The one that got away

1.3K 17 0
                                    

note: sorry if lame, nasulat ko to ng eksaktong alas tres ng umaga lol~~~~~

Tricia's POV

the one that got away, also known as TOTGA. meron ako niyan at sobbra akong nagsisi na hindi ko kaagad ipinakita sa kanya ang nilalaman ng puso ko. it all started long time ago, my childhood days to be exact, hindi ko na sasabihin ang year.

~ "hoy tricia! ano ba yan! 8 ka na pero barbie padin yang suot mo?!" pangbubungad sa akin ni Kent, kaklase ko siya at naka tira siya sa tapat ng bahay namin. pareho na kaming nasa grade 3 kahit na mas matanda siya sa akin. isang taon lang naman. kilala na namin ang isa't isa mula pa magkaroon kami ng isip.

kahit na mahilig siyang mang asar, mangulit, at mangaway pinagtatanggol niya din naman ako sa mga ibang batang nang aaway sa akin, para lang kaming magkapatid, umaasta siya na kuya kuyahan ko siya, okay lang naman dahil sa dalas niya sa loob ng bahay namin at kain lang ng kain siguro hindi na siya kilala ng mga kapatid niya sa kanila.

"okay nang barbie! kesa naman diyan sa suot mong astro boy!" pangbabawi ko sa kanya. buti pa nga si barbie maganda ganda eh si astro boy? 

"tara na nga! late na tayo!" tignan mo to, pikon naman. hindi na ako sumagot at baka mapagalitan na kami ng titser namin. oo papasok kami nang ganito ang suot, hindi pa kasi uso ang pagsusuot ng uniporme sa barangay. sabay kami laging pumapasok dahil kaya naman lakarin ang papunta sa eskwelahan namin. 

highschool... naging scholar kami sa isang pribadong paaralan, maganda dito, madaming estudyanteng sosyal kaya nga lang trenta minuto ang biyahe papunta doon. katulad ng dati, pag papasok kami laging magka sabay, pero sa canteen hindi na kasi nagkaroon na kami ng sari sariling mga kaibigan, sa paguwi naman, bihira na magkasabay dahil basketball varsity si kent at medyo sumikat na siya, ako naman medyo nakaka blend in naman sa mga tao. 

si kent, siya yung masasabi mong gwapo na talented pa, typical highschool heartrob, mahirap siyang lapitan dahil baka makalbo ka dahil sa pag aaway sayo ng mga babae.

habang nasa loob kami ng jeep bigla siyang nagsalita.. "tricia, pwede ka bang ligawan?" bigla niyang pagtatanong sa akin. san ba nanggaling yung tanong na iyon? joke ba yon? tatawa ba ako? kahit na hindi naman nakakatawa?

"ako ba e pinagloloko mo Kent Lopez?" tanong ko pabalik na naka taas ang kanang kilay, mag bibiro nalang siya eh sablay pa

"seryoso ako Tricia Robles" sagot niya na naka tingin pa ng diretso sa mata ko at hinawakan pa ang kamay ko. sasagot pa sana ako kaso nga lang..

"Pribadong paaralan ng bayang sta.rosa baba na" sabi ni manong driver kaya naman nauna na akong bumaba, hindi ako naniwala dahil mga bata pa naman kami at wala pa kaming alam doon, wala pa dapat.  ilang araw ang ang dumaan at umaakto siyang parang nanliligaw, seryoso ba siya? dumaan ang bakasyon bago ang pagko- kolehiyo namin at napili kong lumuwas ng maynila at makitira sa pinsan kong si ate inday. nagpilit sumama sa akin si Kent at ilang beses ko siyang hinindian pero katulad ng akala ko ilang araw ang lumipas sumunod siya sa maynila.

pinagpatuloy niya ang pagpapakita sa akin ng pagmamahal niya, hanggang dumating ang huling taon sa kolehiyo ko sa pagtuturismo at sa kanyang pagiging arkitekto, lumuwas siya pabalik ng probinsya dahil ang kapatid niya na si monika ay naka sakit daw. lumuwas siya kahit na masama ang pakiramdam niya, hindi niya iyon sinabi sa akin pero nahalata ko dahil sa biglang pagbagsak ng timbang niya. dala dala niya ang lahat pwera lang sa bulaklak at tsokolateng iniwan niya sa tapat ng pintuan ng kwarto ko na may sulat na nagsasabing "iniirog kita palagi aking prinsesa" nang sumunod ang ilang araw palagi kaming magka telebabad minsan ng nakaka tulugan ko siya dahil sa sobrang pagod

nang dalawang buwan nalang bago ako matapos nahinto ang pagtatawagan namin, sinubukan kong tawagan siya nang paulit ulit pero ni isang beses hindi siya sumagot.

sa mga panahong iyon nalaman ko at naamin ko sa sarili ko na mahal ko na nga siya. 

habang nakahiga sa kama ko at naka tingin sa diploma ko at sa larawan ko at hindi na ako makapag intay na umuwi kinabukasan at ipagmalaki kina mama at papa na ang nagiisa nilang anak ay nakapag tapos ng summa cum laude sa unibesidad ng pilipinas. 

maya maya lamang biglang tumunog ang teleponno ko at naka tanggap ng hindi inaasahang tawag galing kay monika na kapatid ni kent. nang sabihin niya ang balita naawala ang ngiti sa aking mukha at para bang pinagbagsakan ako ng lupa dahil sa sinabi niya. 

~~~ heto ako ngayon nasa 20's na at malapit nang maging 30's, isa nang FA sa PH air at wala nang balak pang magmahal muli.

taon taon akong nagdadala ng bulaklak para ilapag sa isang lapida, na aking nililinis ngayon.

ang lapidang iyon ay may naka ukit na "Kent Denver Lopez". ang aking pinaka mamahal, ang aking "the one that got away".

Oneshot story compilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon