Kabanata 27

19K 298 11
                                    

Kabanata 27: Picture


Sa sobrang pagod na rin siguro nung araw na iyon, eh agad akong nakatulog nang makauwi ako sa bahay. Kinabukasan naman, na late pa ako ng gising. Buti na lang talaga at exempted kaming mga archers sa mga minor class namin. Simula kasi kahapon, puro practice na lang ang ginagawa namin para sa competition this Friday.


Bumaba agad ako ng matapos kong gawin ang rituals ko before I go to Weston University.


Hindi na ako nagtaka ng madatnan kong si Manang Luisa lang ang tanging makikita ko ngayon bago ako pumasok. Mag na'nine-thirty na kaya malamang kanina pa umalis sina Mama at Papa, lalo na si Justin.


"Oh, hija! Akala ko hindi ka na papasok eh. Teka sandali, ipaghahanda kita ng almu---"


Agad kong pinigilan si Manang. "Huwag na po, Manang. Sa school na lang po ako kakain." Ngumiti ako. "Mauna na po ako." Tumango lang si Manang saka siya sumunod sa akin patungong gate.


"Gusto mo bang ipang tawag kita ng taxi?" Agaran akong umiling.


"Huwag na po. Sige po, Manang. Isara niyo na po ang gate." Agad namang sinunod ni Manang ang palaging binibilin namin sa kanya tuwing siya lang itong mag-isa sa bahay. Iyon ang laging isasara at ilalock ang gate.


Agad akong nag lakad palabas ng village. Hindi naman gaanong malayo ang bahay namin sa labasan kaya agad rin akong nakarating sa kung saan madalas mag abang ng sasakyan.


Mabilis lang akong nakasakay sa isang taxi. At dahil hindi naman gaanong traffic, nakarating din agad kami sa Weston.


Pagka-abot ko ng bayad sa driver, nagmadali akong lumabas ng taxi saka dali-daling pumasok at saka ako nag half walk and run papuntang canteen.


Alam kong break time na ngayon. Sasabay na ako sa pagkain para hindi ako manghina sa practice.


At gaya ng ineexpect ko, sobrang dami na naman ng tao ngayon sa loob ng canteen. Agad hinanap ng mga mata ko sina Elsie, kung naririto man sila. At agad akong naka ginhawa ng maluwag ng makita ko sila ni Roan sa palagi naming kinakainang mesa.


Pahakbang na sana ako para lumapit sa kanila ng bigla rin akong matigilan ng makita ko si Gwen at ang dalawang alipores niya na lumapit kay Elsie at Roan.


Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa bawat pag buka ng bibig ni Gwen. I'm trying my best to understand kung ano man ang mga pinagsasabi niya sa dalawa kong kaibigan pero sadyang hindi ko talaga magets. Pero sa reaction nina Elsie at Roan, mukhang hindi ata nila na gustuhan ang sinabi ni Gwen kaya pareho silang napataas ng kilay.


Walang emosyon akong lumapit sa mesa nila.


"I have proof. Wanna see it?" Mayabang na aniya Gwen.


Tumikhim ako kaya agad silang napalingon sa akin. Nanlaki ang mga mata ni Elsie ng makita ako habang si Roan naman ay agad napa irap at ang hindi ko maintindihan, kung bakit ang laki ng ngisi ni Gwen.


"Finally, you're here." Aniya Gwen habang tutok na ang atensyon niya sa akin.


Kumunot bigla ang noo ko. "Yes, I'm here. Then what?" Tinaasan ko siya ng kilay na siyang dahilan kung bakit mas lalo siyang napa ngisi.


"I have this news to you---"


"You mean, fake news?" Pag singit bigla ni Elsie. Sarcastic ang tono ng boses niya.


Tumaas bigla ang kilay ni Gwen saka niya mariing tiningnan si Elsie. "Bakit ba ayaw niyong maniwala na hindi nga ito fake news. Duh? This is legit for pate sake!" Inis niyang sabi at muli akong nilingon.


I'm Making Out With My Ex [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon