CHAPTER 29

1K 13 0
                                    

hindi kita pinaubaya para magpaubaya.

"hayys alex naman kase eh!"

"what's wrong with you?" kunot noong tanong sa akin ni walter.

"wala!"

"kaya pala kanina kapa sumisigaw diyan." pinagtatawanan niya na ako kaya inirapan ko nalang siya at lumabas na ng bahay. Per mukhang wrong move ako dahil nakita ko roon si alex. "bakit ka nandito?"

"nung isang linggo magkita tayo sinundan kita eh hehehe nakikita kitang nalabas pero di kita tinatawag dahil kasama ko sila patrick lagi." nginitian ko siya at nilapitan.

"buti naman na isip mo yan lex." biro ko sakanyan.

"syempre naman may isip ako."

"we? May isip ka pala." biro ko kaya nakatanggap ako ng batok muli sa isang to kaya sinamaan ko siya ng tingin at nag peace sign siya.

"Batukan din kita diyan eh!" Lumapit naman siya at niyakap ako na parang naglalambing o sabihin nating nang uuto.

"Hayy naku tinetine namiss talaga kita." Paglalambing niya kaya napangiti naman ako. "Namiss mo ba ko tine?" At tinaas babaan pa ako ng kilay.

"Hindi." Sasabat na sana siya pero pareho kaming natigilan ng may isang pamilyar na boses ang nagsalita.

"Alex?"

PATRICK'S P.O.V

"alex?" napatanong ko nalang ng makita kong kausap ni alex si laurene at parang may iba. Tila sobrang close nila at nagyayakapan pa sila.

Dahan dahan namang napabitaw si alex kay laurene at pareho silang hindi makatingin sa akin ng diretso, parang may iba.

"alex kilala mo pala siya." nakangiti kong tanong pero hindi ko maalis ang pagdududa sa pananalita ko.

"ah p-patrick y-yeah kilala ko nga siya s-si ano nga pala si laurene." sabi niya at pilit na ngumiti kaya kahit parang may nararamdaman akong kakaiba ay ngumiti nalang din ako ng pilit sakanya. "nakilala mo na ba siya pat?"
Tumango naman ako at ngumiti sakanya.

"hawig niya si christine. Yun yung dahilan kung bakit ko siya nakilala."

"pero hindi siya si christine!" natigilan naman ako ng magtaas ang boses niya na mukhang natauhan naman siya kaya ngumiti siya.

"wala naman akong sinasabi alex." nakakatitig ako sakanyang mata habang ngingiti ngiti na sinasabi yan.

"ah yeah.. Haha akala ko kase--"

"CHRISTINE??!!" hindi na natapos pa ni alex ang sasabihin niya ng may pamilyar na boses ang sumigaw at pagtingin namin ay nandun sila brend,mark,dianne,krystal na kasama sila dave at klea. Pipigilan sana sila ni dave at klea pero tumakbo na agad sila at yumakap kay laurene.
"bal namandito ka." nakangiting sabi ni brend pero parang maiiyak na siya kaya napayuko nalang ako.

"hindi siya si christine." nakayuko din na sabi ni klea napansin ko namang nasundan yun ng pagpalo ni laurene sa ulo niya kaya napakunot ang noo ko. Parang may gusto siyang sabihin, parang may gusto siyang gawin pero hindi niya magawa. May itinatago ba si laurene? O ganun lang talaga siya?

"anong sinasabi mo klea? Nagpapatawa kaba? Paano mo nasasabing hindi siya si christine? Nakoo hahah don't us." natatawang sabi ni krystal pero naiiyak nadin siya dahil sa nakikita niya ngayon ang tinatawag niyang christine. Kumalas naman si laurene sa yakap ng mga kaibigan ko at ngumit... Isang pilit na ngiti. Dahilan para lalong kumunot ang noo ko tinitigan ko ang mga mata niya at nakita kong napadako ito sa pwesto ni niella pero napayuko lamang si niella. Bakit ganun yung tingin niya? Ngumiti ulit siya ng pilit.

"i'm sorry." nakita ko ang lungkot sakanyang mga mata bago siya tuluyang tumalikod at umalis dahilan para lalong ikanuot ng noo ko. Tinatawag siya nila nila brend except kila klea,dave,alex,niella at ako ngunit mabilis at tuloy-tuloy lang siyang naglalakad. Bakit ganun? Bakit parang may iba? Bakit may nararamdaman akong kung ano sa puso ko? Bakit kahit alam kong siya si laurene ay sinisigaw ng puso ko ang pangalang christine lim? Bakit ganito? Desperado naba talaga akong bumalik siya? O sadyang nakikita ko lang sakanya si christine?

Christine's p.o.v

Palihim kong sinundan si brend hanggang sa makita kong tumigil siya sa isang bahay. Paniguradong nandito si mama. Nangako ako kay niella na hindi ko na siya guguluhin pero hindi ibig sabihin nun na mag sisinungaling ako pati sa pmilya ko.

"katukin mona sila." tumatangong sabi ng nagmamanehong si walter sa akin.

"paano kung--"

"paano kung ano? Natatakot kang pati sa pamilya mo magpakilala dahil ano?! Dahil baka malaman ni patrick?! Baka magalit si niella? Baka ipakasal si niella ng mommy niya sa iba sa oras na makilala ka ni patrick at posibleng bumalik siya sayl?!! Pwede ba christine isipin mo nga yung sarili mo! Natatakot kang makasakit ng iba kaya sarili mo nalang lagi ang sinasaktan mo!! Please christine.. Mahal kita at nasasaktan ako pag nakikita kang nasasaktan!" natigilan ako sa pagtaas niya ng boses pero mas natigilan ako sa huli niyang sinabi hindi ko alam pero bigla nalang akong napaluha sa sinabi niya hindi ko alam kung dahil ba sa huli niyang sinabi o dahil sa tinamaan ako sa sinabi niya o kaya parehas.

"w-wal--" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng hatakin niya ako sabay yakap at pinunasan ang luha kong tumutulo na.

"shh i'm sorry kung nataasan kita ng boses, ayoko lang na makita kang nasasaktan. At oo mahal kita christine gustuhin ko mang maging masaya dahil alam kong mas mabibigyan ako ng tyansa sa oras na malayo ka kay pat ngunit hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil alam kong hindi ka masaya. Nasasaktan ako sa tuwing maririnig ko ang hikbi mo tuwing gabi sa tuwing makikita ko ang mga malulungkot mong mata na nakatingin lagi kung nasaan siya kaya please christine hindi ko hinihiling na mahalin mo din ako pero sana mahalin mo yung sarili mo gusto kong maging masaya ka. Pwede ba yun?" hindi ako nakasagot sa sinabi niya at niyakap ko din siya naramdaman ko namang parang may tumutulo na din na luha sakanya. Narinig ko siyang napatawa ng mahina. "hindi ko akalaing mangyayari to haha." natatawa niyang sabi sa sarili niya. "akalain mo nga namang dadating ang araw na magmamahal ako." tumingin na siya sa akin ng nakahiwalay na ang yakap namin sa isa't isa pilit siyang ngumiti sa akin. "pwede bang wag kang magtitiwala basta basta?" nagtaka naman ako sa tanong niya. Simpleng tanong pero parang may laman.

"a-anong--?" di niya na naman ako pinatapos at binuksan na ang pintuan tsaka pinahid ang kaniyang luha.

"wala." bastos to! kanina pako hindi pinapatapos. Hinawakan niya ako sa kamay at sabay kaming pumunta sa harap ng gate kung nasaan sila brend ngayon. pinunasan ko naman ang luha ko ng nag doorbell na siya ng sunod-sunod para siyang batang nagdodoorbell na hindi makapaghintay kaya palihim akong napatawa. "wag mokong tawanan." naka pout pa siya kaya pinitik ko ang nguso niya at tinawanan ang reaction niya.

"sino yan---CHRISTINE?!!" natigil ako ng pagtawa ng makita ko si mama na nasa harap na pala ng gate. "CHRISTINE!!!" muli niyang sigaw kasabay ng pagyakap sa akin.

I'M MISSING YOUWhere stories live. Discover now