Kabanata 26

19.5K 307 4
                                    

Kabanata 26: Bar


Walang kasing lapad ang ngiti ko ng mga sandaling paakyat na ako sa hagdan. Napawi lamang iyon ng bigla kong mapansin ang kapatid ko na nasa dulo nitong hagdan at may mapanuring tingin sa akin.


"What?" Kunot noo kong tanong sa kanya.


Bahagya siyang umiling bago humakbang palapit sa akin. "Who takes you home?" Tanong niya. Ito namang kapatid ko oh, napaka chismoso talaga.


Nagkibit ako ng balikat. "Kumain ka na? Kung hindi pa, you should eat. Tapos na ako---"


"So, paano ka nga nakauwi?" Pagputol niya sa sasabihin ko pa lang sana.


Napa roll eyes ako saka natawa. "Syempre nakauwi dahil sumakay ako ng kotse. Ano ka ba?" Sarcastic kong sabi at akmang hahakbang na sana ulit ako paakyat ng bigla naman niyang hawakan ang braso ko.


"Sino ang driver ng kotseng sinakyan mo kaya ka nakauwi?" Nakakaloko siyang tumingin sa akin na para bang alam naman niya kung sino ngunit gusto niya lang talaga akong asarin.


Ngumiwi ako. "Stop asking. I'm tired, Jus. I wanna sleep." Sumimangot ako para pakawalan na niya ako sa pagiging chismoso niya.


Marahan naman niyang binitawan ang braso ko saka niya ko kinindatan. "Matutuwa sina Mama at Papa pag nalaman nilang hinatid ka ni Kuya Clint pauwi." Ngumiti siya.


Tumaas bahagya ang kaliwang kilay ko. "See, alam mo naman pala kung sino naghatid sa akin pero kung makausisa ka jan. Tss. Sige na. Aakyat na ako." Naiiling kong sabi.


Tumawa naman siya. "I'v seen you two earlier, in parking area. That's why I know he will brought you home safe here." Aniya na siyang ikina ngiti ko.


"Nga pala, anong oras uuwi sina Mama?" Bigla kong natanong ng makita ko ang malaking orasan namin na naka sabit sa wall. Mag e'eight na. Nandito na kasi dapat sila mga ganitong oras.


Tumaas ang kilay ni Justin. "They didn't text you? Well, they texted me na baka malate sila ng uwi dahil marami daw silang inaasikaso sa office." Aniya niya.


Bigla akong napatampal sa noo ko. "Oh, shit! I forgot. Lowbat pala iyong phone ko. Oh sige na. Aakyat na ako." Mabilis akong umakyat at nagtungo sa kwarto ko.


Mabilis kong kinuha sa bag ang cellphone ko saka ko ito chinarge. Nagtungo rin ako sa banyo para makapag half bath muna.


Sobra akong naaliw sa pagbabad sa bathtub. Hindi ko tuloy namalayan ang oras.


Nagmadali ako sa pagbabanlaw ng marinig ko ang phone ko na sunod-sunod ang pagriring.


Ganun na lang pagkunot ng noo ko ng makita ko ang 10 missed calls na naka flash sa screen ng phone ko.


Agad sumibol ang kakaibang pakiramdam ng makita kong galing lahat kay Vince ang mga tawag na iyon.


Para akong natuklaw ng ahas sa sobrang kaba at gulat ng tumunog muli ang panibagong tawag mula kay Vince.


Should I answer this? Why not right? Baka importante ito. At baka mabastos siya pag hindi ko sinagot ang tawag niya.


Huminga ako ng malalim bago ko tuluyang pinindot ang answer icon.


"Vince....."


"Jas---hik. I-i hik need you."


Agad akong natulala saglit. Sa background pa lang niya at sa boses niya, alam kong nasa isang maingay siyang lugar at malamang lasing na siya.


I'm Making Out With My Ex [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon