Chapter 3: Naguguluhang Puso at Isip

175 12 4
                                    

"Unang tingin pa lang tinamaan na ako, at sa ganda ng iyong ngiti ay nabihag mo ako"

-Kislap (Kamikazee)

6:00 PM, Bahay

"Maaaaa! Andito na ako" sigaw ko kay mama at ako ay nagmano.

"Kamusta First Day?" tanong niya.

"Ganun pa rin. Wala namang pinagbago"

"Ay ganun. Sige magpalit ka na ng damit mo at magpahinga ka na."

Nagbihis na ako at dumiretso na ako sa bat cave ko. Hahaha! Kwarto ko. Mukhang bat cave kasi kwarto ko. Di naman sa madumi. Pinasadya talaga yung disenyong ganun kasi idol ko si Batman hanggang ngayon.

Makikita sa kwarto ko yung mga awards kong nakadisplay, mga Sapatos na sandamukal. Collections ko kasi yun. Meron ding drawing table, pinakapaborito kong place sa kwarto ko dahil halos araw-araw akong nagdadrawing ng kung ano-ano. Meron ding TV, PC, at iba pa.

Maggagabi na nun pero di pa rin ako makatulog kaya nag-isip ako kung anong pwedeng gawin. Naisipan kong magbukas ng Facebook at Twitter. Minsanan lang ako magbukas ng mga ganyan kasi wala naman ako masyadong tinitignan. Puro panonood lang ng anime ang pinaggagamitan ko sa PC.

Ganun pa rin laman ng facebook at twitter, mga selfies na punong-puno naman ng filter at effects, mga taong Famewhore, mga madramang tweets na pwedeng ikwento kay Charo Santos at marami pang iba. Bigla kong naalala yung babaeng tinulungan ko kanina. Marie Lim nga pala yung pangalan niya at dali-dali kong sinearch.

Nakita ko naman agad siya kasi maraming mutual friends. Siya nga siguro yung Marie Lim dati. Pinuntahan ko yung profile niya. Di naman niya picture nakalagay. Mga anime characters *Otaku to panigurado* at bigla naman akong nalungkot kasi private account niya *awwww!* Di ako makakapag-stalk. Hahahahaha!

Naghanap din ako ng Marie Lim sa Twitter pero wala. Hindi siya siguro interesado sa twitter. Sa walang magawa, nagtweet na lang ako.

Jamir Mendoza @JamMend_ :
"I think I found the perfect one"

Paglipas ng ilang minutes, ang dami na ang nagfavorite at nag-react! Grabe parang gulat na gulat tong mga to sa tweet. Marami nagsabi na Inlove na daw ako at ngayon lang ako nag-tweet ng mga ganyan. Sinagot ko naman sila na kanta lang iyon at walang malisya.

Biglang parang tumigil nanaman ang oras at napaisip nanaman. Inlove na ba talaga ako? Di pwede! Di maari to. Naguguluhan na ako! Ano na ang dapat kong gawin? Kapag pinasok ko ba to may mapapala ba ako o masasaktan lang. Ewan ko! Hindi ko pa alam ang sagot sa ngayon.

Nagpasiya na akong matulog kasi gabi na rin at wala na rin akong ginagawa kasi wala pa namang mga sandamukal na homeworks.

*sleep sleep sleep sleep sleep*

*In Dreams*

"Nasaan ako? Hello! May tao ba dito. Bakit ako nandito?" tanong ko.

"Wag kang maingay!!!! Wag kang mag-alala. Hindi kita sasaktan. Mas nais lang akong sabihin sa'yo." sigaw ng isang misteryosong lalaki.

"Ano yun? At sino ka?!!! Magpakita ka!!!" sigaw kong halatang naiinis.

"Ako si Kapitan Friendzoned!" sigaw niya at lumabas na naka-costume pang superhero. Kulay orange na mukhang tanga.

"Ha? Nakakatawa naman pangalan mo. Hahaha! Anong kailangan niyo sa akin." paghamak ko sa kanya.

"Gusto ko lang imulat ang iyong isip sa katotohanan. Jamir, alam kong may crush ka na."

"Wala ah!"

"Wag mo na itago! Alam ko ang lahat ng yan. Payo ko lang sa'yo na wag na wag kang aamin sa kanya dahil may mangyayaring di mo aasahan. Kaya kailangan mo lang maghintay. Isang salita ang iiwan ko saiyo, kailangan mo maging isang ABANGER!" payo niya sa akin.

"Ano yung abanger? Katunog ng Avengers ah! Magiging superhero ako?" tanong ko na may pagtataka.

"Tungaw! Di sa ganun. Ang ABANGER ay isang taong kayang maghintay ng habang buhay para lang makuha nila ang kanilang pag-ibig."

"Ayy ganun *!38:!.!/&/@Djejxb*"

Phewww! *Nagising*

Grabe naman yung panaginip na iyon! Di ko kinaya! Hahaha! Umaga na pala papasok nanaman ako sa school. Siyempre, maliligo, magbibihis at papasok nanaman ako sa school.

Dali-dali akong nagpaalam kay Mama kahit maaga pa. Kinasanayan ko nang pumasok ng maaga kasi wala lang. Trip ko eh!

Habang nakasakay ako sa tricycle, may naisip ako bigla. Napatanong ako bigla sa aking sarili, "Ano ba yung panaginip na iyon? Parang nagpapahiwatig." Sinabi niya na huwg na huwag akong aamin at maging isang ABANGER! Hahaha. Sus! Parang di nanan kapani-paniwala yun. Tsaka wala naman talaga akong crush. Bigla akong nautal at napaisip, "Wala ba talaga akong crush? EWAN KO!"

Nakarating na rin ako sa school. Second Day, Subject Orientation naman

The Adventures of an AbangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon