"uy pat" kanina kopa siya tinatawag pero dedma talaga hayy simula ng hatakin niya ako papasok dito sa sasakyan ay ayaw niya nang magsalita at hindi pa namamansin
"patrick naman" nagmamakaawa na talaga ang dating ng boses ko diyan
Pero imbis na magsalita ay bumaba lang siya at binuksan ang pinto sa tabi ko"baba na" malamig na sabi niya
Napatingin naman ako at nandito na pala kami
Bumaba naman ako pero bago pa siya makasakay ulit sa sasakyan niya ay hinarangan ko siya,
"tabi" diretsong sabi niya"usap muna tayo" matigas na sabi ko at umiiling pa
"ipagpabukas mo nalang yan" malamig parin ang pagkakasabi niya
"AYAW" matigas muli na sabi ko kaya napabuntong hininga nalang siya
"ok anong sasabihin mo?" kung magtanong siya para hindi niya talaga alam ang sasabihin ko
"galit kaba?" at nag pout pa ako
"hindi ako galit ok na? Papasok na ko pumasok kana din sa bahay mo" at sasakay na sana siya uli pero humarang akong muli
"ayaw! iba yung sinasabi mo sa inaasta mo" wala akong pake kung parang bata naba yung inaakto to ko at pagkakasabi ko basta ayoko ng ganyan si pat sakin ayoko nang malamig siya sakin
"ok hindi ako galit niella hindi ako magagalit sayo at kahit kailan hindi ako nagalit sayo" at ngumiti pa siya sa akin na parang sinasabing totoo ang sinasabi niya
"eh bakit ganyan ka? Ang lamig mo kanina lang hindi naman tas nung ano wahhh" hindi ko alam nagiging isip bata na nga yata ako kase bigla nalang akong napahagulgol kaya agad siyang lumapit sabay hawak sa pisnge ko at niyakap ako
"sorry na hindi ko din alam niella nagseselos lang yata ako dahil kanina wala kang gana at sa tingin ko ay may sakit ka pero nagawa mo pang lumabas ng disoras ng gabi tapos makikita nalang kitang kasama ang mokong na yun kaya sorry na okey?" kumalas na siya sa pagkakayakap ay tinitigan ako sa mukha para naman akong bata na binigyan ng candy kaya biglang nanahimik at tumahan ewan ko perocbiglang nalang akong napangiti dala na din sa kanyang matatamis na ngiti bakit ganun? Kinikilig ako? Hindi nga siya nagagalit sa akin pero-- nagseselos siya? Nagseselos siya kay walter dahil sakin? OMG kill me now
"b-bakit ka nagseselos?" shit nauutal ako
"kagay ng sabi ko noon unti unti nakong nahuhulog sayo" biglang nalang akong napayakap sakanya matapos niyang sabihin iyon
"okay na? Sige na pumasok kana sa loob ng bahay mo promise mo sakin na hindi kana lalabas ng gabi ha? At hindi ko makikita ang walter na iyon na kasama mo ng ganitong oras okay ba yun? Hindi kita pinagbabawalan sakanya dahil alam kong hinndi pa tayo pero baka masakal kana kaya ayokong maging mahigpit sa iyo ang ayoko lang ay gabi na pero lumalabas ka padin" at ginulo niya ang buhok ko para naman akong asong nakangiti habang tumatango dahil sa sinabi niyaUmalis nako sa pagkakaharang at pinasakay na siya sa kotse niya agad niya naman itong pinaandar papasok sa kanyang bahay ng majita kong nakapasok na ito at nagsara na ang gate saka ako tumalikod ng nakangiti at papasok na sana pero natigilan ako sa nakita ko parehong nanlaki ang mata namin ng mag tama ang mata namin
Agad akong tumakbo sa di kalayuan papunta sakanya pero agad siya tumalikod at naglakad ng mabilis wala akong pake kahit naalis na ang heels ko sa paa ko at anong oras na ang tumatakbo lang sa isip ko ay kailangan ko siya maabutan kailangan kong malinawan sa mga pang yayari sa paligid ko
Natigilan ako at napayuko nalang ng mawala siya sa paningin ko ito na naman ako hindi na naman sigurado sa mga nakikita ko hindi ko na naman alam kung totoo paba ang nakita ko
Agad akong kinilabutan ng mapansin kong madilim dilim pala ang napuntahan ko huehue bakit ko ba kase hinabol iyon baka mamaya hindi iyon si christine o kaya....
No!! Patrick huehuehuehue help me
"AHHHHHH" Napatili ako at napatalon sa gulat ng may humawak sa harap ko
"shh" napatigil ako dahil sa nagsabi nun agad namang nanlaki ang mata ko ng makita ko siya
"c-christine?" nasambit ko nalang habang nakatitig sa babaeng nasa harapan ko ngayon kahit anong dilim sa lugar na ito siguradong sigurado akong siya ang kaharap ko
******
A/N
Hello mga ka nerdy paramdam naman kayo
Anong say niyo sa tambalang PATIELLA?

YOU ARE READING
I'M MISSING YOU
RomansaBOOK 1 : THE CAMPUS NERD BOOK2: PEOPLE CHANGE BOOK3: I'M MISSING YOU