Maaga akong nagising at pumunta sa simbahang dapat ay isang lugar na kung saan magiging isang masayang lugar kahapon para amin
Nang makarating ako roon ay may natanaw akong dalawang lalaki ba naglilinis rito kaya't agad akong lumapit
"excuse me" pasintabi ko rito ns agad ko namang nakuha ang attention ng mga ito
"may nakita po ba kayong babae na pumunta rito simula kahapon? Matangkad siya at maputi" pag tatanong ko na ipinakita pa ang litrato ni Christine"wala akong nakita, edward!" sabi ng isa sabay tawag sa kasama "kahapon kapa narito diba? Nakita mo ba to? " pag tatanong nito at umiling ang kasama
"pasensya na hijo wala kaming nakita"ahh sige ho salamat" pag papasalamat ko sa mga to
Nag ikot pako sa simbahan at nag tanong dahil nag babakasakali akong na napadaan rito si Christine pero..
Wala
Kaya't nagpasya nalang akong pumunta sa condo niya uli ngunit wala parin siya kaya pumunta nalang ako sa bahay nila
Agad naman akong pinapasok ng guard nila dahil kilala narin nila ako
"oh patrick maupo ka" sambit ni tita ng makita niya ako kaya agad din akong umupo
"manang pakuha naman kami ng juice and cupcake""tita.." panimula ko at mukang nakuha naman niya agad kaya hinawakan siya ang kamay ko
"hijo pasensya na pero wala padin siya" nakita kong dahan dahang tumulo ang mga tubig na nanggagaling sakanyang mga mata
Kaya mas minabuti ko nalamang na tatagan ang aking loob
Niyakap niya ako at humagulgol na siya
"Hindi ko pinalaking ganun si Christine at alam kong magsasabi siya kung sakaling may pupuntahan man siya kaya imposibleng bigla nalang siyang hindi ka puntahan alam natin kung gaano ka niya kamahal" halos hindi na siya makapagsalita ng maayos dahil sakanyang iyak
"nareport nadin namin ito at umaaksiyon na ang mga pulis" humiwalay na siya sa pag kakayakap sa akin at pinunasan na ang luhang kumalat sa kanyang mga mata
"pasensya na ulit iho tara at kumain ka muna" ibinigay niya sakin ang pagkaing ipinakuha niya kay manang"salamat ho tita sana lang ay walang nangyaring masama sakanya" napayuko nalang ako ng sabihin ko iyon
"Sana nga hijo sana nga"
Maya maya lang ay bumaba na si brend at agad niya akong nakita dahilan upang bilisan niya any lakad at agarang tumabi sa akin
"bro sorry" seryosong tugon nito
"it's okay bro ang mahalaga lang sakin ngayon at makitang maayos siya" at pilit akong ngumiti rito at sinuklian Niya rin ng pilit na ngiti
Maya maya lang ay nagpaalam na akong umalis
"o sige Mag Ingat ka hijo"
"kayo rin po tita" "bro" at tinanguan ko si brendly
Pagsakay ko sa kotse ko ay bumungad sa akin si niella na nasa passenger seat dahilan para ikagulat ko
"niella? Anong ginagawa mo dito" tanong ko ngunit sinagot niya rin ako ng isa pang tanong
"pat? Okay kana ba?" seryosong tanong nito na mararamdaman mo ang pag aalala sakanyang boses
Imbis na sumagot ay napayuko na lamang ako
"no need to answer" lumapit siya sa akin at ngumiti
"hayaan mong ako ang mag drive" presinta niya pero tinignan kolang siya ng nagtatakang tingin
"please?""bakit ka muna narito?" tanong ko
"okay fine kanina kase papunta ako sa unit mo nang makita kitang aalis wala akong dalang kotse kaya naka taxi akong sinundan ka sa lahat ng pinuntahan mo at sa kaswertehan ko naiwan mong nakabukas any pinto ng kotse mo kaya pumasok nalang ako" paliwanag niya kaya napailing nalang ako hindi padin siya nagbabago
"so papayagan mona bakong mag drive?""o siya" at umikot ako papuntang passenger seat
"niella? Saan ba ang punta natin at ibang daan nato"
"pupunta lang tayo sa lugar na makakapag relax ka" at ngumiti siya sakin pero hindi padin ako nakangiti dahil naiisip ko padin si Christine ngunit hinayaan ko na lamang si niella
"were here" masayang tugon niya at masiglang bumaba
"Tara pat tignan mo dito" yaya niya kaya bumaba na lamang din akoHindi ko alam ang lugar nato pero maganda nga siya at nakakarelax tignan kagaya ng sinabi ni niella pero nakakapanlumo padin ang katotohanang kahit gaano kaganda ang lugar na ito wala siya dito at hindi ko alam kung nasaan siya
Baliwala ang ganda ng lugar nato kung hindi ko siya kasama
Mas maganda padin sa simpleng lugar basta nasa tabi ko siya
"pat?"
"pat?"
Nasaan kana ba nerdy? Hindi ako galit gusto kolang ng paliwanag Kung bakit hindi ka nakapunta sa special na araw natin
"pat!!!" nabalik ako sa sarili ko ng marinig ko ang sigaw ni niella
"h-huh?" lutang kong tugon
"kako maganda ba?" tanong niya
"oo..." walang gana kong tugon
"pero baliwala dahil wala siya""sorry pat" napatingin ako sakanya ng magsorry siya
"kung may magagawa lang ako para mawala yang sakit na nararamdaman mo" at napayuko nalang siya ng sabihin yun hinawakan ko ang kanyang pisngi at hiniharap sa akin"wala kang kasalanan kaya walang dahilan para mag sorry ka" at nginitian ko siya na seryosong nakatingin ng diretso sakanyang mga mata
"iiyak mo lang" agad niyang sabi na ikinanoot ng noo ko
"iiyak mo yang nararamdaman mo narito lang ako pat" nawala ang mga pilit kong ngiti hanggang ngayon ay kilala niya padin ako
"wag mong pigilan para lang mag mukha kang malakas mas malakas ka kung kaya mong ipakita sa tao ang nararamdaman mo kaya iiyak mo lang dahil handa ang mga balikat ko para gawin mong sandalan" dahan dahang tumulo ang mga luhang pinipigilan ko dahil sa kanyang mga sinabi at lalo ko lamang naalala so Christine ang mahalaga sa akin ngayon ang makita siyang ligtasChristine please handa akong gawin lahat makita kalang na ligtas

YOU ARE READING
I'M MISSING YOU
RomanceBOOK 1 : THE CAMPUS NERD BOOK2: PEOPLE CHANGE BOOK3: I'M MISSING YOU