Litrato
Sab's POV
Ang pagmamahalan natin parang lumang litrato, kumukupas na pero mahalaga parin sa isip at puso ko. Minahal kita noon, at patuloy na minahal. Camera, litrato, mahalagang bagay para sa akin dahil duon lahat nagsimula.
hindi na tama ito! isip ko habang naglalakad sa loob ng east campus dala dala ang napaka lalki kong camera, pano ba naman kasi napaka tanga ko para hindi makinig sa prof namin. malay ko bang bukas na deadling ng portfolio namin. Isa akong estudyante na ang kinukuha na major ay photography. ni isa sa mga kaibigan ko wala, walang nagpaalala na bukas na ang deadline. papatayin ako ni Mr. Marasigan nito eh. Peste pa yung rule niyang dapat sa loob lang ng university ang picture. nilibot ko ang mata ko, crowded ngayong dahil malapit na matapos ang school year. tanggap ko nang babagsak ako pero at least itatry ko ang best ko. meron na akong 18 pictures sa loob ng portfolio ko, oo 18. 18 lang. kailangan daw at least 25.
Sa gitna ng paghahanap ng bagay na pipicturan, huminto ang buong paligid dahil natanaw ko ang isang mahiwagang nilalang. ngayon ko lang siya nakita, matangkad at ang ganda ng posture. nakatagillid siya kaya naman kitang kita ko ang napaka perpectong hugis ng ilong niya, makinis parang walang pores. dahan dahan kong tinaas ang camera ko para makunan siya ng litrato, 3 shots ng bigla siyang lumingon at tinignan ako, i mean ang camera ako. sa sobrang panic ko mabilis nalang akong tumalikod at tumakbo papalayo, pero thank you sa maiikling biyas ko ay naabutan parin ako ng poging giant na ito. hinatak niya ako sa braso, masakit pero it gave me goosebumps. hinarap niya ako sa kanya pero nanatili parin akong nakapikit, i heard him chuckle kaya naman dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.
"masyado ba akong nakakatakot?" tanong niya nang tumatawa, gwapo siya lalo kapag naka ngiti, yung niti niya parang bata. kitang kita buong ngipin, pwede na siyang model ng colgate grabe ang puti ng ngipin. alaga ng dentista :<
"hindi ka galit?" alinlangan kong pagtatanong kasi baka ayaw niya yung ginawa ko dahil kinunan ko siya without his permission. di kasi ako nagiisip eh, ang tanga mo talaga kahit kailang Sab!
tumawa siya at nagkamot ng likod ng ulo, "okay lang naman eh, basta sabihan mo ako." he beamed at me so bright akala ko mabubulag na ako sa kapogian niya. "Noah nga pala." dagdag niya pa.
"pasensya ka na ah pero nagmamadali kasi ako kailangan ko pa ng pictures para sa portfolio ko" nung sinabi ko yun sa kanya yun para siyang nagulat
"tara kape tayo baka makahanap ka habang naglalakad tayo" sabi niyapa pero dahil maharot ako wala akong nagawa kung hindi ay sumama
Nilibre niya ako ng pagkain, grabe nga eh kasi dalawa lang kami tapos isang dosenang doughnut yung binili niya, tapos kape pa. at katulad nga ng sinabi niya, madami din akong nakunan although hindi ako sigurado kung ilalagay ko iyon lahat pero kulang padin, kulang pa ako ng dalawa. lahat ng kinunan ko ngayong araw ay pinuri niya, alam kong may halong pangbobola yun pero ayos lang dahil kahit papaano nabawasan yung kaba ko.
"tara, may papakita ako sayo" sabi niya nung naibag na ni ateng cashier yung tira naming doughnuts. saan na naman kaya niya ako dadalhin? sana naman sa isang lugar kung saan makakahanap ako ng idadagdag ko sa portfolio ko dahil alas-tres na ng hapon at bukas ng 8 AM ang pasahan nito.
dinala niya ako sa north side, sa may science building. hindi pa ako napapadpad dito dahil bukod sa first year ko palang ay hindi naman ako madalas dito sa north dahil isang class lang ang meron ako dito at noong first quarter pa yun. nilibot ko ang buong lugar, para akong nasa park, may wishing well pa. may chapel din at may fish pond. kinuhaan ko yung iba't ibang tanim dito hanggang sa isa nalang ang kulang ko.
"Noah," tawag ko sa kanya dahil tahimik at naka upo lang siya doon sa may bench at pinapanood akong kumuha ng mga litrato, itinuro ko yung camera ko "pose for my final piece." sabi ko bago siya bigyan ng nagmamakaawang ngiti. tumawa siya bago tumayo at lumapit sa akin. kahit anong ipagawa ko sa kanya ay ginawa niya.
malaki ang utang na loob ko kay Noah dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi mabibigyan ng buhay ang portfolio ko. Dahil sa kanya ay nakapasa ako at nakapag second year ako.
pagod na pagod akong naglakad pauwi sa dorm ko, habang naghahanap ako ng susi sa bag ko napansin ko ang isang polaroid picture na naka dikit sa pinto ko, isang picture ko habang kumakain noong date namin. may nakalagay sa litrato na "you're my missing piece" sa sulat kamay ng napakamamahal kong Noah Chua, naging kami nakalipas na ang dalawang taon mula nung kinuhaan ko siya ng litrato.
Pero lahat ng nasa iyo ay lilipas din, lahat ng taong minamahal mo ay iiwan ka din pagdating ng panahon, by choice or by time. Nawala siya sa akin by choice dahil tinanggap niya na hindi talaga ako ang nararapat sa kanya kung hindi ay ang bestfriend ko.