Kabanata 4

30.5K 447 12
                                    

Kabanata 4: Concern



"Oh my gosh!" Bulalas ko ng magising ako at nang mapagtanto ko kung anong nangyari kagabi.




Pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto. Hanggang sa napansin ko ang ingay ng tubig ng shower na nang gagaling sa banyo. Oh shit!




Agad akong napalingon sa maliit na orasan sa side table at ganun na lang ang pag panic ko ng makita kong malapit nang mag 7 am.




Tumayo agad ako saka pinulot isa-isa ang mga dapat kong isuot.




Agad akong nagtungo sa kwarto ko at dire-diretsyo sa banyo.




Kinapa ko ang kaliwang dibdib ko.




"Kinabahan ka ano? Akala mo maaabotan ka niya." Sabi ko sa reflection ko sa salamin.




Muli kong inalala iyong mga nangyari kagabi. Damn it! Bakit ba ko bumigay? At bakit namin ginawa iyon? Tsaka bakit parang gustong-gusto ko yung nangyari? Ni wala nga akong bahid ng pagsisisi na nararamdaman eh.




Aish. Hayaan mo na. Hindi naman na mauulit yun.




Bumaba agad ako ng matapos akong maligo at mag-ayos ng sarili. Infairness ha, maganda itong uniform ng Weston Academy. Nagmukha akong highschool student. Tss




Para akong tinuklaw ng ahas ng makita ko si Clint na nasa hapag na. Para bang gusto kong tumakbo pabalik ngunit ayaw namang sumang-ayon ng mga paa ko.




Darn! Akala ko kanina pa to umalis. Nauna siyang naligo sa'kin ah?




"Oh, Jasmine!" Halos mapatalon ako sa gulat. "Come here. Kumain ka na dito." Aniya Tita dahilan para mapalingon sa akin si Clint at Justin.




Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko ng makita kong pinasadahan ng tingin ni Clint ang kabuuan ko. At nang magtama ang mga namin, biglang sumilay ang mala demonyong ngisi sa kanyang labi saka niya kinagat ang kanyang lower lip. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Argh! Gustong-gusto ko siyang sugurin ngayon at pagsusuntukin dahil alam kong ganito ang style niya pag gusto niyang maasar ako.




Mataray kong inirapan si Clint bago dumeritsyo sa tabi ni Justin.




"Good morning po, Tita. Kararating niyo lang po?" Pinilit kong hindi mailang kay Clint. Kailangang hindi mapansin ni Tita na naiilang ako sa anak niyang ang gwapo nga, mapagsamantala naman ng kahinaan ko. Ayts!




"Ah, oo. Kararating ko pa lang. By the way, kumusta pala? Nakabili ka na ba ng bagong cellphone?" Na'eexcite na tanong ni Tita na ikina kunot noo naman ni Clint at Justin habang sumilay naman sa labi ko ang malapad na ngiti.




"Bumili ka ng cellphone? Woah! May pera ka pala eh." Aniya Justin dahilan para samaan ko siya ng tingin.




"I don't have money okay. Tss." Irita kong bulong sa kanya bago muling nilingon si Tita Clarissa. "Ah opo, Tita. Thank you po ulit doon sa bigay niyo. Babayaran ko na lang po pag dumating na sina Papa."




Agad umiling at tumawa si Tita. "Ano ka ba?! It's okay na. Hindi mo ko kailangang bayaran. Isipin mo na lang, that's my welcome present for you." Aniya Tita.




Napa ngiti at napa tango na lang ako.




"Woah. Ikaw siguro iyong tumatawag sa akin kahapon no?" Singit na naman ni Justin.




I'm Making Out With My Ex [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon