Kabanata 28: Isang yakap lang
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog sa sobrang pagod at kaiiyak kanina. Kinusot ko ang mga mata ko saka tumingala sa langit. Papalubog na ang araw.
Napangiti ako ng mapait sa lamig na naramdaman sa tiyan ko. Wala man lang bang nagtaka kung nasaan ako? O wala man lang bang nakapansin na naririto ako? Hindi man lang nila ako ginising. Kung sabagay, sino ba naman ang mag aakalang nandito ako sa may malaking puno na medyo malapit sa soccer field. Alam kasi ng mga estudyante na mainit sa soccer field tuwing mga 9am to 1pm. Pero kahit na. Imposibleng wala man lang nakapansin ni isa sa akin dito.
Muli kong nilibot ng tingin ang buong paligid. Halos wala nang estudyante akong nakikita ngayon. Malamang kanina pa nagsi-uwian ang karamiham.
Tumayo ako saka ko pinagpag ang damit ko. Hindi na naman ako nakapag practice kanina. Baka mamaya niyan hindi na talaga ako payagang sumali sa competition.
Halos mapatalon ako ng bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Bored ko itong kinuha sa bag ko at ganun na lang panlalaki ng mga mata ko ng makita kong si Clint ito.
Parang automatic na nag flash sa isip ko iyong picture na nakita ko kanina at nung nakita ko sila ni Klare kanina na magkasama.
Napa buntong-hininga na lang ako ng tumigil din sa kakaring ang cellphone ko. Kinalkal ko ito at nakita kong may iilang tawag na rin pala siya simula kaninang 9am pa lang. May tawag rin na mula kina Elsie. Maging si Josh na masungit, sumubok rin akong tawagan. Huli kong tiningnan ang mga mensahe.
Clint:
Jasmine where are you? We need to talk.
Napatitig ako saglit sa unang mensahe na nabasa ko. Kaninang mga 9am pa itong unang mensahe ni Clint.
Clint:
Damn! Where are you? Please tell me where you are baby.
Clint:
I will explain everything love. Just tell me where you are....
Clint:
Fuck all them! I will kill them one by one if I couldn't see you now....
Napalunok ako habang nakatitig sa text ni Clint bago ko itinuloy ang pagbabasa sa iilang mensahe pa.
Elsie:
Girl asan ka? Okay ka lang ba?
Josh:
Where are you Jas? Let me pick you up?
Logan:
Asan ka Jas? Baka mag suicide si Clint pag di ka makita nito. Hahaha
Napa 'tss' na lang ako sa text ni Josh. Akala naman ng isang ito kung nasaan ako na kailangan pa talagang kunin. Habang napa ngiwi naman ako sa text ni Logan. Siraulo talaga ang isang iyon.
Elsie:
Si Clint nagwawala na. Asan ka ba?
Kumalabog ang puso ko sa mensaheng iyon galing kay Elsie. Kaninang 11am pa itong message niya.
Clint:
Darling, I miss you. Call me when you received his.
Clint:
I love you so much. Always remember that.
Parang kinukurot ang puso ko sa mensahing iyon ni Clint.
BINABASA MO ANG
I'm Making Out With My Ex [COMPLETED]
RomanceWARNING: SPG | R-18 | They hold each others hand. They kissed. They cuddle. They make out. They can do whatever they want to do even they're already broke up. Landian nga lang ba o talagang mahal pa rin nila ang isa'-isa? Former Title: The Extension...