Magical

758 13 0
                                    

warning: childish chapter, napanaginipan ko lang. ++ sabaw

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Shane's POV

ano ba yan! family reunion na naman! nandito ako ngayon naka upo, kumakain magisa sa lamesa. sila mama kasi nagdadaldal na don. onti palang kami dahil maaga pa, excited kasi si mama masyado jusko! narinig ko ang sabay sabay na hintuan ng mga sasakyan at pagpasok sa pinto. ayan na! ayan na ang mga monsters!

"shane! iha! wala pang asawa?" "nako shanaia! anong petsa na?" "ano? wala pang nobyo?" "couz! kelean pa?""tita wala pa ba akong pinsan?" ayy jusko! chill lang fam! masyado naman silang atat! bata pa ako.

"ang ganda mo naman shane!" ayy thank goodness! the best to si tita

"hehe thankyou po, kayo din po tita" sabi ko pabalik, dapat humble siya lang ang bumati sa beauty ko noh. "kelan ka magaasawa?" anak ng! inexcuse ko yung sarili ko, ngiti dito, ngiti diyan. "washroom lang po" paalam ko at ngumiti ng malaki. yung abot mata. pero pagtalikod ko yung mukha ko nagtransform yung para bang asim na asim sa kinain. kainis kasi, pilitan ba? eh wala pa akong nakikita eh, gusto ko kasi yung matagalan na. yung husband material or yung naka tadhana sa akin. 

"ma, alis na ako, work" paalam ko kay mama atsaka tumakbo papalabas. may nakita akong simbahan, tinignan ko ang damit ko. okay naman jeans, tshirt, at runners. kaya naman pumasok na ako para magdasal mabait naman ako eh at pala dasal kaya siguro na traffic si the one ko. 

"Lord, please po sana po dumating na si the one" bulong ko sa kamay kong magkadikit, naka luhod kasi ako. ang desperada noh? i'm not getting any younger. and 27 isn't young. 

heto ako naglalakad sa gilid ng simbahan, magisa. kelan ba kasi dadating si Mr.right? ayooko namang tumanda magisa.

sa mcdo, na magisa na naman. it's very unusual kung may lumapit sayo diba? pero sa kaso ko nagiintay ako. etong lamesa ko parang ako lang, magisa sa sulok. 

may lumalapit sa akin lalaki. gwapo, at body.... ooh lala "miss are you by any chance shane?" tanong niya na nahihiya, at hawak pa niya ang batok niya.

"how did you know?" tanong ko naman, baka trip to ng kakilala ko or baka naman scam? or stalker siya. mahirap na. 

"well nagpa hula ako sabi sa akin makakatuluyan ko ang isang babaeng naka suot ng oasis shirt at shane ang pangalan" sabi niya. ano to joke? and once again inexcuse ko ang sarili ko at umalis na ng tuluyan, sayang naman may iilang subo pa ng kanin ang natira. 

habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng fx may napansin ako, manghuhula. pag apak ko palang ng paa ako  sa loob..

"bat mo siya iniwan?" tanong kaagad ni lolang manghuhula "po?" ako naman, tss pati ba naman si lola? mangloloko? iniwan? sino? eh NBSB ako. 

"sa kainan, bumalik ka don hanapin mo si Ross nasa kanya ang wallet mo" kinapa ko naman ang bulsa ko. shoot! wala nga akong wallet! nginitian ko si lola at tumakbo na.

pagbalik ko "Ross!" sigaw ko. aish bahala na, nakakahiya! ang daming tao. "why are you shouting? andito lang ako" sabi nung lalaking gwapo na nasa gilid ko, siya yung lalaking scammer kanina. i need to know kung totoo. 

"wallet ko?" tanong ko at iniabot niya naman sa akin yung wallet ko, well this is somehow magical. this is just the beginning. that's how it all started.


Oneshot story compilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon