Central Chicken

3.6K 36 9
                                    


Kyra's POV

"ate papasok na po ako" bati sa akin ng kapatid kong lalaki nang bumaba siya ng hagdan na naka uniporme na

"oh kumain ka muna" sabi ko habang inilalagay ang niluto kong umagahan sa gitna ng mesa

"sa eskwelahan nalang po ako kakain"

"oh sige magiingat ka ah wag puro babae ang inaatupag" bilin ko sa kanya at bumalik na sa pag aayos ng lamesa

"ate yung ano pala" nag angat lamang ako ng tingin sa kanya

"yung baon ko po" sabi niya habang hawak ang sariling batok

"oh eto" sabay abot sa kanya ng isang daang pesos, nang abutin niya yun niyakap ko siya bilang paalam

ilang sandali lamang pagkatapos niyang maka- alis bumaba na si mama,simula nang mawala si papa ako na ang nag alaga kila mama dahil yun ang pangako ko kay papa.

"hi ma, kain ka na po. kaka alis lang po ni kevin" pnimulang bati ko nang makita siyang nakatayo at naka ngiti sa paanan ng hagdanan

"salamat anak" aniya at niyakap niya ako ng pagka higpit higpit, niyakap ko naman siya pabalik

"ang ganda ganda naman ng panganay ko" sabi niya habang naka ngiting hawak ang mag kabilang pisngi ko

"ma naman, siyempre mana sa inyo eh, maupo na ho kayo at kumain na"

"anak sabayan mo na akong kumain dito"

"di na po ma, nakainom na po ako ng kape kanina, papasok na ho ako sa trabaho" sabi at isinuot na ang bag ko

"mag iingat ka anaak" bilin niya sa akin, sinagot ko naman siya ng tango.

isang sakay lamang ng jeep ay nakarating na ako sa trabo ko, sa Cenral Chicken

tulad ng inaasahan wala masyadong kumakain, sino bang kakain ng manok ng ala siyete ng umaga.

"bes patingin ako ng reservation list" sabi ko sa bestfriend slash co worker ko na si bianca

" oh sige bes este maam" sabi niya sabay halakhak kaya naman tinawanan ko siya

maam ang tawag niya sa akin dahil noong nakaraang buwa napromote ako sa manager,nang matapos kong basahin lahat, tinignan ko ang kaibigan kong nakatingin din sa akin

"sorry bes, nakalimutan ko. nagpareserve siya kaninang ala sais. sayang di mo naabutan" tumango tango lamang ako.

"alam mo dapat umamin ka na bago siya makahanap ng girlfriend"

"ang isang Liam tuazon walang girlfriend? at paano mo naman nalaman?"

"syempre tinanong ko" pagkasabi niya non tinignan ko siya nang masama

"hehe siyempre para sayo yun"

"ikaw ong umayos ayos ka papalakihin ko yang mata mo" pananakot ko sa kanya

mabilis na lumipas ang labing isang oras, pa onti onting dumami ang costumer namin dahil gabihan na. ang oras na naka reserve SIYA.

nang dumating na SIYA parang may isang demigod na naka tuxedo

hindi tulad ng dati, hindi siya kaagad umorder. habang tinitignan ko siya naalala ko ang sinabi sa akin ni bianca, ngayon alam ko na sa sarili ko na handa na akong umamin

lumingon siya sa direksyon ko at kumaway, wala na akong nagawa kung hindi kumaway pabalik, oo kilala niya ako dahil lang sa ako ang lagi niyang nakakausap dito.

Oneshot story compilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon