Kabanata 14: Let him go
Ang bawat salita ay mahalaga at makapangyarihan. Dalawa lang iyan eh. Ikaw ang masasaktan sa sarili mong sinabi o ang ibang tao. Kaya mas mabuting think before speak muna. Siguraduhin mo munang hindi ka masasaktan o mapapahiya sa sariling salita na lalabas sa bibig mo.
"She......." Hindi na matuloy-tuloy ni Klare ang sinasabi niya dahil lahat ng atensyon ay nasa kanya na.
Gusto ko siyang lapitan at yakapin dahil awang-awa ako ngayon sa kanya. Pero at the same time, natatawa rin ako. Hindi ko naman alam na ganito na pala kabilis makaintindi itong si Klare sa mga chuchu words ko. Iyon tuloy, nasabi niyang 'she want's to eat you' but duh? Wala akong sinabing gusto kong kainin si Clint. Nagtanong lang ako kung sigurado siyang kahit ano pwede kong kainin no.
"Klare.......sit down. And please, calm down." Mariing aniya Clint saka ako nilingon.
Matalim ang kanyang tingin kaya agad akong napa iwas ng tingin sa kanya.
Gosh! Ano na naman ba? Don't tell me naniniwala siya sa sinabi ng girlfriend niya? Eh ano naman ngayon? Bakit? Papakain ba siya? Tss!
"Ano ba ito? Ang tahimik!" Biglang sigaw ni Logan kahit halatang tawang-tawa pa rin siya. "Sino pumatay ng speaker? Mga gago buksan niyo! Party ito kaya dapat mag-ingay!" Sigaw niya muli dahilan para magsimulang mag-ingay at magsaya ulit ang lahat.
"Maka gago ka sa kanila akala mo naman ka'close mo silang lahat. Nasisiraan ka na ba?" Iritableng sabi ni Vince.
Humalakhak si Logan. "Oh, chill." Aniya Logan saka hinatak patayo si Josh.
"What the fvcking hell is your problem?" Inis na bulyaw ni Josh kay Logan.
Ngumisi si Logan. "Maraming sexy at magandang babaeng nagkalat, bro. Don't waste your time in this table. Wala tayong mapapala dito." Humagalpak si Logan saka niya hinila si Josh patungo doon sa mga babaeng naka swimming attire na. I think, ngayon pa lang ata mag start ang pool party. My bad. Parang gusto ko ring maligo pero wag na lang.
"Let's go." Rinig kong sabi ni Clint kaya naman pasimple akong lumingon sa kanya.
"Where are you going?" Ang tanong ko sana kay Clint ay nagawa ni Gwen ng walang kahirap-hirap.
Muling lumingon sa akin si Clint bago niya sinagot ang tanong ni Gwen. "Magbibihis lang si Klare." Aniya saka hinawakan ang kamay ni Klare dahilan kung bakit ako nag-iwas ng tingin.
Parang may tumusok sa bandang dibdib ko. Naramdaman ko rin ang lamig sa tiyan ko.
"Eh? Are you going to swim, Klare? Akala ko ayaw mo." Patuloy pa rin itong si Gwen.
Tumawa si Klare. "Ito kasing si Clint, eh. He want's to see me in my swimming attire." At sa malanding pagkakasabi nun ni Klare ay halos maibuga ko na itong barbeque'ng kasisimula ko pa lang kainin.
Muli na namang natuon ang atensyon ko kay Klare. Ngumisi siya sa akin saka niya ko pinagtaasan ng kilay. Ngumiwi ako saka nailing at the same time natawa.
Kung makapagtaas ito ng kilay sa akin akala mo naman walang sinabing hindi nakakahiya kanina ah? Well, makapal nga pala ang pagmumukha niya kaya wala na sa kanya iyon ngayon.
BINABASA MO ANG
I'm Making Out With My Ex [COMPLETED]
RomanceWARNING: SPG | R-18 | They hold each others hand. They kissed. They cuddle. They make out. They can do whatever they want to do even they're already broke up. Landian nga lang ba o talagang mahal pa rin nila ang isa'-isa? Former Title: The Extension...