Mallows

555 6 0
                                    

Maddie's POV

"Mallows! Let's go" sabi ko na naka luhod sa sahig na may hawak na collar.

Nung una ayaw niya akong pansinin, pero nang alugin ko ang collar niya at pinatunog ang bells nito tumakbo siya papalapit sa akin at dinamba ako at dinilaan ako sa mukha.

"Mallows! Stay" saway ko sa kanya, ang laki laki na niya eh feeling maliit lang? Ikaw ba namang damnain ng isang golden retriever jusq naman di ba?

Nang mailagay ko na sa kanya ang collar tumakbo na siya tungo sa pintuan na hila hila ako, baliktad di ba?

Pagbukas ko sa pinto tumakbo na siya papalabas, ako naman hirap na hirap na ilock ang pinto dahil nahahatak niya ako.

Pagdating namin sa park nag pa gulong gulong siya sa damo. Naupo ako sa isang bench, habang si mallows ay naglakad lakad malapit sa akin dahil mahaba naman ang leash niya.

Hindi na nakakahinga yung kamay ko kaya niluwagan ko nalang kung pagka tali kaso nang itatali ko na ulit biglang tumakbo si Mallows papa layo kaya nabitawan ko ang tali.

Hinabol ko siya nang huminto siya napa hinto din ako dahil inaamoy amoy niya ang legs ng isang lalaki at.... umihi siya sa legs nung lalaki. Hala! Patay tayo diyan!

Nung una hindi niya napansin dahil busy siya sa phone niya, maya maya bigla niyang tinaas ang ulo niya then tinignan si Mallows.

Buong akala ko papagalitan niya at sisigawan niya ang aso ko pero hindi dahil hinawakan niya pa at naka ngiting kinausap si Mallows.

Dahan dahan akong lumapit sa kanila.

"Excuse me sir, i am really sorry. Kung gusto niyo po ako nalang po ang maglalaba ng pants niyo" sabi ko dahil nakakahiya naman dahil mukha pa namang mayaman ang lalaking to.

"So you're the owner of this dog" sabi niya nang hindi manlang tumitingin sa akin at patuloy paring nilalaro si Mallows.

"Yes sir" sagot ko naman

Napaatras ako ng bigla siyang tumayo then onti onting humarap sa akin. Shocks. Ang pogi!

"M-maddie?" Gulat na tanong niya sa akin nang makita niya ako

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko naman dahil hindi ko naman siya mamukhaan.

"Well, back in highschool i gave you a bouquet of roses anonymously but you didn't even bother to ask who am i" paliwanag niya. Joke ba to? Roses? Oo may natanggap ako. Pero bakit niya ako bibigyan?

"Naging classmate ba kita?" Tanong ko dahil hindi ko talaga maalaa kung sino siya.

"I am a year older" simple niyang sagot.

"Uh so lalabhan ko ba yung pants mo?" Tanong ko dahil ang awkward nito.

"Hindi mo ba tatanungin kung bakit kita binigyan ng bulaklak?" Tanong niya sa akin

"Fine. Bakit?" Sagot ko naman

"I was crazy. And am still crazy. Its funny that you don't even know me but here i am9 years later still in love with you" sabi niya. Wow ah. Straight forward masyado!

"And no you dont need to wash these. Just let me court you" pahabol niya pa.

"Seyoso ka ba? Hindi nga kita kilala eh" sabi ko naman

"Marco Monreal, your suitor" sabi niya then naglahad ng kamay na tinanggap ko naman.

"Pumapayag ka na?" Tanong niya then tumango naman ako

Ano namang mawawala di ba?

Ang swerte ko naman kung papaano dahil pag naging kami ang gwapo pala ng first boyfriend ko!

Oneshot story compilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon