Chapter 4: First Move

263 11 4
                                    

"Kung may pagkakataon, huwag na huwag mo itong sasayangin"

-Ka Rodwin

Ilang linggong regular classes ang lumipas. Busy nanaman ang buhay ko! Aral-Laro-Aral-Laro. Ganyan ang buhay ko. Sayang din kasi yung scholarship ko sa Varsity. Kasi 50% scholar ako sa Academics at 50% naman sa Varsity kaya wala nang pinoproblema mga magulang ko sa tuition.

Siyempre sa isang school hindi mawawala ang mga clubs. Maraming clubs sa school namin. Iba-iba! Merong mga di pangkaraniwan na matatawa ka na lang tulad ng "Heartthrobs Club", "Dota Club" atbp. Meron ding Journalism, Photography, Arts Club. Siyempre may mga clubs sa bawat subject.

Kumandidato akong President ng Mapeh at Filipino. Dun lang talaga ako interesado kasi dun ako magaling. Pinakilala na yung mga kandidato. Ang dami! Nakakabored. Pero nung tinawag si Marie. Nag-slow motion nanaman yung paningin ko *lagi na lang*. Kumandidato siya bilang Vice-President ng AP Club at PRO ng Mapeh Club.

Sa di inaasahang pangyayari bigla niya akong tinawag. Lumingon naman ako kaagad dahil alam ko na yung boses niya. Eh sino ba namn makakalimot sa boses na parang sa anime. Hahahaha

"Jamir Mendoza! Uyyy!" sigaw ng isang babae

"Uyy ikaw nanaman. Si Careless Girl!" pang-asar ko sa kanya.

"Che! Uyy favor naman. Ngayon ang ako makikipag feeling close! Hahahaha chos."

"Sige! Ano ba yun? Ok lang yan. May bago na akong friend. My Careless Friend. Hahaha"

"Nang-aasar ka nanaman eh! Uy sabihin mo sa mga 4th year iboto ako."

"Sus yun lang naman pala eh. Sige! Walang problema! Alam ko namang magaling ka eh. Basta sabihin mo din sa kanila na iboto ako ah." sabi ko

"Sus nambola ka pa! Okay sige! Thank you :) Alis na ako. Punta pa ako sa room eh. Thanks ulit." sabi niya at tuluyan na siyang lumisan.

Bakit ganun? Bakit iba ang tibok ng puso ko? Hindi ko alam kung bakit ganito? Inlove na ba ako? Ewan ko. Hindi ko pa rin alam ang sagot.

Tapos na ang botohan. Sinabi na ang mga nanalo sa bawat club. Nanalo naman ako sa mga kinandidato ko. Ganun din si Marie. Bigla akong napangiti noong nalaman ko na ka-club ko siya sa Mapeh. Ayan nanaman ako! Hahaha. Nanalo din iba kong classmates. Ang President ng Heartthrobs Club ay kaklase ko. Si Robin. Pangalan pa lang matikas na. Pero hula ko napagtripan lang talaga yun iboto. Hahahaha *sama ko*

Nagkasalubong kami ni Marie. May kasama siya. Tas biglang ngumiti sa akin. Sinure ko na sa pagkakataong yun kung ako na talaga yung ningitian niya. Oo nga, ako na talaga. Ngumiti din ako at napansin ko yung kasama niya sa parang nang-aasar. Hahaha awkward nun.

Pagkatapos ng botohan. Agad na dapat merong meeting ang Mapeh na pinamumunuan ko kasi after a week intrams na agad. Ang pinakahihintay ko!

Agad akong nilapitan ni Mr. Lopez at sinabi na sa Mapeh Room ang meeting namin at tawagin na agad ang mga officers.

Tinawag ko na sila isa-isa at pinatawag ko na lang si Marie kasi di ko siya mahagilap.

Nagsimula nang magsalita si Mr. Lopez sa mga kailangang gawin at ako naman ang sumunod.

"Ako nga pala si Jamir. Ang President ng Mapeh Club. Ang gusto ko lang naman eh kahit di tayo perpekto basta matiyaga tayo sa trabaho. Okay na yun!" pagpapakilala ko.

"*woooooooo* lupet niyo talaga Kuya Jamir!!" bati ng mga officers.

"Hahaha salamat. Ito yung mga plano natin" pasalamat ko sa kanila at nagsimula sa kaming magplano.

Bigla namang sumingit si Mr. Lopez at mayroong sinabi.

"Kailangan na natin ng mga designs para sa stage, shirt etc. Sino marunong dito?" tanong niya.

Di na lang ako nagtaas ng kamay kasi tinatamad ako. Nagtaas ng kamay si Marie. Sa isip-isip ko. "Tignan nga natin kung magaling to mag-drawing"

"Sir, sa mga graphic designs papaturo na lang ako kay James. Mahusay yun sa Photoshop." sambit ko para mabasag ang katahimikan

"Okay! Dapat gandahan natin ang intrams natin ngayon ah! We should work as a team! Okay! Dismissed!" bati ni Mr. Lopez

Nagsialisan na kami sa Mapeh Room at bigla naman akong naglakad loob na lapitan si Marie at marami akong tinanong. Sinabayan ko siyang maglakad papuntang room.

"Careless Girl!" tawag ko.

"Huwag mo kong tawagin ng ganyan! May Pangalan ako!" sagot niya na medyo naiinis.

"Ayyy sorry naman. Uy! Patingin naman ng mga works mo sa designs and drawings. Di lang ako nagtaas ng kamay kanina kasi gusto ko na may ibang gumawa para dun. Kung di mo alam, marunong akong mag-drawing" paliwanag ko at pinakita ko ang mga artworks ko sa aking tablet.

"Ang papanget naman niyan! Hahahaha joke. *sabay nilabas tablet niya at pinakita niya artworks niya* Eto oh. Pagpasensiyahan mo na. Mga ewan na drawing lang yan." sabi niya.

"*Sa isip* "Wow! Grabe. Parang professional na tong taong to. Ang galing! Grabe to." Ang gaganda ah. Sige. Okay na :) Salamat."

"Bakit mo naman tinanong?" tanong niya.

"Wala lang. Tinignan ko lang kung kaya mo."

"Ay wala to! Walang tiwala! Hahahahaha joke."

Naghiwalay na kami ng landas kasi magkaiba ng daan ang rooms namin.

Eh bago pa man kami maghiwalay, nakita kami ni James na di ko naman pinansin. Bigla akong hinarang ni James. Weirdo yung taong yun pero sobrang lupit sa graphic arts. Walang tatalo dun! Representative ng Pilipinas yun sa Adobe Youth Voices. Bigla naman akong kinausap ni James

"Nakoooo Jamir! Mga galawan mo ah. Nakakahalata na ako sa'yo." pang-asar ni James.

"ULOL! Wala lang yun, trabaho lang yun. Para sa intrams. Uy pre. Kailangan ko ng supernatural powers mo! Patulong sa tarpaulin designs at t-shirt designs." pagrequest ko sa kanya.

"Sige. Yakang-yaka ko yan! Pero pre patulong din! Weird to pero patulong!"

"Ano yun?" tanong ko.

"Tulungan mo naman ako kay Jessica." sambit niya.

"HAHAHAHAHA! Ikaw pala tong inlove! Oo sige alam ko namang simula 1st year crush mo na yun pero sobrang torpe mo!"

"Salamat pre. Parehas lang tayo. Mga alagad ni Torpe Lord. Hahahaha" biro niya.

Pumasok na ako sa room. Mag-uuwian na rin kasi. Pagpasok ko sa room parang pinagbubulungan ako ng mga kolokoy. Takte tong mga to. May plano nanaman sa akin.

"WOOOOOOO! I welcome po natin ang bagong loverboy ng ating section! Jamir Mendoza!!!!" sigaw ng mga kolokoys.

"Ulol kayo! Bayabas! Trabaho lang yun ah." paliwanag ko.

"Sussssssss!"

"Manahimik nga kayo!" sigaw kong pabiro.

Sakto namang nag bell at nag-uwian na rin. TGIF! Friday na. Umuwi na ako sa bahay namin pero dumaan muna kami sa lagi naming kinakainan.

The Adventures of an AbangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon