Chapter 24: Sulat

69 4 5
                                    

"Nawawala, bumabalik! Heto nanaman"

-Gary V.

Bagong araw, bagong pag-asa. Oo nga pala, retreat na namin bukas at siyempre kapag may retreat may mga palanca letters.

Masaya ako kasi may mga nagbigay na sa akin nung mga nakaraang araw. Mga taong pinahalagahan ako.

Last period na. Nauna na akong umakyat sa room kasi nakakatamad nang tumambay sa canteen kasi maingay.

Pagdating ko sa room may papel na nakalagay sa desk ko. Nagulat ako kasi unang beses nangyari sa akin yun. Walang nakalagay sa cover ng papel. May kutob na ako kung kanino galing yun.

Pagkabukas ko..... Galing lang pala kay Mr. Muto. Yung coach namin sa Basketball team.

Umasa nanaman ako. Umasa nanaman! Sige na, ako na tanga. Lagi naman ganito.

Lumabas na ako ng room at umuwi na dahil tinatamad talaga ako.

Pagkauwi ko sa bahay, binuksan ko yung bag ko, kinuha ko yung Physics book ko kasi may assignment kami.

Nagulat ako kasi may nakaipit na papel dun sa book. Agad kong binuksan at nagulat na galing pala kay Marie yung sulat na yun. Kaya agad kong binasa

*LETTER*

Dear Jamir,

Kamusta na? Matagal na tayong di nagpapansinan at nag-uusap. Una sa lahat, thank you sa lahat ng bagay na itinulong mo sakin. Yung nandyan ka lagi para sa akin kahit na minsan sobra-sobra na yung pagtulong mo sa akin.

Jam, Sorry talaga kung nasaktan kita. Gusto ko sanang magpaliwanag sa'yo pero alam kong ayaw mo rin akong kausapin. Kaya sa letter na ito, sasabihin ko na ang gusto kong sabihin sa'yo. Jam, wala talaga akong feelings sa'yo ngayon eh. Friends lang talaga turing ko sa'yo. Pero kung makakapaghintay ka after kong mag-aral at nakatapos na ako, meron naman chance. Jam, hintayin mo ko.

Jam. SORRY sa lahat ng sakit na pinadama ko sa'yo. Sana maintindihan mo ko. Jam, malalaman mo rin talaga ang tama sa takdang panahon. MAGHINTAY ka lang.

Ayun lang. Good Luck sa College ah! Sana maging masaya ka at matupad ang pangarap mong maging Air Force.

-Marie

*END*

Grabe. Hindi ko mapigilang maiyak sa nabasa ko. Naghalo-halo na ang sakit at tuwa sa aking puso at isipan.

Di ko kayang isipin na nakagawa ako ng mali dahil hindi ko siya inintindi. Marami akong nagawang mali.

Maghihintay pa ba ako? Ang tagal pa nun pero parang sinasabi ng puso ko na kaya ko yun at sandaling panahon lang iyon....

The Adventures of an AbangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon