Bestfriend

1K 16 0
                                    

Lovi's POV

ang hirap kapag crush mo yung childhood bestfriend mo. ang hirap magka gusto sa iisang tao sa loob ng 8 years. mahirap, masakit, pero okay lang dahil alam kong sasaya siya. ako yung bestfriend niya na taga tago ng mga sikreto niya, taga takip sa mga kasalanan niya, taga punas ng luha niya, taga advice sa love life niya, taga isip ng ireregalo niya sa girlfriend niya, pero okay lang kasi alam ko naman na kahit papaano napapasaya ko siya eh. naaka maryr ko noh? gumagawa ako ng mga bagay na ikakalungot ko, pero okay lang kasi yun ang ikakasaya niya.

"Lovi, kapag hinanap ako sabihin mo nagpunta ako kila shawn ah at secret natin to ah" sabi niya habang kinukuha ang motor niyang itinago ko sa backyard namin, ang kulit kasi hindi makapag antay maging 18 eh isang taon nalang naman eh. 2 blocks away lang sila sa amin kaya madali kaming magkita, nakakasawa na nga eh, joke hahaha ako pa ba ang magasasawa sa kanya?

"san ka ba talaga pupunta?" tanong ko dahil hindi pwedeng hindi k alam noh.

"i'll finally ask francine" sabi niya na may malaking ngiti sa labi, kaya naman pala bihis na bihis siya at nadderetso ang medyo kulot niyang buhok ngayon.

"kaya naman pala eh, siya goodluck sayo at ingay ka sa pagdadrive bry ah" sabi ko sa kanya at nag thumbs up pa. tinignan niya ako at pinaandar na ang motor niya, sana naman hindi siya saktan ni francine.

tinanaw ko ang dinaanan niya, paonti onti siyang lumalayo hanggang sa tuluyan ko na siyang hindi makita.

seconds turns into minutes, minutes to hours, hours to days, days to weeks, weeks to months. after 7 months heto na siya, umiiyak ng umiiyak habang kumakain ng ice cream at naka upo sa higaan ko. balde baldeng luha para sa isang babang minamahal niya.

"Lovi, niloko niya ako" sabi niya sa kalagitnaan ng paghikbi niya.

"bry wag ka nang umiyak, hindi ka niya deserve" pagko comfort ko sa kanya at tinapik tapik pa ang likuran niya.

"Lovi, im sorry" sabi niya out of the blue. para saan nga ba?

"bakit?" tanong ko habang patuloy paring tinatapik ang likuran niya

"kasi simula nung first year highschool we had to pretend that we dont know each other" kaya naman pala, nung first year highschool kasi bago kaming lipat doon niya nakilala si francine, eh ayaw ni francine na may dumidikit kay bry na iba at hindi ako special para hindi mapasali doon.

ramdam kong sincere siya kada paulit ulit niyang binabanggit ang katagang 'sorry' . pagkalipas ng ilang oras naka tulog na siya sa higaan ko, inantok na siguro sa dahil sa sobrang pagiyak. looks like sa sofa nanaman ako. ilang araw ang lumipas at

"Lovi! bati na kami!" masaya niyang sigaw na tumatakbo papalapit sa akin nandito kami sa backyard namin.

dahil sa sobrang pagkatuwa niya niyakap niya ako ng pagka higpit higpit. hayy pagibig nakaka tanga. hindi na ako lalayo dahil etong lalaking naka yakap sa akin ngayon ay isang living example non at marami pang iba.

hindi din nagtagal umiiyak na naman siya dito sa kwarto ko, his girlfriend ended their realationship, masaya na daw siya kay shawn, which is yung best buddy ni bry. kawawang bry. tatanga tanga kasi eh, papa bulag sa pagibbig!

"mom, i said i dont want to go" sabi ko sa telepono, kausap ko ngayon si mom dahil gusto na niya daw akong kunin at dalhin na sa Amerika. ayoko dahil masyadong malayo, ayoko dahil marami akong maiiwan, ayoko dahil ayoko siyang iwan. pero in the end wala akong nagawa dahil sino nga ba ako para kalabanin ang desisyon ni mom?

habang nagaayos ako ng maleta naramdaman ko angpagbukas ng pinto sa likuran ko at naamoy ko ang pamilyar na pabango, ang pabangong binigay ko sa isang tao

"so it's true, kelan ka aalis?" tanong niya he doesn't sound happy nor sad.

"mamayang gabi na ang alis ko bry" sagot ko na hindi parin siya hinaharap, hindi ko kasi alam kung kaya ko baka pag nakita ko siya hindi ako sumipot sa airport.

"oh, tke care of yourself then, i love you" sabi niya na nagpa hinto sa akin ayokong umasa dahil alam ko na kung anong kasunod nun, ilang segundo akong naghintay kung sasabihin niya pero wala

"i-- i love you too" sagot ko naman na naka harap padin sa malettang inaayos ko

katahimikan, binalot kami ng katahimikan.

"as my bestfriend right?" tanong siya, just what i thought. alam ko na to pero bakit tumutulo itong mga luha ko, pinunasan ko ang dalaw kong mata gamit ang likod ng kamay ko at huminga ng malalim

"yeah ofcourse" sagot ko, mabuti nang hindi niya alam dahil mas importante ang frienship namin kesa sa walang kwentang pagamin ko na wala naman mapupuntahan.

ako lang ang nakaka alam na mahal ko siya, na mahal ko ang bestfriend ko.  

Oneshot story compilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon