CHAPTER 28

1K 20 0
                                    

PATRICK'S P.O.V

"WELCOME BACK!!!!" sigaw namin nila klea, dave at niella ng pagpasok na pagpasok palang nila dave dito sa bahay at ikinalat nila dave ang confetti kila brend.

"omygosh so effort naman guys." sabi ni krystal at nag flip pa ng buhok kaya napatawa nalang kami ng mahina.

"yo bro." pacool na sabi ni mark at nag fist bump pa kami tapos ay sinunkd niya si dave ganun din naman ang ginawa ni brend. At nagtabi kaming apat at nagngitian sa isa't isa.

"omg wait picturan ko kayong apat!!" maingay na sigaw ni dianne at kinuha ang camera niya. "ohh nice good shot haha kaso ang panget nung isa hahahaha." at pinagtawanan niya na si brend.

"mas panget ka tsk." asar na sabi ni brend rito.

"pero inlab ka." pagtapos ay dinilaan niya pa si brend na parang nangaasar napansin ko naman na parang namula si brend kaya natawa ako ng mahina at ganun din ang iba.

"inlab ka din naman." banat ni brend at dinilaan din si dianne. Napansin ko ding namula si dianne kaya inasar nalang namin yung dalawa. Sila na nga palang dalawa sinagot narin siya ni dianne pinahirapan lang ng konti si brend dahil sa pagtatalo nila.

Nakita ko namang pasimpleng lumapit si dave sa kapatid ko at pasimpleng inakbayan ito kaya napangiti nalang ang kapatid ko at hinawakan ang kamay ni dave na nakaakbay dito, buti pa ang kapatid ko. Nakita ko rin na lumapit si mark kay krystal at sinubuan ng cake na hiniwa niya na.

"pat gusto mo?" alok sakin ng nasa tabi ko na palang si niella at isusubo na sa akin ang cake pero ngumiti nalang ako at umiling.

"thanks nalang. Guys lalabas lang ako ah." paalam ko sakanila at nagsimula nang lumabas. Ano kaya ang magiging reaction nila sa oras na makita nila si christine? I mean yung kamukha ni christine, si laurene? Aakalain din kaya nilang si christine yun?

"bro." napatingin ako sa tumawag sa akin at bumungad ang makakasalubong ko na boyfriend ni laurene kaya tinanguan ko nalang ito bilang pagtugon. "hindi mo yata kasama si niella."

"kung hinahanap mo siya nandun siya sa bahay niya kasama ang mga kaibigan namin." malamig na tugon ko.

"kaibigan?" nakakunot noong tanong niya kaya napakunot din ang noo ko dahil parang interesado siya. "pwede kobang alamin kung sino?"

"you don't know them so, you don't need to ask them." malamig muli na tanong ko at nagpaumuna nang maglakad narinig ko naman na natawa siya ng mahina pero hindi ko na to binigyan pa ng pansin.

CHRISTINE'S P.O.V

sasakay na sana ako ng kotse ko ng mapansin kong nalaglag ng isang lalaki ang wallet niya sa di kalayuan mula sa akin kaya inilagay ko na muna ang pagkaing ipinamili ko at pinulot ko ang wallet na nahulog.

"mr." tawag ko sa lalaking patuloy na naglalakad papunta sakanya kotse natigilan naman siya sa tawag ko at humarap sa akin. "yung wallet niyo po nalaglag." sambit ko habang inaabot ang pitaka sakanya ngunit diretso parin siyang nakatingin sa akin, na kahit nakasalamin siya at naka sumbrero ay panigurado akong sakin siya nakatingin or should i sag nakatitig. "hello mr." inihawi ko pa ang kamay ko sa harapan ng kaniyang mukha pero wa epek padin kaya tuluyan nang nagkadikit ang kilay ko. Winagayway ko muli ang kamay ko sa  harapan ng kaniyang matang nakasalamin kahit na nagtitingkayad nako dahil sa tangkad niya. "uy ano bayan!" napasigaw nako dahil mukha wala siya sa sarili niya sa inis ko padabog ko nalang na kinuha ang kamay niya at inilagay ang wallet niya. Akmang aalis nako ng hilahin niya ang kamay ko at nagulat ako ng yakapin niya ako kaya nagpumiglas ako pero walang magawa ang patpatin kong katawan sa kaniyang pagkalaki laking katawan. "ANO BA!!" Sigaw ko pero parang wala siyang narinig kaya naiyak nalang ako sa takot na mukhang natauhan naman siya kaya dahan dahang lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin at hinarap ako. Pinunasan niya ang luhang tumulo sa mata ko at inilagay ang kanyang kamay sa pisnge ko.

"shh sorry, a-ako to." literal akong natigilan ng marinig ko ang boses na iyon. Tama ba ko? Please sana mali. Please... Dahan dahan niyang inalis ang kanyang salamin at cup kaya lalo ako natigilan at tumulo na naman ang luha ko hindi dahil sa takot na kagaya kankna kundi dahil sa takot na hindi ko na alam ang sasabihin ko.
"c-christine.." magsasabi bako ng totoo? Pero baka malaman ni patrick sa oras na sabihin ko. "you're alive." nangingiti na tugon niya pero may tumulo nading luha sa kaniyang mata. Marahas kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa aking pisnge at sinuotan ng maskara na isang laurene ang aking mukha.

"c-christine? Sorry mr but i'm laurene bakit niyo ba ko tinatawag sa pangalang yan?" at tumawa pa ako sa paraang kayang pagtakpan ang kasinungalingan ko. Nagulat naman ako ng sabayan niya rin ako sa pagtawa.

"laurene? Haha christine kung maloloko mo sila hindi ako. Kilala kita, naalala mo pa ba ang mga panahong nawala ang nerd na christine. Hindi ka man nila makilala sa new look mo pero kilalang kilala kita ni hindi ako nalito kung ikaw nga ba talaga si christine." natigilan ako sa sinabi niya at nalayuko nalang. Naalala ko nga. "please tinetine kung may problemas ka, kung ano ang dahilan mo kung bakit ka nagsisinungaling na hindi ikaw si christine na hindi ikaw si tinnetine pwede bang ishare mo sakin? Please.."

"alex.." tuluyan nakong naiyak at pangalan niya nalang ang nasabi ko sabay yakap sakanya.

"masaya akong buhay ka." sabi niya habang yakap yakap ako. "salamat dahil nandito ka."

Ikwinento ko kay alex lahat. Lahat ng nangyari sa akin.

"ayaw mong makagulo? Tinetine naman. Ayaw mong makasakit ng iba kaya pinipili mo na akuhin ang sakit?" mahahalata sa boses ni alex na naiinis siya sa ginawa kong desisyon. Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni walter kaparehas na kaparehas ng sinabi niya.

Nandito kami ngayon sa lugar na tahimik. Dito sa village namin dati.

"alex hindi mo maintindihan. Sa oras na malaman ni pat na---"

"sa tingin mo hindi niya malalaman?"

"hindi ko alam." napayuko nalang ako sa tanong niya sa akin dahil hindi ko alam ang sasabihin kay pat sa oras na malaman niyang niloloko ko siya.

"tinetine hindi kita pinaubaya para magpaubaya din." huling salitang sinabi sa akin ni alex bago siya tuluyang umalis at pumunta sa bahay ni niella kung nasaan nandun na daw sila brend. samantalang si mama ay naiwan sa U.S.

Hindi kita pinaubaya para magpaubaya.

Bakit ba paulit-ulit na bumubulong ang salitang iyon sa tenga ko?

I'M MISSING YOUWhere stories live. Discover now