Standee

698 6 0
                                    

Standee

Hindi ko alam kung anong nangyare pero alam kong ayokong tumigil, ayokong mawala ka. kung baliw man ako, ayokong maging normal muli...

tahimik akong naglalakad magisa sa downtown ng Woza City. isa ako sa libo libong taong nandito ngayon at pakiramdam ko ako lang magisa. Magisa, sanay naman ako eh pano ba naman ang lola niyo ay NBSB! no boyfriend since break. Doze band lang ang umiikot sa mundo ko, isa lang akong fan. nabubuhay ako sa pagiging fan ng mga taong hinding hindi ko makikilala in person dahil isa lang naman ako sa milyon milyong tao na may gusto sa kanila, ang saklap maging fan lang dahil nabubuhay ka sa pictures and videos, pati na din sa updates ng ibang fans tungkol sa kanila, galing sa mga fans na nakikita sila, isa akong international fan at ang sakit sakit nun.

habang naglalakad lakad napadaan ako sa isang merch store, bago siguro dahil sa dalas kong gumala ay ngayon ko lang to nakita. pumasok ako sa store na yun, para siyang isang normal na tindahan, nilibor ko ang mga mata ko. halos lahat ng banda meron sila, naisipan kong umakyat ng second floor, doon ko na tagpuan ang libolibong standee ng ibat ibang idols pero isa lang ang umagaw ng pansin ko. isang baguhan na idol dahil hindi ko siya mamukhaan. hindi ko alam kung bakit nakatuon lang sa standee na yun ang pansin ko at hindi sa DOZE. "ate sino po ba 'to?" tanong ko dun sa babaeng naglalakad, sales lady siya sa tingin ko dahil nakasuot siya ng tshirt na may pangalan ng store.

"yan ba?" paninigurado ni ateng saleslady na naka turo sa standee na nasa harapan ko, nginitian niya ako na para bang proud siya sa akin, creepy ah. "model yan, si Kang Myeon" sabi niya pa na parang estudyanteng sigurado sa isasagot sa titser. tumango tango nalang ako habang naka titig sa mga ng Kang Myeon standee na.

hindi masyadong naka porma yung model sa standee para bang basic look lang, tinignan ko sila Kim Jong at iba pang myembro ng DOZE pero para bang desidido na akong bilhin tong model eh kaya naman iyon ang ginawa ko. pakiramdam ko para akong tanga dahil naglakad ako pauwi dala dala ang standee na mas matangkad pa kaysa sa akin.

pag bukas ko ng apartment ko, kaagad kong inayos ang kwarto ko para magkaron ng space na papaglagyan ang bagong bili kong standee. kung iisipin ay hindi naman siya ganon kagwapo pero siya ang type kong lalaki, sana totoo nalang siya para isampal ko siya sa napaka bwisit kong ex at sa mahadera kong kapatid.

nagluto ako ng gabihan ko, hanggang ngayon naninibago padin ako dahil noon kasama ko si Lala, ang kapatid ko. kaming dalawa lang ang magkasama dahil kami nalang ang mayron ang isat isa dahil simula nung namatay si papa ay iniwan na kami ni mama para sa ibang lalaki. si Lala ay mas bata sa akin ng anim na taon. Dati, ako ang taga-luto at siya naman ang tagahugas tinuring ko siyang parang anak dahil 14 palang siya nung naiwan kami. minsan nga ay magmu movie marathon pa kami kasama si Kyle, ang boyfriend ko, para kaming naging magulang ni Lala nuon, masaya kaming tatlo pero ang hindi ko alam ay ang pinakamamahal kong kapatid pa ang aagaw sa boyfriend ko for 15 years. hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko sa kanin at porkchop ko.

nakakabingi, nakakabingi ang katahimikan, tatlong taon tatlong taon na akong ganito, I am just a depressed 26 year old girl na walang direksyon sa buhay. nilingon ko ang wall clock ko, ang wall clock na si Kyle pa ang bumili. 12 AM na pala.. isip ko kaya naman dumiretso na ako ng banyo para magshower. nahiga ako sa ilalim ng makapal kong comforter, maya maya lamang ay tumulo na naman ang mga luha ko, tinitigan ko ang standee na nakatayo sa gilid ng kama ko, hawig ng mga maya niya ang mata ni Kyle.

kung ano ano na naman ang iniisip mo Louise! pagkakausap ko sa sarili ko, pinikit ko nalang ang mga mata ko at pinagdasal na sana bukas wala na ang lahaat ng sakit na sana bukas sasaya na ulit ako. pinikit ko ang mata ko hanggang sa makatulog ako.

nagising ako sa mabangong amoy ng bacon at fried rice mula sa kusina. sinong nagluluto? naisip ko baka guni guni ko lang yon kaya naman tumayo ako at ginawa ang moring routine ko. habang inaayos ko ang higaan ko napansin ko na wala yung standee, pati pala yun panaginip lang. bago ko pa matapos ang pagpapagpag ng kama biglang may kumatok sa pinto, nanlaki ang mga mata ko. Magnanakaw.

Oneshot story compilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon