Kabanata 15

23K 378 25
                                    

Kabanata 15: Pagnanasa lang


Inis akong bumangon sa pagkakahiga ng marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto.


Halos magmura ako ng paulit-ulit sa isip ko ng lingunin ko ang mini clock na nasa center table. Nakita ko ang oras na alas tres pa lang naman ng madaling araw.


"What the hell?!" Bulalas ko saka dali-daling tumayo at nagtungo sa pinto.


Bumuntong-hininga ako bago ko tuluyang binuksan ang pinto. Bumungad agad sa akin ang naka kunot noo at halatang galit na si Justin.


"For God sake, Justin! Do you know what time is it? It's still midnig---"


"Do you know what time is it?" Panggagaya niya sa tanong ko na binahiran naman niya ng pagka sarkastiko. "Do you know what is going on?" Bulyaw niya sa akin.


Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya saka ako napatingin sa suot niya.


Napatakip ako sa bibig ko ng maalala kong may party nga pala kagabi dito sa bahay nina Clint dahil birthday niya.


"W-what's going on, then?" Nag-aalangan kong tanong.


Nailing si Justin saka siya napaka hawak sa sintido niya.


"My God, Jas! Everyone is looking for you. Akala nila umalis ka ng hindi man lang nagpapaalam kahit kanino." Automatic na nanlaki ang mga mata ko sa sinabing iyon ni Justin. "Clint got furious. Nag away pa sila ni Vince dahil hindi ka man lang daw niya sinamahan. Nagkagulo kaya. Tapos ngayon nagtatawag pa sila ng search and rescue tea---"


"Wait? What? Teka, teka! Isa-isa lang, Justin. Ipaliwanag mo ng mabuti. Anong nangyari?" Nagugulohan kong tanong ngunit na iling lang si Justin saka niya ako sinamaan ng tingin.


"Mabuti pang bumaba ka muna. Talk to them. Nag-aalala sila sa'yo. Tss!" Aniya saka muling umiling.


Kumunot ang noo ko. "Teka, ikaw ba hindi nag-aalala sa akin?" Tumaas ang kilay niya sa tanong ko.


"Why should I? Alam ko namang nasa kwarto ka lang. Tss!" Aniya saka sarcastic na ngumisi. "Nakita kitang pumasok sa kwarto mo. Hinintay kita ng ilang minuto kasi hihiramin ko sana iyong usb mo. Pero hindi ka na lumabas. Kaya naman pumasok na rin muna ako sa kwarto ko. Kaso, nakatulog ako." Bored niyang sabi.


"What? Then paano mo nalaman na pinaghahanap nila ako?" Pagtataka ko.


Umirap siya saka ngumiwi. "Kinatok kaya ni Clint ng ilang beses iyong pinto ng kwarto ko. Syempre, sinong hindi magigising eh sa katok pa lang ni Clint sinasabi nang sila ang may-ari nitong bahay kaya dapat ko siyang pagbuksan." Tumawa siya saka humikab. "Tapos bubungad sa akin ang isang parang hopeless man na si Clint at sinabing nawawala ka. Tss!" Aniya saka muling na iling. "Sinabi rin ni Tita ang nangyari nung bumaba ako. Naalala ko bigla na pumasok ka sa kwarto mo kagabi. Kaya naman chineck ko kung nandito ka pa." Aniya saka ngumisi. "And you're here." Umismid siya.


Napahilamos naman ako sa sarili kong palad dahil sa mga narinig ko. "Nasa kwarto lang naman ako, ah?" Wala sa sarili kong sabi.


Bumuntong-hininga si Justin saka ako hinila pababa. "Let's go. Bago pa sila tuluyang magtawag ng search and rescue." Natatawang aniya Justin.


Wala naman akong nagawa kundi ang magpatianod na lang sa hila niya.


Hindi pa man kami tuluyang nakakababa eh kumalabog na agad ang dibdib ko ng marinig ko ang boses ni Tita Clarissa na halatang nag-aalala ng sobra.


I'm Making Out With My Ex [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon