CHAPTER 21

971 16 1
                                        

NIELLA'S P.O.V

Hayyst hanggang ngayon hindi padin ako makatulog dahil sa nga nang yari kanina. Iyo ako ngayon nakatulala sa katapat na bahay ko, ang bahay ni patrick.

Sorry pat pero hindi ko kayang mawala ka

Hanggang ngayon iniisip ko padin ang nangyari kanina. Siguro nga mali ako pero anong gagawin ko? Nagmamahal lang ako

*FLASHBACK

"C-christine.." kahit gaano kadilim ang lugar na kung nasaan kami ngayon siguradong sigurado ako sa taong nakikita ko ngayon

"n-niella" nasambit niya na diretso na nakatingin sa akin

"b-buhay ka" buhay siya! Hindi isang guni guni ang lahat na nakikita ko kundi totoong siya ang nakikita ko
Nakita kong napayuko siya sabay talikod at balak na niyang umalis nang hawakan ko ang kamay niya para pigilan
"can we talk?" hindi ko alam kung anong sasabihin ko basta ang alam ko lang ay gusto ko siyang makausap.
Tumigil naman siya at hindi kumibo kaya kinabahan ako sa isasagot niya
Dahan dahan siyang humarap tsaka tumango

"bakit ngayon kalang i mean diba.. W-wala kana" wala nakong masabi dahil ang awkward na talaga ng feeling ko ngayon

"anong meron sainyo ni pat?" seryoso ang pagkakasabi niya diyan kahit hindi siya nakatingin parang ibang christine ang kaharap ko ngayon
Sinagot niya ng tanong ang tanong ko. Hindi kaya minamanmanan niya kami?

"sagutin mo muna!! Bakit ngayon kalang? Bakit ngayon kapa bumalik christine!! Bakit kung kailan--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya

"nagbalik ako para sa taong mahal ko!! Nagbalik ako para sakanya dahil umaasa akong may babalikan pako pero ano niella?!! Pagbalik ko wala na kayo dito at napag alaman kong nag ibang bansa kayo!! Naka coma ng matagal na panahon at pag gising ko wala na kayo!! Paggising ko siya agad ang hinanap ko pero wala na.. Umalis na siya kasama ka.. kayo" nakita kong hindi na niya napigilan ang luha sa kanyang mata kaya napayuko ako dahil nakaramdam ako ng guilty pero agad din akong napaangat ng ulo ng maisip ko na hindi ko iyon kasalanan.

Tama wala akong kasalanan. Pinaubaya kona sakanya noon si pat at masasabi kong hindi ko kaya.

Pinaubaya ko siya noon dahil alam kong wala akong laban

"wala akong kasalanan christine! Hindi ko kasalanan naaksedente ka at matagal na panahon kang nawala! Hindi ko kasalanang dahil sayo nangulila si pat! Hindi ko kasalanang ako ang nasa tabi niya nung mga panahon na wala ka! Kaya wag kang magsalita na parang ako pa ang may kasalanan kaya ako ang kasama niya ngayon!" hindi ko na napigilan ang pagsigaw ko at ang pagluha ko

"a-alam ko.." nasabi niya nalang at napayuko siya ng sabihin niya iyon nakita ko ang bakas ng pagkagulat sa kanigang mukha ng bigla akong lumuhod at humagulgol sa harap niya
"niella tumayo ka, anong ginagawa mo?" pero hindi padin ako nagpatinag sakanya kahit na tinatayo niya na ako

"please christine ipinaubaya kona siya kay ellain noon at sayo kaya please pagbigyan moko sa pag kakataon na ito christine please alam kong masakit pero christine hindi ko na kaya na mawala siya ulit. Please christine wag ngayon, wag kung kailan okay na kami kung kailan nahuhulog nadin siya sakin" hindi ko na mapigilan ang paghagulgol ko habang sinasabi iyan wala nakong pake kung ang dungis kona tignan dito habang nakadapa basta ang alam ko lang kailangan kong makumbinsi si christine

"n-niella...." hindi kona siya pinatapos sa sasabihin niya dahil natatakot ako sa kung anong isasagot niya

"mahal ka ni walter alam kong ikaw ang tinutukoy niya sa mga kwinekwento niya christine maswerte ka sa dalawang lalaking iyon kaya please tine matagal konang mahal si patrick at gagawin ko ang lahat para hindi siya mawala ulit nagpaubaya nako noon, noong alam kong talong talo ako nagpaubaya ako noon dahil mahal ko siya christine nandiyan si walter kaya ka niyang mahalin ng higit sa pagmamahal ni patrick please christine si pat nalang ang meron ako sa oras na mawala siya ipapakasal ako nila mommy at daddy sa lalaking pinagkakasundo nila sakin yung lalaking..." hindi nako nakapag tapos ng sasabihin ko ng sumagot siya

"alam ko nakita ko kayo" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya ang ibig sabihin ba nito ay matagal na niya akong minamanmanan i mean kami
"oo alam kong sinasaktan kalang ng lalaking iyon, noon pa. Noong ayos pa ang lahat samin"

"c-christine" nasabi ko nalang ang pangalan niya dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko
Itinayo niya na ako at nakatulala nalang ako habang nakatingin sa likod niya na palayo na sa akin

******

Natigil ako sa paglalakad ko ng mapansin ko sa di kalayuan si christine at patrick biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa posibleng maging pag uusap nila

Napatingin din ako sa likudan ni christine na medyo malapit din sa pwesto nila.

Isang lalaking nakatayo at nakatingin sa dalawa. Sa pagkakatingin niya alam kong nasasaktan siya at kinakabahan dahil sa posibleng pag uusap ng dalawa pero nananatili paring kampante ang itsura niya

Nakita kong ayaw bitawan ni patrick si christine kaya lalapit nadin sana ako pero nagulat ako ng mauna na si walter at bigla nitong sinuntok si patrick

"PAT/WALT" nasigaw nalang naming dalawa ni christine

"wag na wag kanang lalapit sa girlfriend ko" galit na tugon ni walter at tumalikod na sila

Ang ibig sabihin ba nito ay hindi siya umamin?

*END OF FLASHBACK

"Thank you tine" nabanggit ko nalang bago matulog habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko at tuluyan na akong natulog

I'M MISSING YOUWhere stories live. Discover now