CHAPTER 22

1K 27 3
                                        

A/N
P.O.V po ni christine ito at flashback ito nung nangyari sakanya. yun lang kamsa wag basahin kung nakakabagot yung storya walang pumipilit na basahin niyo ^_^ salamat

**
Dahan dahan kong minulat ang mata ko at nagulat ako dahil nasa isang hindi pamilyar na kwarto ako.

"Nasan ako?" Natanong ko nalang sa sarili ko.

"Nasa bahay kita" agad akong napalingon sa nagsalita sino ito?
Imbis na magsalita ay tinitigan ko lang siya na nagpapahiwatig ng mga tanong ko.
"Finally, gising kana." Nakangiting tugon ng lalaki sa harap ko
"kamusta na ang pakiramdam mo?" Imbis na sagutin ko ang tanong niya ay napabalikwas ako ng tayo ng may maalala ako.

SI PATRICK!

"u-uy wait." Pinigilan niya ko sa pagtanggal ko ng kung anong nakakabit sa akin

"Kailangan kong bumalik sakanya. Ikakasal na kami ngayon baka hinihintay na niya ako!" Sigaw ko sa lalaking pumipigil sa akin sa pag tayo

"Huminahon ka muna makakasama sayo yan." Seryoso niyang tugon kaya wala nadin akong nagawa kundi ang sundin siya dahil feeling ko nanghihina talaga ako at mukhang hindi din naman ako mananalo sakanya
"Ieexplain ko sayo ang lahat pero gusto kong kumain ka muna." Tumango nalang ako sakanya kaya umalis siya at maya-maya ay may dala na siyang pagkain.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom.
Kumain nalang ako at ewan koba gutom na gutom talaga ako kaya kahit titig na titig siya sakin habang nakain ako ay go lang ako.

Pag katapos ko kumain ako niligpit niya na ito.

"I'm walter thomson and you are?" paumpisa nito

"Christine lim." I said

"Hindi nako magpapaligoy-ligoy pa gusto kong malaman mo na tatlong buwan kanang unconscious." Natigilan naman ako sa sinabi niya at binigyan ko siya ng are-you-serious-look
"Muka bang magbibiro ang gwapong gaya ko." Sabi niya sabay smirk teka parang sumakit yung ulo ko dun ah. Pero wala akong panahon kailangan kong mapuntahan si patrick! Kailangan kong umattend sa kasal namin! Iniisip ko palang na baka nag-aalala ko baka iniisip niya na wala akong balak na umattend sa kasal namin hindi kona kaya. Kailangan malaman niya ang totoo. Patayo nako nang mapahiga uli ako sa kama dahil sa lalaking ito.
"And where do you think your going?" Imbis na magsalita ay pinipikit ko padin tumayo kahit nanghihina.
"Kung balak mong puntahan yung mapapakasalan mo nung araw na iyon wag na." Natigilan
Ako at tinignan siya ng nagsasabing how-did-you-know-about-that-look
"it's obvious nang makita kita ay naka wedding gown kapa at saktong sa itaas ng lugar na pinagbagsakan mo ay may car accident na nangyari. Hindi kita kilala at hindi ko alam ang cocontactkin ko kaya iniuwi kita at swerte ka dahil ang isabg gwapong tulad ko ay nakapag aral ng medisina at nadalaw din naman ang personal doctor ko si Doc.Albert" mahabang paliwanag niya kung ganun paniguradong nag aalala na sakin sila mama

"Please sanahan moko puntahan ang pamilya at kaibigan ko kailangan nilang malaman ang tungkol sa akin paniguradong nag aalala na sila." Pakiusap ko sakanya

"Sasamahan kita sa isang kondisyon" kumunot ang noo ko sa pagsabi niyang may kondisyon.
Kaya hindi nako nagsaita at hinintay nalang ang sasabihin niyang kondiayon

"Gusto kong magpahinga ka muna at bukas na bukas sasamahan kita" wala nakong nagawa kundi ngumiti at tumango nalang

Hintayin moko pat itutuloy pa natin ang kasal

Kinabukasan ay halos hindi nako nakatulog sa sobrang excited ko na makita uli sila

"Goodmorning" masayang bati ko pag pasok na pagpasok palang ni walter sa kwarto kung nasan ako

"Natulog kaba talaga" tumango naman ako at napa tsk nalang siya "kumain muna tayo" pagkatapos namin kumain ay nagtungo na kami sa bahay kung saan alam kong nandon sila

Unang naming pinuntahan ang bahay namin. Masaya akong bumaba at excited na nag doorbell ilang sandali lang ay may narinig nakong lumabas galing sa bahay kaya napangiti ako

"Sino ho sila?" Bungad nito pagkabukas ng pinto. Kumunot naman ang noo ko dahil isang hindi pamilyar na tao ang nakita ko sa bahay.

"Sila mama po? Sila brend? Bakit po kayo yung nagbukas? sunod sunod na tanong ko

"Ay hija hinahanap mo ba yung dating nakatira dito? pasensya na pero kami na ang nakabili nito at sa pag kakaalam ko ay nangibang bansa hindi ako sigurado kung saan." Natigilan ako sa narinig ko

"Hindi! Wag po kayong magbiro ng ganyan! Ma! Brend! wag na kayong magtago!" Pilit akong hinaharangan ng aleng nasa harap ko pero hindi ako nagpapatinag, paniguradong niloloko lang ako nila brend

"Christine tama na! Pasensya po" naramdaman kong may bumuhat sa akin at kahit anong paglaban ko ay hindi ako makawala at lalo lamang akong nanghihina. Nang maipasok niya ako sa sasakyan ay napayuko nalang ako at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.

Saan ko hahanapin sila mama ngayon?

SI PATRICK

pagdating namin sa condo ni pat ay agad kong inenter ang hindi naman ako nagkamali ngunit pag pasok ko ay wala nang kagmit gamit ang lugar kaya't napaupo nalang ako sa panghihina. wala nadin siya.

Inisa isa namin lahat ngunit kahit isa sakanila ay wala na dito sa pinas. Kaya nagpasya nalang ako na bumalik kila walter.

"Oh baka sakaling gumaang ang kalooban mo" napatingin ako sa inaabot sakin ni walter. Yung wedding ring ko! Wala nakong nagawa kundi isoot ito at mapayakap nalang rito.

Hihintayin kita kahit hindi ako siguradong may hinihintay ako. Sana pagbalik mo pwede pa tayo.

Alam kong gagawa ang tadhana ng paraan kung para tayo talaga mr.playboy

I'M MISSING YOUWhere stories live. Discover now