Kabanata 20

21.9K 351 21
                                    

Kabanata 20: Lie

Let the pain teach you how to be strong. Ito ang lagi ko pinapaalala sa sarili ko tuwing wala na akong maisip na dahilan kung bakit ako nasasaktan ng sobra.


Tahimik akong naupo sa damuhan sa gilid ng malaking field nitong Weston University.


Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan namin ni Klare, nawalan na ako ng ganang bumalik sa gym. Panghihina ng tuhod ang nananaig ngayon sa buo kong katawan. I can't stand for to long that's why I decide to come here. Fresh air and quiet surroundings is all I need I right now.


Kahit anong gawin kong pag-iisip ng mga magagandang nangyari sa buhay ko, bumabalik pa rin sa akin yung nangyari kanina. Kahit anong iwas kong huwag munang alalahin iyon, paulit-ulit rin akong nabibigo. Mukhang nakatatak na nga talaga sa isip ko iyong malungkot na mukha ni Klare na siyang dahilan kung bakit paulit-ulit ring sumisikip ang dibdib ko.


"I hope you have time to talk to me now." Bigla ay narinig ko ang pamilyar at seryosong boses ni Vince.


Hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya. "Ano ba iyon?" Pinilit kong ngumiti bago ko siya tuluyang nilingon.


Halos magulat pa ako ng makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Why? What's with your eyes, Vince? I just wan't to ask him that sana pero umurong din ang dila ko.


Huminga siya ng malalim bago siya umupo sa tabi ko.


"Sorry for being a jerk this past few days." Seryoso niyang sabi saka siya nag-iwas ng tingin sa akin.


Sumimangot ako. "It's okay. I mean......I really don't mind." Ngumiwi ako sa sarili kong nasabi.


Bigla ay tumawa siya. Sarcastic na tawa. "Nakalimutan kong wala ka nga pa lang pakialam sa akin." Nagulat ako sa sinabi niya kaya agad ko siyang nilingon. Diretsyo lang ang tingin niya sa iilang soccer players na naglalaro sa field.


Napapikit ako saka nailing. "Vince, it's not that. Of course I care for you." Agaran kong sabi dahilan kung bakit siya napalingon sa akin. "We're friends....that's why I care for you." Muli kong pinilit ngumiti ngunit agad rin itong naglaho ng makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.


"It's been 2 years since you left him, Jas. And then now, It's still him right? It's still my bestfriend." Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa tono ng boses niya.


Wala akong naisagot. I don't know why do we need to go on this topic again. Hindi pa nga ako nakakaget over sa usapan namin kanina ni Klare mukhang may susunod na naman ata.


"I hope you still remember those day when I came to your school in London. To tell you......" Hindi na niya tinapos pa ang kung ano mang idudugtong niya pa sana. Kumunot naman ang noo ko saka pilit na tumawa.


"Of course, I do." Sabi ko. Of course I won't forget that day. That day, my heart broke into a pieces after what he told me.


Bumuntong-hininga siya. "Akala ko noon, pag sinabi ko sa'yo iyong tungkol kay Klare at Clint ay tuluyan mo na siyang makakalimutan. I really thought you'll get over him." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Now, he's starting. And I'm not yet ready to hear his reasons. No. Not now please.


"Well, I've tried my very best so I can forget him. It just...... not fvcking easy to do." Humina ang boses ko.


It's true. Sinubukan ko ang lahat para makalimutan lang noon si Clint. Nung araw kasi na binisita ako ni Vince sa University na pinapasukan ko noon sa London, na siyang ikina gulat ko rin ng husto noon kung paano niya nalaman na doon ako nag-aaral, sinabi niya sa akin nung mismong araw na iyon ang tungkol kina Klare at Clint.


I'm Making Out With My Ex [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon