CHAPTER 15

933 19 1
                                        

"uy niella nakikinig kaba?" nakakunot na yung noo ni klea ng sabihin niya yan shems nalutang ako dun

"h-huh? Ano ba yung sinasabi mo?" lutang na sagot ko kaya lalong kumunot yung noo niya

"tsk Di pa naman nakikinig nakakainis ka eh" nagtatampong sabi niya

"sorry na klea may iniisip lang ako" pag aamo ko dito

"iniisip mo na naman si kuya no!" sigaw niya at parang nang aasar yung mukha pag may iniisip ako si Patrick agad?  Hindi ba pwedeng yung nakita ko lang kung may nakita nga ba talaga ako o guni guni lang
"ayan ka na naman nagsasalita na naman ako tas nakatulala ka na naman niella nakakatampo ka na talaga"

"klea sa tingin mo totoo yung multo?" nakanguso kong tugon

"multo?  HAHAHAHAHA NIELLA ANG TANDA MO NA TAKOT KA PADIN HAHAHAHAHA" at humagalpak na nga siya sa tawa tsk kaya ayokong magtanong dito eh

"seryoso kase" lalong humaba yung nguso ko dahil sakanya

"niella alam mo kase..." nakita ko siyang nakatulala sa likod ko kaya kinabahan ako "niella..."

"klea anuba naman yan" naiinis na sabi ko na may kasamang takot na sa boses ko

"NIELLA ANOYANG NASA LIKOD MO!!!" sigaw niya at saktong may humawak sa balikat ko

"WAHHHHHHHHH" pagharap ko ay si daveniel lang pala kaya tinitigan ko silang dalawa ng masama tsk kaya naghahagalpak na sila sa Tawa
"MAGSAMA KAYO!!!'' sigaw ko at aalis na sana kaso pinigilan nila ako

"niella sorry na ikaw kase eh tanda tanda mona may pamulto kapang nalalaman" at niyayakap na ako ng dalawa tsk

"bitawan niyo ko" nagtatampong tugon ko

"sorry na si klea kase eh sinenyasan ako" sinamaan naman siya ng tingin ni klea "joke lang babe" agad na bawi niya kaya natawa ako sakanila

"uy tumawa siya hindi na siya nagtatampo" pangeechos nang magjowa

"che seryoso kase ako" sambit ko

"bakit mo ba kase natanong?" kunot noong tanong ni klea

"para kaseng nakita ko si chris--" napatigil ako sa sasabihin ko ng makita ko na naman siya namamalik mata na naman ba ko?

"uy niella" naririnig kong tinatawag ako ng dalawa pero di ko magawang kumibo
"uy!" sigaw ni klea at napapikit na lamang ako tsaka bumalik sa wisyo ko

"NAKITA NIYO YUN??!!" napasigaw nalang ako ng wala sa sarili matapos kong makaalis sa pagkatulala

"anong nakita?" -klea
"niella ok kalang ba?" -dave

"yung sasakyan" wala sa sariling tugon ko habang nakaturo sa sasakyan na palayo na

"oh anong meron sa sasakyan?" tanong ni dave na nasa sasakyan ang tingin

"si ch-christine" wala sa sarili at nauutal na tugon ko

"huh? Christine?" takang tanong ni klea na sinagot ko nalang ng tango
Tumawa nalang si dave

"niella matagal nang wala si christine" seryosong tugon ni klea na nakatingin ng diretso sa mga mata ko

"Pero--"hindi ko natapos ang sasabihin ko ng

"Anong meron? Nagsosolo kayong tatlo ah" marinig kong nagsalita si patrick sa likuran ko di ko alam pero bigla nalang akong naistatwa dahil sa presensya niya at dahil narin sausapan namin

"Ito kase si nie---" hindi ko na pinatapos pa si dave sa balak niyang sabihin

"W-wala hahaha m-may napag usapan lang kami" hayyst baka nga guni guni ko lang yun at kung sakaling hindi man yun isang guni guni hindi narin kailangan pang malaman ni pat

"Ano naman yun ah?" Nakangiting sambit ni pat at ginulo ang buhok ko

"Secret tara dun muna tayo sa loob" at hinatak kona si pat papasok pero bago makapasok ay napatingin ako kay klea at dave na parehas nakatingin ng diretso sa akin kaya binigyan ko nalang sila ng isang ngiti at tingin na nagsasabing 'kalimutan nalang natin yun dahil wala lang ang bagay nayun' pero nakatingin parin sila ng diretso hanggang makapasok kami ni pat sa loob ng bahay

I'M MISSING YOUWhere stories live. Discover now