Intramurals

632 12 3
                                    

Coleen's POV

Intrams na naman, wala na naman gagawin, free time. Pero pagka tapos tambak na projects and assignments ang ibibigay sa amin. Hay nako.

"Coleen! Si Acorn oh!" Sigaw ng bestfriend kong si Annie. Ang bibig talaga nitong babaeng to napaka lakas.

Pinandilatan ko siya ng mata dahil halos lahat ng tao dito sa cafeteria ay nilingon kami, nako naman eh halos lahat eh mga senior students, mga ka batch ng Acorn ko. Oo, acorn as in oak nut.

"Oh  bakit ang laki ng mata mo? Joke  lang naman yun eh wala naman dito si Acorn Dallas!" Oshi— minsan talaga napapaisip ako kung kaibigan ko ba talaga to eh, nanlalaglag eh.

Magsasalita pa sana ako kaso biglang may grupo ng lalaki ang dumaan sa harapan namin. Ang tropa ni Acorn.

"Hi Coleen" bati nila na sabay sabay na mapang asar. Ano to? Choir? Kailangan sabay sabay?

Hindi ko na sila pinansin dahil malamang sa malamang aasarin lang nila ako.

"Tara nood tayo volleyball" yaya sa akin ni Annie, sa wakas may magandang lumabas sa bibig niya. Thank god naman.

At dahil ang gym ay medyo malayo napagpasyahan naming dumaan sa bridge, ito ang shortcut papuntang gym, library, at ng guidance.

Paakyat palang kami ng hagdanan rinig na namin ang sigawan ng mga nanonood, intense ata ang laro ngayon ah.

Pag dating namin sa harapan saktong si Katie na ang magse serve, isa siya sa tropa ko, talented yan at sobrang ganda, kaya laging muse eh.

nakiki sigaw ako kasabay ng mga ibang manonood, grade 10 v.s. grade 11 kasi. Grabe ang galing namin! Este ng grade 10. 13 lamang namin sa kabilabg grupo eh.

"Uy si Acorn oh" ang lakas talaga ng tama nitong si Annie lagi nalang ako pinagti tripan. Pero dahil uto uto ako naniniwala naman ako.

Pagtingin ko sa kabilang team, andun siya, sa corner na naka cross arm pa, nakatingin siya sa akin agad ko namang naramdaman na naginit ang pisngi ko.

Binalewala ko yun at ibinalik ang tingin sa game. Natapos ang 1st game nanalo kami, ang sakit na ng lalamunan ko kaka cheer sa kanila grabe.

At dahil nagugutom na ako at icecelebrate namin ang first win nila katie at take note libre daw niya, himala diba.

Kung anong inoffer sa akin ni katie hindi ko tinatanggihan at tuloy tuloy ang pag nguya, nauna nga akong nagsimula ako naman ang huling natapos.

"Grabe sulit yung bayad ko haha simut lahat oh" sabi ni katie na tumatawa at naka turo pa sa mga plato ng ulam na akala mo mga bagong higas dahil hindi talaga ako nagsayang ng pagkain.

Ako ang huling naglakad papunta sa lagayan ng mga gamit na mga kutsara at tinidor. Nakangiti ako na naglalakad dahil masaya ako na nabusog ako.

Pagkalagay ko ng pinagkainan ko biglang may yumakap sa akin mula sa likuran, bahagya kong nilingon kung sino man yun, at nakita ko si Acorn na naka ngiti. Anong meron? Bakit nanlaladi tong crush ko?

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya, dahil sigurado ako na hindi niya gagawin to kung wala siyang kailangan.

"Grabe naman bawal manyakap?" Tanong niya na biglang sumimangot, aww so so cute baby.

Tinapik ko ang kamay niya para umalis sa pagka yakap, ang arte naman netong lalaking to!

"Coleen laban ko na mamaya"sabi niya, invitation ba to? Sa basketball game niya?

"Gusto mo akong manood?" tanong ko dahil baka naman nagyayabang lang to tch

Sunod sunod siyang umilin, oh kuta mo na? "abong gusto mong gawin ko?" Tanong ko at nagpamewang pa

"Wag ka na manood baka hindi ako makapag focus, goodluck hug at kiss nalang" sabi niy pa, paano hindi kiligin?

"Tse korang kota ka na ah! At anong kiss ka dyan bakit ano ba kita?" Tanong ko pero hindi siya sumagot at bigl nalang akong hinalikan sa pisngi at tumakbo na papalayo.

What was that? Please dont wake me up if this is a dream.

Oneshot story compilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon