Kabanata 6

26.7K 410 16
                                    

Kabanata 6: You need help

JASMINE POV


It's been 2 weeks. 2 weeks na ang nagdaan matapos iyong nangyari sa amin ni Clint at iyong muntikan na namang mangyari sana sa amin doon sa janitor's room.



Dalawang linggo na rin kaming nag-iiwasan ni Clint. Minsan lang din naman na kami magkita dito sa campus. Sa bahay naman, minsan lang din kami kung magkita. Minsan kasi, papasok na ko pero hindi pa rin siya bumababa. Minsan naman, nauuna pa siyang pumasok sa akin. Hindi rin naman pareho ang time ng uwian namin kaya hindi talaga kami magkita-kita.



Natigilan ako ng muling mag flashback iyong nangyari sa amin sa janitor's room. Yung gulat niya nung mag sorry ako. At ako rin, nagugulat ako sa sarili ko kung bakit bigla na lang din akong nag sorry sa kanya.



"Hays! Bakit ba kasi ako nag sorry sa kanya?" Bigla kong naihagis iyong isang pana na ikina bigla naman ng mga kateam mates ko dito sa Archery team.



"Uy, Jas. Okay ka lang ba?" Lumapit sa akin si Elsie.



Ngumiti naman ako ng pilit. "Noy really." Sabi ko saka sumimangot.



Natawa naman siya saka ako tinabihan. "Naalala ko dati, napaka strict mo sa cheerleading. Ayaw na ayaw mo noon na may nagkakamali kahit konting-konti lang." Bigla siyang nag kuwento na ikina gulat ko naman. "Kaya nga inis na inis ako noon sa iyo eh. Napaka arte mo rin kasi noon. Tanging si Klare nga lang iyong nagtitiis sa ugali mo. Kaya nga nagulat kaming lahat kung bakit bigla-bigla ka na lang umalis ng walang paalam." Bigla siyang ngumiti ng mapait. "Akala ko noon, kaya ka nag iistrict sa amin dahil sadyang mataray at wala ka lang talaga pakialam sa amin. Pero nagkamali ako." Nailing siya bigla. "Simula noong umalis ka, si Klare na iyong pumalit sa posisyon mo." Ngumiti naman ako ng mapait sa sinabi niya.



Oo nga eh. Pati sa ex-boyfriend ko inagawan ako ng posisyon. Well, hindi ko rin naman siya masisisi. Break naman na kami nun siguro nung maging sila na.



"Ibang-iba siya sa'yo." Dugtong niya saka natawa. "Kung ikaw, hindi mag sisimula ang practice natin pag wala ang iba o kahit ang isang member natin, hinding-hindi talaga tayo magsisimula. Pero si Klare? Ha! Wala siyang pakialam sa amin. Hindi niya nga inaalam kung may absent ba o ano eh. Basta ang mahalaga lang sa kanya, lagi siyang nag i'stand out. Kaya ayun, simula nung siya na ang naging captain ng team, hindi na ulit nanalo ang school natin sa mga cheering squad competation." Malungkot niyang sabi.



"Kaya ba umalis ka sa team? Dahil hindi na kayo nanalo?" Napatanong ako bigla.



Ngumiti siya. "Siguro isa na rin iyon sa mga dahilan. Pero habang tumatagal kasi na nasa cheering team ako, hindi na rin ako nagiging masaya. Ang dami kasing nagbago." Tumayo siya saka kinuha iyong ibinato kong pana kanina. "Hindi lang naman ako ang kumalas sa grupo. Yung iba lumipat ng school at course. At ako, ito ang pinili ko." Aniya saka masayang tiningnan yung pana. "Gusto ko ng kakaiba. Kaya sinubukan ko ito. Di ko naman inaakala na mamahalin ko na rin pala ito." Tumawa siya.



Napangiti naman ako. "Pareho tayo. Noon, ang alam ko lang gawin eh ang magpakasaya. Puro sarili ko lang noon ang iniisip ko. Pero simula nung nag archery ako, nagbago ang lahat." Napangiti ako ng maisip ko kung ano ang naging magandang dulot sa akin ng pag a'archery nung nasa London pa ako. Kahit hindi ko naman talaga gusto ito sa una. Napilitan lang akong mag archery noon dahil kay Daddy. "Tinuruan ako ng archery kung paano ang tamang pag asinta. Hindi lang sa target point. Kundi kung paano ang tamang pagpapahalaga sa bawat galaw na iyong gagawin at sa bawat bibitawan, siguradohin mong sa tama ito tatama o mahuhulog. Tinuruan din ako ng archery kung paano lumaban ng tama." Napangiti ako. "Inaamin ko, nung una ayoko talaga sa sport na ito. Inisip ko rin kasi noon iyong mga iniisip ngayon ng iba na hindi babagay sa akin. Pero nagkamali ako, dahil ngayon, masasabi kong bagay na bagay sa akin ang sport na to." Muli akong ngumiti.



I'm Making Out With My Ex [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon