Sea mio

691 9 0
                                    


Joy's POV

Hilig ko ang magbasa, kaya kong tumapos ng isang libro buong araw. Nagbabasa ako dahil nais kong marating ang iba't ibang sulok ng mundo gamit ang imahinasyon ko.

Pero ayokong magbasa ng basta basta lamang na libro, ang genre na hilig ko ay ang mga libro na binase sa lumang panahon, historical ba.

Kapag nagbabasa ako napapagana ko ang utak ko. Ang imahinasyon at ang emosyon.

"Magandang umaga ma'am" bati ko sa babaeng kinakatakunan ng karamihan pero kasundo ko. Ang LIBRARIAN namin.

Naglakad ako tungo sa aisle 28 na mga historical fictions. Mula ilalim pataas hinahanap ko ang libro na gusto kong basahin. Nais ko iyon hiramin nung nakaraan pero sabi nila dapat daw ako magingat dahil mas matanda pa daw ang librong iyon sa akin kaya naman binalikan ko iyon pero this time mas safe ako dahil nagdala ako ng pouch para lamang sa librong iyon.

Napangiti ako ng makita ko na ang hinahanap ko ang 'de una vez te amé' o 'once upon a time i loved you' sa ingles.

Nang hinawakan ko na iyon ang kukunin na sana biglang may isang lalaki ang mukhang gusto din basahin ang librong iyon.

"Ah pasensya ka na miss. Sige ikaw na muna ang humiram niyan" sabi niya at binitawan na ang libro.

Napatulala ako sa kanya dahil ang... gwapo niya, ang tangkad, matangon ang ilong, mapupungay ang mga mata, katamtaman ang balat. Kung iisipin mo mukha siyang anak ng isang mayamang pamilya noong unang panahon.

"Ah ako nga pala si Ignacio Gomez" sabi pa niya at naglahad ng kamay sa akin. Tinaggap ko naman yun dahil nakakahiya naman kung tatanggihan ko yun pagkatapos niyang hayaan ako ang unang makabasa sa aklat na ito.

"Joy Hernandez" pagpapakilala ko din sa kanya.

Pagkahiram ko sa libro sinabayan niya akong lumabas ng library dahil ililibre niya daw ako sa isang kapihan na malapit sa university. Napagalan ko na marami pala kaming pagkakapareho tulad ng pagkahilog namin sa history hanggang sa paborito naming keso at kape. Nalaman ko din na may lahi siyang spanish, natuwa naman ako dahil kahit papaano marunong din ako ng salita nila.
• • • • • • •
Linggo ng hapon niyaya niya akong mamasyl sa isang parke, parang normal lang na araw dahil tulad ng ibang araw mula ng magkakilala kami labing isang buwan na ang lumipas ay lagi na kaming magkasama dahil napagalam din namin na halos pareho ang schedule namin.

"Mi amor por favor sea mio" sabi niya sa akin na para bang isang aktor na nageensayo para sa gaganapang role sa isang pelikula.

"Hahaha anong meron?" Natatawa kong sabi sa kanya

"Seyoso ako" sabi niya na naka ngiso na parang bata. ang cute!

"Oh sige ulit ulit" sabi ko naman at humarap sa kanya ng maayos.

"mi amor por favor sea mio" sabi niya pa ulit at tumingin sa akin na para bang nagaantay ng sagot.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya at natulala nalang dahil ikaw ba naman ang sabihan ng 'my love please be mine' jusko naman diba! Nakaka pressure huhu

"Okay lang naman kung hindi" sabi niya na naka ngiti pero may lungkot sa pagkasabi niya.

"Bueno" sabi ko na ikinalaki ng mata niya.

Hinila niya ako papalapit at niyakap ako ng sobrang higpit.

Oneshot story compilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon