Desi's POV
rivals, magkaaway,magkalaban. yan ang status ng eskwelahan namin. well, wala naman akong pake don eh hindi naman ako ang mayari ng school. ayoko lang dun sa rules na hindi pwedeng ganito ganon. pero bilang magaaral sa school of Music hindi pwedeng magkaroon ng relationship kasama ang isang studyante ng School of Arts. bakit sa dinami dami ng pwede kong magustuhan bakit siya pa bakit kalaban pa? pero on second thought okay lang pala. friends lang naman eh kesa naman sa enemies.
"Desi, excused ka na" yes! bumenta yung sakit sakitan ko! tinry ko lang naman, 4 na subject nalang naman eh sisilipin ko lang si Qian maaga kasi uwian nila ngayon, exams kasi. masaya akong bumaba ng hagdan na hawak pa ang dalwang strap ng backpack ko tuloy tuloy ang ngiti ko na naka ngiti pa. palabas na ako ng gate nang makita ko ang sleeves ng blazer ng SOA. hindi ko na yun pinansin at nag tuloy tuloy nalang ng lakad
"yah!" sigaw ng lalaki. boses. kaboses niya si baobei ko. lumingon ako "oh!Qian!" bati ko at kumaway kaso poker face lang siya. oh no! "12 uwian ng SOM?" tanong niya na naka tingin sa relo niya "ah! may sakit ako! oo may sakit ako!" sabi ko. huhu sana bumenta. lumapit siya at hinawakan ako sa noo "tsk tsk" sabi niya na umiiling iling pa "he-he-he" sana naman wag niya akong isumbong
"Choi Desi, how hard is your head?"sabi niya at pinitik pa ako sa noo. ouch! "sorry na Xi Qian" sabi ko na naka hawak sa noo ko. sakit eh. tumawa siya at inakbayan ako. omg. "san tayo pupunta?" tanong ko per tuloy tuloy padin ang lakad niya, huminto kami sa.. karaoke??
"a-ayoko" sabi ko at umiling iling pa "para san pa na applied music students tayo?" tanong niya at hinila ako papasok. after an hour of singing lumabas din kami at hinila niya nanaman ako papuntang.. " star city?!" amazed na sabi ko "dun tayo" sabi ko na tumatalon talon pa "pfft carousel? ano ka? bata?"sabi niya at hinila nanaman ako. huhuhuh RIP arms. "ayaw!" sabi ko dahil nasa tapat kami ng drop tower. ayoko takot kasi ako sa heights. "face your fears Desi" sabi niya at pumasok na sumunod naman ako
dahan dahanh tumaas, pataas ng pataas sobrang pikit ako "Yi, Er, San, Si, Wu, Liu, Qi, Ba, Jiu, Shi" paulit ulit kong bilang na mabilis, rinig kong tumatawa si Qian "ano ka? mangkukulam?" hindi na ako sumagot at dumilatdahil takot na takot na talaga ako.bago kami bumagsak hinawakan niya ang kamay ko, nung bumagsak kami yung mabilis at malakas na tibok ng puso ko lang yung naririnig ko. pagkatapos ng drop tower sumakay kami sa ibat ibang rides
"last one Mi Tang" sabi niya at hinila ako sa Ferris Wheel. Mi Tang! Honey?! What?? at dahil takot ako sa height at shocked pa din ako sa sinabi niya tahimik kami sa loob ng cable ng ferris wheel . nang nasa tuktok na kami bigla niya akong niyakap , good job Qian lalo akong kinabahan.
"wo ai ni mi tang" is this real?? mi tang na wo ai ni pa.
himiwalay ako sa pagkayakap namin hindi para mag pabebe kundi para sabihing
"wo ai ni baobei"