Bagong araw nanaman. Pagsubok nanaman ang aking haharapin......

The Adventures of an AbangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon