Habang naglalakad ako sa garden ng hotel na ito ay napatigil ako ng may makita akong pamilyar na likod na nakaupo di kalayuan sa akin.
Tinitigan ko tong maigi at nagpsya akong lapitan ng makilala ko kung sino to.Inagaw ko agad ang bote ng alak na kanyang nilalaklak. Napaangat ang tingin niya sa akin at naningkit lalo ang kanyang mga mata na parang pinag aaralan ang muka ko "c-christine? Nerdy ko.." nanlambot ang mga tuhod ko ng marinig kong tinawag niya ako pero pilit padin akong umakto ng tama at dapat."lasing kana tama na yan." kahit na nagulat ako na nandito din siya sa hotel na kung saan nagpasya muna kami ni walter na pumarito ay hindi ko na iyon pinansin.
"nerdy..." alam kong sa tono ng pagsasalita niya ay lasing na talaga siya kaya ng bigla niya akong yakapin ay hindi ko alam pero hindi ko na napigilan ang pagyakap ko sakanya. "d-dito kalang nerdy please wag mokong iiwan." kumawala na ang luhang nagbabanyang tumulo sa mata ko ng marinig kong sabihin niya yun.
"nerdy... Mahal na mahal kita.""mahal din kita" naibulong ko nalang sakanyang tenga na para bang may sariling isip ang aking bunganga na kusa nalang sinabi ang salita yan.
"wag mo na akong iiwan ah?" nakangiti niyang tugon pag katapos ay pinunasan ang aking luha. Ewan ko pero bigla ko nalang naalala yung sinabi ni walter sa akin nung nasa e.k kami. Na pilit kong sinasabi sa taong mahal ko na hindi ako ang babaeng mahal niya. "wag kanang umiyak nerdy ayokong nakikitang umiiyak ang babaeng mahal ko."
"ayaw din kitang makitang umiiyak pero wala akong magawa dahil mas ayokong maguluhan ka dahil sakin."
"nerdy kahit kailan hindi ako maguguluhan pagdating sayo dahil mahal na mahal na mahal kita. Kaya please ipangako mo hindi moko iiwan ah?" nakatingin lang ako sa kanyang mukha na may ngiti sa labi ang habang sinasabi iyon.
"tama na yan lasing kana." pilit kong pag iiba ng topic dahil hindi ko magawang masagot ang kaniyang tanong.
"ipangako mo muna." dahil alam kong Hindi siya titigil ay pilit nalang akong tumango kahit masakit. Kahit alam kong hindi ko sigurado kung tutuparin ko ba.
Nanlaki nalang ang mga mata ko nang bigla niya ilapat ang kaniyang labi sa aking mga labi. Lalo akong naiyak dahil namiss ko ng sobra ang labi nato. Na miss ko nang sobrang ang lalaking to. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yumugon sa kanyang mapang akit na labi. Isang labi na kinainisan ko noon na hindi ko alam na darating ang araw na hahanap hanapin ko rin pala.
Napangiti nalang ako ng makitang nakatulog na siya kaya kahit napakabigat niya ay pilit ko siyang inihiga sa bench malapit sa amin. Pinagmasdan ko muli ang kanyang mukha kagaya dati maamo at mukhang babae parin talaga ang kanyang mukha. Di mo aakalaing naging bully siya noon dahilan ara magkakilala kami. Mas lalo siyang gumwapo at nangayayat siya pero bumagay padin sakanya kahit anong mangangatawan naman yata ang ipagkaloob sa lalaking to ay bagay padin sakanya. Napahawak ako sa labi ko ng maalala ko ang pagkakahalik niya sa akin bigla akong kinabahan dahil baka maalala niya ito bukas. Hindi pwede! Malalaman niyang ako si christine sa oras na maalala niyang ang nangyari to!anong gagawin ko? Kahit kinakabahan ay nag text nalang ako kay niella nagbabakasakali akong hindi pa nag iiba ng numero si niella. Sana hindi pa kahit sobrang tagal na panahon na ang lumipas. At nagbabakasakali rin akong baka kasama niya rito ngayon si niella dahil kahit masakit ay alam kong hindi imposible ang bagay nayun.
NIELLA'S P.O.V
To: 09*********
Pumunta ka ngayon dito sa garden ng **** hotel.Kumunot nalang ang noo ko dahil sa natanggap kong text na ito galing sa unknown number. Sino naman kaya to? Baka mamaya hindi to mapagkakatiwalaan? Pero-- baka si pat. Wait si patrick nasan naba yung lalaking yun? Kanina pa siya wala.
Tumakbo nalang ako papuntang garden dahil nag babakasakali akong nandito siya at napangiti naman akong nag makita ko nga siya dito na nakahiga sa bench. Pag lapit ko ay amoy alak siya. "walter." tawag ko sa lalaking napadaan mukhq naintindihan niya naman ang tingin ko kaya tinulungan niya akkng buhatin ang isang to. "thanks." wala akong narinig na tugon mula sakanya kaya isinara ko nalang ang pintk dahil tumalikod nadin naman siya. Galit ba siya sakin dahil sa sinabi at hinihingi kong pabor kay christine? Tsk dapat nga ay magpasalamat siya dahil nagkaroon siya ng tyansa kay tine dahil halatang may gusto siya sa babaeng yun. Tsk so stupid walter.
Well, i don't care about them.
CHRISTINE'S P.O.V
"hanggang kailan mo balak saktan ang sarili mo?" napatingin nalang ako kay walter na kakabalik na ulit dito sa garden pagkatapos ihatid sila patrick. Ngumiti't nagkibit balikat nalang ako.
"tsk." narinig kong tugon niya."thanks." pag papasalamat ko nalang sakanya sabay ngiti at umalis na sa pwestong tinatayuan ko kanina habang binabantayan si patrick.
Sana bukas wala siyang maalala na nagawa ko ngayon. Sana..
Dahil hindi ko alam ang magiging dahilan ko sa ganung pangyayari.

YOU ARE READING
I'M MISSING YOU
RomanceBOOK 1 : THE CAMPUS NERD BOOK2: PEOPLE CHANGE BOOK3: I'M MISSING YOU