CHRISTINE'S P.O.V
bigla akong napatalikod sa pupuntahan ko ng makita ko si patrick akala ko tuluyan nakong makakatakas sakanya, pero biglang may kamay na nakahawak sa wrist ko kaya napapikit nalang ako. What can i do? Help me. Buiset na puso to, ang lakas ng kabog. Pumikit ako ng madiin at huminga ng malalim tsaka ko siya hinarap.
"c-christine." biglang nadurog ang puso ko ng banggitin niya ang pangalan ko, pero hindi kailangan kong tatagan ang loob ko. Ayokong masaktan siya pero ayokong maging selfish. I mean ayokong mapahamak si niella naging kaibigan din siya sa akin noon kahit na maiksing panahon. Kasalanan koto dahil kung hindi ako nawala edi sana hindi siya nabuhayan ng pag asa na mamahalin din siya ni pat, edi sana tanggap niya na, edi sana nakagawa pa siya ng paraan tungkol sa lalaking gustong ipakasal sakanya. Aish, christine.
"c-christine." nang banggitin niya ulit ang pangalan ko ay pilit ko siyang tinignan ng diretso sakanyang mata, kahit na masakit."it's you again. Sorry mr but i'm not her, I'm laurene. Sinabi kona iyon sayo. so please stop calling me that name" kahit ayoko ay pilit kong tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sakin.
"s-sigurado kaba?" ewan ko pero anytime parang tutulo na yung luha ko dahil sa nakikita kong reaction niya. Tila doble yung sakit na nararamdaman ko sa nararamdaman niya. Ang sakit lang makita na nasasaktan yung mahal mo at ikaw pa ang dahilan.
"ofcourse." nakita kong hindi naman siya nagsalita kaya ginamit kona ang pagkakataong iyon para umalis. Pero sa kamalas malasan ay bigla pakong nadulas. Napapikit nalang ako at hinihintay ang pagbagsak ko sa lupa, hinihintay na sumakit yung likod at pwet ko sa pagkatumba, pero...
May kamay na nakahawak sa bewang ko kaya dahan dahan akong napadilat.
*dug dug dug
Ito na naman ang malakas na tibok ng puso ko habang nakatitig sakanya. Lalo siyang gumwapo at pumayat siya ng konti. Nagkakakain ba ang isang to? Dahan dahan namang lumalapit ang mukha niya sakin, sobrang lapit na ng mukha namin. Hindi ko alam pero this time hindi ko magawang pigilan yung sarili ko, hindi ko magawang pigilan ang nararamdaman ko. Napapikit nalang ako dahil mukang hindi ko na talaga kayang pigilan ang sarili ko kahit gustong gusto kong umalis sa pagkakahawak niya ay hindi ko magawa. Malapit ng lumapat ang labi niya sa akin pero---
"kuya pat?/patrick??" napatigil siya kaya ginamit kona ang pagkakataong iyon para kumalas sakanya. Muntik na ako doon. Pero teka-- ang boses na iyon? Ano nang gagawin ko?
"anong ginagawa mo---" napatigil si klea sa sasabihin niya ng mapatingin siya sa akin ganun din ang nangyari kay dave ng makita ako. "c-christine?" sabay na sabi ng love bird na ito at tinumog na ako ng yakap. Parang anytime maiiyak na ako dahil sa ginagawa nilang dalawa. Bakit sila lang? Nasan sila brend? Gusto kong itanong pero hindi ko magawa. Malalaman lang nila ang totoo, at ayokong makagulo pa sakanila. Iaangat kona sana ang kamay ko para yakapin sila pabalik..."dave, klea, hindi siya si christine." agad ko ding naiibaba ang kamay ko ng sabihin yan ni pat.
Muntik na naman ako.
Napanitaw naman agad sakin yung dalawa at tumawa pa ng peke. "anong sinasabi mong hindi siya si christine bro? Corny mo talaga mag joke." sabi ni dave na nakita kong parang naiiyak nadin.
"hindi tala---" hindi ko na pinatapos si patrick sa sasabihin niya dahil hindi ko na talaga matagalan to.
"i'm laurene so please kung sino man yung christine na sinasabi niyo nagkakamali kayo ng taong tinatawag niyo." ngumiti pa ako para hindi nila mahalata ang boses ko.
"mag ingat ka nalang laurene baka sa susunod hindi na kita masalo." ewan ko pero sa simpleng salita na iyon ay parang nabiyak pa lalo ang puso ko. Parang doble meaning ang naging dating sa akin ng simpleng salita na iyon. Tumalikod nalang ako agad na saktong pagbagsak ng luha ko.
"thank you." pilit kong tinigasan ang boses ko ng sabihin ko iyan para hindi nila mahalatang ang sakit na nararamdaman ko.
"bakit?" biglang tanong ni walter pag pasok na pagpasok ko sa bahay
"huh?" tanong ko kahit na alam ko naman na ang ibig sabihin niya, alam kong nakita niya ang nangyari kanina. Alam kong itinatanong na naman niya ang tanong na, bakit pilit kong ginagawa kahit na nasasaktan na ako.
"you know what i mean." ewan ko kung matatouch ba ako dito o maiinis dahil sa ngiti niyang pang asar. Hindi mo alam kung seryoso ba talaga siya o nang titrip,
para siyang si patrick noon.
Erase. Erase. Bakit ba sa lahat ng bagay naiisip ko na naman siya? Lalo lang akong nasasaktan.
"tsk, i don't know what your talking about." kunyari ko nalang na sabi para hindi na ma open yung topic.
"you don't know? Or...." lumapit pa siya sakin na may nakakalokong ngiti. "ayaw mong ma open pa ang ang masakit na topic na ikaw din naman ang gumagawa?" tumayo nalang ako sa inis dahil tinawanan niya pa ako. Alam niyo yung nasasaktan kana pero may taong tinatawanan kapa? Kainis diba? Padabog akong naglakad pero sa kamalas malasan na out of balance ako, akala ko ay tuluyan nakong mahuhulog sa sahig pero naramdaman ko ang isang kamay na nakahawak sa bewang ko. Dahan dahan akong napadilat mula sa pagkakapikit at bumungad sa akin ang mukha ni walter. Ang seryoso niyang mukha. Nakatitig lang siya ng seryoso sa akin at parang unti unti nang lumalapit sa akin ang mukha niya, bigla ko namang naalala yung kay patrick kanina. Nanlaki ang mata ko ng matauhan akong malapit na talaga ako mukha niya. Awkward akong lumayo sakanya at mukang hindi naman siya makatingin sa akin. Bakit ba pati dito kay walter si patrick na naman? Aish.
"mag ingat ka nga!" sigaw nalang niya at nauna pa siya sakin mag walk out.
Eh? Anong nang yari dun? Para talaga siyang si---
Aish, christine tama na!! Ayoko na!!bakit lagi nalang bang parang siya yung lahat ng bagay?!
YOU ARE READING
I'M MISSING YOU
عاطفيةBOOK 1 : THE CAMPUS NERD BOOK2: PEOPLE CHANGE BOOK3: I'M MISSING YOU