SYNOPSIS

47.9K 527 12
                                    

Pag minahal mo ba ang isang tao dapat rin ka ba niyang mahalin pabalik? Dapat bang hindi ka niya saktan......o iwanan?

Pero paano kung kinakailangan mo talaga siyang iwanan para sa pangarap mo?



Para sa isang Jasmine Faith Cullen, kaya niyang iwanan ang lahat para sa kanyang pangarap. Kasikatan, kaibigan at maging ang pinakamamahal niyang lalaki ay kaya niyang iwan para sa matagal na niyang pangarap na makapag-aral sa London. But don't get her wrong, mahal na mahal niya ang boyfriend niya. Sadyang natakot lang talaga siya na sabihin sa isang Clinthon Littman na ubod ng gwapo, kakisigan, kasikatan at hinahangaan ng lahat, na kinakailangan niyang umalis para sa kanyang pangarap na makapag-aral sa London. Natakot siya na baka hindi maintindihan ni Clint na kailangan niyang umalis at hindi siya nito payagan. At baka makipag-break lang ito sa kanya. Kaya naman, dala ng takot at pagka immature ni Jasmine, nagawa niyang iwan si Clint ng walang pasabi. Umalis siya ng Pilipinas ng hindi man lang nagpapaalam sa kahit na sino. Dala niya papuntang London ang malaking pag-asa na sana sa huli, hindi magalit sa kanya si Clint.


Lumipas ang dalawang taon at sa pagbabalik ni Jasmine sa Pilipinas, masasaksihan niya ang malaking pagbabago. Ang dating lalaking minahal siya ng sobra noon, ngayon may mahal na itong iba. And worse, ang babaeng mahal na nito ngayon ay ang dati niyang kaibigan na si Klare Chua.


Handa nga ba si Jasmine na ipaglaban ang pagmamahal niya kay Clint o hahayaan niya na lang ito para hindi na siya makagulo sa relasyon nina Clint at Klare. O baka naman.......handa siyang maging isang intruder para sa pagmamahal niya kay Clint. Well.......

I'm Making Out With My Ex [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon