"good morning pat" agad na bumungad ang mukha niella sa akin
"nasan tayo?" Tanong ko agad at bumangon
"Nakatulog kana kagabi sa kotse kaya at mukang hindi ka talaga magising kaya dinala nalang kita rito sa unit ko" napatango nalang ako sa sinabi niya
"Sorry naabala pa ata kita" paumanhin ko na sinagot niya naman ako ng isang matamis na ngiti
"Anukaba wala yun hehe kumain kana muna oh" ibinigay niya sa akin ang tray na naglalaman ng pagkain
"Ahh salamat pero mauna nako" tatayo na sana ako ng hawakan niya ko
"Sige na kumain kana muna please alam kong pagod ka"hindi nalamang ako nakipag talo pa sakanya
Tinapos ko nalamang ang aking pagkain at maya maya lang din ay nagpaalam na ako
"Niella salamat" nakangiti kong tugon rito na sinagot niya rin ng ngiti
Uuwi na sana ako ng maisip ko dumaan sa unit ni christine
Nanlumo nalang ako ng makita ko ang unit niyang ganun padin ang ayos
*Ring ring
Agad kong kinuha ang cellphone kong may tumatawag
Tinignan ko ang screen at si tita ang tunatawag kaya agad ko rin itong sinagot
"Hello ho tita napatawag ka?" Pormal kong tugon
"Patrick..." panimula nito hindi ko maipaliwanag pero agad na may kabang namuo sa aking mga puso sa hindi ko maipaliwanag na dahilan
Hindi nako nagsalita sa halip ay naghintay nalang ako sakanyang susunod na sasabihin
"Patrick please pumunta ka rito may impormasyo na ang mga pulis tungkol kay christine" agad akong natigilan ngunit may parte sa akin na nakaramdam ng tuwa dahil sa balitang iyon"Papunta napo rito" sabi ko habang isinasara ang pintuan ng unit ni christine
"o siya salamat iho" nag paalam nako kay tita na ibababa kona ang tawag at nag padali nang sumakay sa sasakyan ko
Hindi kona alam kung anong klaseng drive ang nagawa ko para makarating ako ng ganito kabilis rito
Agad na sumalubong sakin si manang na agad na ding pinag buksan ng pinto
"Tita" bungad ko rito
Agad naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako
"bro" tawag ko kay brend ng makita ko ito"Bro" lumapit din siya sa akin at inanyayayahan na kaming umupo sa sofa na kung saan kaharap naming tatlo ang mga pulis wala ngayon ang iba marahil ay hindi na nila ito tinawagan pa
"Kung hindi kami nagkakamali ay kay christine lim ba ang wallet na ito? na kung saan nalagay narin ang litrato niya at ng kasintahan" kinuha koang wallet at sa unang tingin ko palang ay kilalang kilala kona ito agad ko itong binuksan at hindi nga ako nag kakamali dahil nakita ko ang picture naming dalawa rito
Tumingin na ulit ako sa mga pulis pagtapos ko suriin ang wallet
agad ding tumango si tita"Kay christine nga yan" ani brend
"nakita namin ang wallet na iyan sa lugar na kung saan mismo naganap ang isang car accident namakailanman at ang sasakyang iyon ay posibleng sinasakyan niya papunta sa kasal" nabitawan ko ang wallet ng sabihin iyon
hindi! Nagkakamali lang sila
Gusto kong sumigaw gusto ko silang kontrahin pero walang salita ang lumalabas sa aking bibig
"Sinasabi niyo bang naaksidente ang kakambal ko??!"sigaw ni brend kaya hinawakan siya ni tita
"Posibleng ganun nga mr.lim" pormal nitong sagot
"Hindi..." tanging lumabas na lamang sa aking bibig
"Nakita na namin ang katawan ng driver doon na nalaglag sa bundok na malapit sa insidente nakakalungkot mang iparating ngunit hindi na naabutang buhay ang katawan nun ngunit si christine ay kasalukuyan padin naming hinahanap" paliwanag nito kaya napailing nalang ako
"Hindi" ayan nalamang muli ang aking nasabi
"Please gawin niyo ang lahat para makita siya" humahagulgol na pakiusap ni tita
Niyakap ko nalamang si tita at muling pinigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata
YOU ARE READING
I'M MISSING YOU
RomanceBOOK 1 : THE CAMPUS NERD BOOK2: PEOPLE CHANGE BOOK3: I'M MISSING YOU