Sue's POV
"suzette since housemates na tayo, let's play a game, isa lan ang rule" sabi ni Clyde na para bang isa five year old na nakikipaglaro sa akin. game?ano kami? mga bata? eto talagang lalaking to puro kalokohan ang naiisip!
"una sa lahat Clyde, i pefer Sue ang itawag mo sa akin, wala nang tumatawag sa akin ng Suzette. pangalawa, laro?! bata ka ba?" tanong ko sa kanya at saka siya buong pwersang batukan
"aray naman! wala na bang pangatlo?" pamimilosopo niyang sagot na naka hawak pa sa batok niya arte arte kalalaking tao. sasagot pa sana ako kaso may pahabol pa pala siya
"wag ka ngang KJ suzette, simple lang naman yung laro eh. ang rule lang naman ay walang private spave, no locked doors, pero siyemmpre except sa gate at ain door. kung susuko ka na kailangan mo nang umalis sa bahay na to, atsaka we will act as a married couple and call each other babe" sabi niya pa, kalokohan nga! baliw na ata siya. kailangan ko na bang tumawag sa mental hospital?
magrereklamo pa sana ako kaso hindi pa pala siya tapos.
"except infront of each other's friends" tss as if, nakakahiya naman noh! siya as my-- eww! at ako pa talaga ang ikinahihiya niya? baliw nga siya. nawawala na talaga siya sa katinuan.
"ano namang benefit niyan sa ating dalawa? sa akin?" tanong dahil ni isa wala akong maisip, baka naman nagte take advantage lang siya sa akin? sa gamit ko? o baka naman gusto niyang gumanda katulad ko?
"magiging close tayo, less war" simple niyang sagot na may matching wide smile pa. kahit ako nagulat, hindi ko ito inaasahan, hindi ko alam pero nasabi ko ang katagang hindi ko inaakalang masasabi ko
"deal" yang ang isang salitang lumabas sa bibig ko na para bang may sariling utak tong bibig ko.
"yehey! wooh!" sigaw niya at tumalon talon pa sa sofa na naka taas pa ang dalawang kamay, kung makikita niyo siya para siyang isang batang niregaluhan ng maraming candy.
araw,linggo, at buwan ang lumipas. katulad ng sabi niya, nag laro nga kami ng walang kwentang laro niya.
"babe! penge shampoo ah!" sigaw niya na para bang ilang bundok ang layo namin sa isa't isa. naglalakad siya patungong CR na naka tapis lang ang ibabang parte ng katawan niya, hindi na ako naiilang dahil sa araw araw ba naman na ginawa ng diyos ay ganito kami
"babe yung blue lang ah wag yung pink hindi pa bukas yun ubusin muna nating yung blue" sagot ko naman, ewan ko ba at nasanay na ako na tawagin siyang babe, parang wala lang sa amin, sa akin, kumportable akong ganon.
hindi ko namamalayan na bumibilis ng bumibilis ang tibok ng puso ko na para bang tumatakbo ako ng sobrang bilis at nakikipag karerahan, mablis ito. nahuhulog, nahuhulog ng sobrang lalim, nahuhulog na ako sa isang taong hindi ko inaasahan.
kinuha ko ang pera na pang bayad ko sa renta at inistapler iyon para hindi maghiwahiwalay. hindi ko na tinupi ang mga damit ko at isinalampak nalang lahat sa maleta ko.
nang inilalapag ko na ang pera para bang hindi ko mailapag dahil pinipigilan ako ng sariling kamay, sariling katawan ko. ayokong umalis pero kailangan hindi na dapat ako tuluyang mahulog. wala akong mapapala dito.
mabibigat na hakbang patungo sa pintuan, isa isa, hanggang sa
"babe saan ka pupunta?" tanong ni Clyde na nasa likuran ko na pala, naka pang bahay siya at may tuwalya sa kamay paara matuyo ang buhok niya. he smells good, he smells like me.
"clyde, game over" sabi ko, akala ko hindi na siya magsasalita pa at hahayaan nalang akong umalis pero hindi.
"bakit?" tanong niya na naka kunot ang noo. galit ba siya?
"kasi nahulog na ako sayo, aalis na ako para mapigilan itong kahibangan ko" sagot ko at muling tumalikod, 'wag kang iiyak sue' sabi ko sa sarili ko, ayokong umiyak, mababaw pa naman siguro itong nararamdaman ko at pwede pang pigilan.
"yun lang? aba edi dapat pala matagal nang nahinto ang game natin. i love you suzette looks like i succeeded to make you love me too" sabi niya na naging dahilan ng pag harap ko ulit sa kanya
magsasalita pa sama ako kaso hinila niya ako papalapit sa kanya, at niyakap niya ako ng mahigpit, para bang ayaw na niya akong pakawalan.